taya


ta·yá

png |Med |[ ST ]
:
pagpapagaling ng pigsa sa pamamagitan ng paglulubog sa mainit na tubig.

ta·yâ

png
1:
salapi o halagang ipinagsasapalaran sa isang laro o paligsahan : APWÉSTO, BET1, KONANÁN, LAGAY5, PATNÁW, PUSTÁ, STAKE3, TAKDÂ4, TEÉN, WAGER
2:
sa laro, ang kalahok na kailangang gumawâ ng ilang espisipikong bagay, karaniwan bílang parusa sa pagkatálo
3:

tá·ya

png
1:
pag·táya pagpapasiya o pagsukat sa halaga, dami, lakí, o bigat ng isang bagay sa pamamagitan ng tingin, hawak, at paggamit lámang ng pandama : AKÁN, APPROXIMATE, APRÓKSIMASYÓN, ÁSOK, BANÀBANÀ, CALCULATION, ESTIMATE1, HÁUM-HÁUM, KALKULASYÓN, KARAKÁREN, KARÁNGAN, KÍMMAT, KUWÉNTA1, NUMERASYÓN2, PADISÉR, PATPÁTAN2, SULÁGMA, TANTIYÁ Cf KALKULÁ — pnd i·pang·tá·ya, i·tá·ya, mag·tá·ya, ta·yá·han, ta·yá·hin, tu·má·ya
2:
[Ilk] sáhod.

ta·ya·án

png |[ Bon ]
:
biluhabâng basket na may takip, parihabâ ang puwit, at pinaglalagyan ng bigas, damit, o anumang gamit sa bahay.

tá·yab

png |[ Ilk ]
:
lutuang yarì sa luad, higit na maluwang ang bunganga sa bangâ.

ta·yá·bak

png |Bot
:
matigas na baging, may kapansin-pansing bulaklak dahil sa kulay na mabughaw-bughaw na lungtian na 7 sm ang habà ng bawat isa, nakatikwas na parang tuka at nakakumpol sa tangkay, katutubo sa Filipinas : BÁYU, JADE VINE

ta·yá·bas

png

ta·ya·bú·tab

png |Heo |[ ST ]
:
lupa na mamasâ-masâ, malambot, at magaan.

ta·ya·bú·tas

png |Heo
:
buhaghag at umidong lupa.

ta·yád

pnr

tá·yad

png |[ ST ]
:
tulis na mapurol.

tá·yag

png
1:
[ST] bantóg
2:
[Ilk] taas4

tá·yak

png
:
natápong patak ng alak.

ta·ya·kád

png
1:
dalawang piraso ng kahoy na may tuntungan na ginagamit sa paglakad o pagtakbo : KÍKIK1, SÁKAL2, STILT1
2:
nabibitbit o naililipat na habong na gawâ sa nipa.

ta·ya·káw

png |Zoo
:
isang uri ng susô.

ta·ya·ke·ték

png |Mtr |[ Pan ]

tá·yam

png
1:
Bot palumpong (Desmodium heterocarpon ) na may makahoy at munting sanga na nababálot ng maiikling balahibong kulay abo : MANÎ-MANÍAN
2:
[Pan] bágal.

ta·yam·tám

pnr |[ ST ]

ta·ya·mú·tam

png |[ ST ]
:
ang nátirá sa kinayod o kinayas Cf KÚSOT, TAYUBÁSI

tá·yang

png |[ ST ]
:
piraso ng kawayan na ipinampapatigas sa tali ng áso upang hindi nitó ito makagat.

ta·yang·kád

pnr
:
matangkad dahil sa kahabaan ng mga binti.

ta·yang·táng

pnr
:
natuyô sa araw : TAYAMTÁM

tá·yang-tá·yang

png |Zoo |[ Seb ]

ta·yá·nig

png |[ ST ]
:
tunog na hindi gaanong maingay ng sinumang naglalakad, humahampas o ginagalaw ang isang bagay.

ta·yáp

pnr |[ ST ]
:
may tulis.

ta·yá·pok

png |Bot |[ Mnb ]

ta·ya·rák

png |[ ST ]