panti


pan·tí

png
:
varyant ng panté.

pán·ti

png |[ Ing panty ]
:
kasuotang pan-loob o korto ng babae : PANTY, SAPÍN3

pan·tíg

png
1:
[ST] mahinàng palò sa matunog na bagay : LITOK
2:
Gra Lgw aisang patuloy na yunit ng bigkas ng pananalita, binubuo ng isang sen-tro ng malinaw na sonoridad at may kalakip na isa o mahigit pang tunog na may mababàng sonoridad bkombinasyon ng isang patinig at isa o dalawang katinig : SÁLIK4, SÍLABÁ, SYLLABLE

pan·tí·gan

png |Gra |[ pantig+an ]
:
listahan o katalogo ng mga pantig : SILABÁRYO, SYLLABARY Cf PALÁPANTÍGAN

pan·tí·han sáng·han

png |Zoo

pan·tik·wás

png |[ pang+tikwas ]
:
mahabà at matigas na piraso ng ka-hoy o bakal na ginagamit para ikilos ang isang mabigat o mahirap tang-galing bagay sa pamamagitan ng pagsalalay ng isang dulong nakasuot sa pinakikilos na bagay at pagdiin na-man sa kabilâng dulo : BAYAWÁN, LEVER1, MANGGETA, PALANGKA1, PAMA-BÁ, PAMANÀ, TUWÁNGAN

pan·tim·báng

png |[ pang+timbáng ]
:
anumang ginagamit sa pagkuha ng timbang : BALANSÉRO

pan·tim·pa·lák

pnr |[ pang+timpalak ]
:
may katangian na nararapat sa isang timpalak.

pan·tim·plá

png |[ pang+timpla ]
1:
anumang kondimento sa pagkain
2:
kasangkapang ginagamit sa pagtim-pla var panimplá

pan·ti·nà

png |[ pang+tina ]
:
tumutukoy sa substance na ginagamit sa pagku-kulay ng damit o buhok : KOLÓR3

pan·tíng

png
1:
[Tsi] biglang silakbo ng galit : AKIG2, PANSÓK, RUNGSÚT — pnd i·pan·tíng, mag·pan·tíng, pag·pan·ti·ngín, pu· man·tíng
2:
pag·pa·pan·tíng malakas na pitík sa tainga
3:
batóng pinag-kikiskis para gumawa ng apoy
4:
pag-hahawan ng talahib at ibang karisal.

pan·tí·ngan

png |[ ST ]
:
batóng gina-gamit pandingas ng apoy.

pan·ti·pák

png |[ pang+tipak ]
:
kasang-kapan na ginagamit para sa pagpiraso ng yelo, malaking bato, at katulad.

pan·tis·tís

png |[ pang+tistis ]
1:
Med instrumento na ginagamit sa pag-opera ng may sakít
2:
Kar lagari o anumang ginagamit sa pahabâng pagputol ng isang kahoy.

pan·tí·tik

png |[ pang+titik ]
:
pen o bro-tsa para sa pagsulat ng titik.

pan·tí·yan

png |[ Pan ]

pan·ti·yó

png |[ Tsi ]
:
uri ng talim na bakal na may bútas o uka sa dulo, at ginagamit sa paglalagay ng bato sa hiyas Cf PAMBOLÍTAS