sapi


sa·pì

png
1:
paglahok sa isang samahán o lipunan : LAPÌ3
2:
Kom sa negosyo, pagsosyo sa puhunan : ISTÁK2, LAPÌ3
3:
anumang pampatibay o nagpapalakas
4:
anumang uri ng balat na kinulti
5:
pagpútol ng sanga
6:
pag-uusap ng dalawa ukol sa kanilang sariling problema’t pangangailangan o pagkain nila sa iisang pinggan.

sá·pi

png |[ ST ]
:
isang uri ng kuwaderno.

sá·pid

png
:
bagay na naiiwan o dumirikit sa bibig ng sisidlan matapos magbuhos o anumang katulad na aksiyon.

sa·pí·gar

png |[ Pan ]

sáp-il

png |[ Ilk ]
:
patpat na matulis at panghukay.

sá·pi·li·tán

pnr |[ sa+pilit+an ]
1:
kinukuha ang pagsang-ayon o pagsunod sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghimok, o sa pamamagitan ng dahas : COMPULSORY, ÍMSALAPITÍBO2, MANDATORY1, OBLIGATÓRYO2, PABUNTÓ, PORSÓSO, WÁDYIB
2:
kailangang sundin alinsunod sa batas, kaugalian, at tuntuning panlipunan : COMPULSORY, MANDATORY1, OBLIGATÓRYO2, PABUNTÓ, PORSÓSO, WÁDYIB

sa·píl·ya

png |Kar |[ Seb ]

sa·pín

png
1:
[Akl Bik Hil Iba Ilk Kap Pan Tag] anumang inilalagay sa ilalim ng isang bagay na nagsisilbing takip, proteksiyon, o kutson : AP-ÁP, APÍS2, HANÍG, LÁPIS4
2:
[Esp chapin] kórtso
3:
[Ilk] pánti
4:
[Iba Pan Tag] tela na inilalagay sa síya — pnd i·sa·pín, mag·sa·pín, sa·pi·nán.

sá·ping

png |Ntk
:
pagpipiloto o pagtimón ng bangka.

sa·pí·ngi

png |[ Mrw ]

sa·pí·nit

png
1:
Bot palumpong (genus Rubus ) na matinik at kapamilya ng blackberry : SARSAMÓRA
2:
borlas na hugis bilóg.

sa·pín·sa·pín

png
1:
2:
kakaníng may tatlong sapin at gawâ sa galapong, ube, at gata ng niyog.

sa·pín-sa·pín

pnr
:
magkakapatong o suson suson : LÁKITLÁKIT1

sá·pir

png |[ ST ]
:
tirá2-3 o ang nátirá.

sa·pí·ring

png |Ana |[ War ]

sá·pi·ró

png |[ Esp ]
1:
hiyas na mámahálin, naaaninag na bughaw at may corundum : DÍLAM, SAPPHIRE
2:
mamahálin, naaaninag na corundum ng anumang kulay : DÍLAM, SAPPHIRE
3:
ang matingkad na bughaw ng sapphire : DILAM, SAPPHIRE

sa·pì-sa·pì

png |[ Bik Kap Pan Tag ]

sa·pi·só·ko

png |[ Mrw ]

sá·pit

png
1:
pagdating sa patutunguhan
2:
resulta o wakas ng isang pangyayari
3:
[Pan] salà1 — pnd ma·ka·sá·pit, sa·pí·tin, su·má·pit.

sa·pi·yák

png |[ ST ]
:
kasunduan ng mga nagsusugal sa niyog o tandang.

sa·pi·yó

png |Kar |[ Hil Mrw War ]