má-i.
mi
png |Mus |[ Esp Ita ]
:
ang pangatlong nota sa eskalang diyatoniko.
mi·bî
pnd |[ Bik ]
:
magdasal o ipagdasal.
mica (mí·ka)
png |Heo |[ Ing ]
:
alinman sa pangkat ng mga mineral na silicate na may nakasalansang estruktura, tulad ng muscovite.
Micah (mí·ka)
png
1:
batàng propeta noong ika-8 dantaon BC
2:
sa Bibliya, aklat na nagsasaad ng pagkawasak ng Samaria at Jerusalem.
mickey mouse (mí·ki maws)
png |[ Ing ]
1:
tauhang daga sa kartun ni Walt Disney at naging pabirong tawag sa tao na kahawig nitó
2:
Kol
tawag sa salapi na walang halaga gaya sa naging tawag sa salaping kumalat noong panahon ng Hapones
3:
Bot
mickey mouse plant.
mickey mouse plant (mí·ki maws plant)
png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (Solanum mammosum ) na 90 sm ang taas, na may bungang kulay dilaw o dalandan, 6 sm ang habà, at may tíla utong na mga bahagi : MICKEY MOUSE3
microanalysis (máyk·ro·a·ná·li·sís)
png |Kem |[ Ing ]
:
pagsusuring kantitatibo ng mga chemical compound na gumagamit ng ilang miligramong sampol.
microbiology (máy·kro·ba·yó·lo·dyí)
png |[ Ing ]
:
siyentipikong pag-aaral ng mga mikroorganismo.
microchip (máy·kro·tsíp)
png |Com |[ Ing ]
:
maliit na mapa ng semiconducting material at ginagamit upang makalikha ng pinagsámang circuit.
microfarad (máy·kro fá·rad)
png |Ele |[ Ing ]
microfilm (máy·kro·fílm)
png |[ Ing ]
:
isang piraso ng film na naglalamán ng pinaliit na retrato o imahen ng mga dokumento, at iba pa.
microfloppy (máy·kro·flá·pi)
png |Com |[ Ing ]
:
diskette na may diyametrong higit na maliit sa 13.44 sm.
microprocessor (máy·kro·pro·sé·sor)
png |Com |[ Ing ]
:
pinagsámang circuit na naglalamán ng lahat ng funsiyon ng pangunahing yunit sa pagpoproseso.
microwave (máy·kro·wéyv)
png |[ Ing ]
:
elektromagnetikong alon na may habàng-alon sa antas na 0.001 0.3 m.
mid-
pnl |[ Ing ]
1:
nangangahulugang gitna
2:
nagsasaad ng kalahati at katamtaman, hal midway, midyear.
Mí·das
png |Mit |[ Esp ]
:
hari ng Phrygia na binigyan ni Dionysius ng kapangyarihan upang maging ginto ang bawat mahipo.
middle (mí·del)
pnr |[ Ing ]
1:
nása katamtamang distansiya mula sa sukdulan
2:
sa isang pangkat, ang ipinantitimbang sa magkabilâng bigat
3:
panggitna sa ranggo, kalidad, at iba pa
4:
sa wika, ang panahon sa pagitan ng sinauna at makabagong mga anyo.
Middle East (mí·del íst)
png |Heg |[ Ing ]
:
Gitnáng Silángan.
middleweight (mí·del·wéyt)
png |Isp |[ Ing ]
1:
timbang ng manlalaro sa pagitan ng welterweight at light heavyweight, karaniwang 71–75 kg sa amateur ngunit nag-iiba sa pro-pesyonal
2:
manlalaro sa ganitong timbang.
mi·díng
png |[ Ilk ]
:
alak na gawâ mula sa katas ng tubó.
míd·rib
png |Bot |[ Ing ]
:
gitna ng dahon.
midriff (míd·rif)
png |[ Ing ]
1:
Ana
rehiyon sa harap ng katawan sa pagitan ng thorax at abdomen ; o diaphragm1
2:
tela o bahagi ng damit na tumatakip sa abdomen.
mí·ga
png |[ War Esp ]
:
maliit na piraso ng tinapay.
migraine (máy·greyn)
png |Med |[ Ing ]
:
paulit-ulit at matinding pagsakít ng ulo.
mi·gras·yón
png |[ Esp migracion ]
1:
sa mga ibon, isda, o ibang hayop, paglipat mula sa isang rehiyon o panahanan tungo sa iba, lalo na kung ginagawâ alinsunod sa pag-babago ng panahon : MIGRATION
migrate (máy·greyt)
pnd |[ Ing ]
1:
umalis sa isang pook at tumungo sa isa pa
2:
sa mga hayop lalo na ang ibon o isda, lumipat ng tirahan dulot ng pagbabago ng panahon
3:
kumilos ayon sa galaw ng mga natural na puwersa.
mi·gra·tór·yo
pnr |[ Esp migratorio ]
2:
ginagamit din sa mga manggagawang palipat-lipat ng trabaho.
mi·hâ
png
:
pagkilos na tíla batà.
mi·há·sa
pnr |[ ST ma+bihasa ]
:
mahirati o mawili sa isang ikinasisiyang bagay.
mí·hit
png |[ ST ]
:
kainisan ang hindi gusto.
mi·ít
png |Zoo
:
ibon (Hypsipetes everetti ) na karaniwang kulay dilaw at mahilig manirahan sa kagubatan.
Mi·ká·do
png |Pol |[ Jap ]
:
titulo ng emperador ng Japan.
mí·ki
png |[ Tsi ]
:
uri ng pansit.
mik·mík
pnr |[ ST ]
:
maliit o kakaunti ang bílang.
mí·kol
png |[ Ilk ]
:
limang sentimong sensilyo.
mí·kro-
pnl |[ Esp micro ]
1:
nagsasaad ng pagiging maliit : MICRO-
2:
nag-sasaad ng salik ng ikasanlibo : MICRO-
mi·krób·yo
png |Bio |[ Esp microbio ]
mi·kro·kós·mo
png |[ Esp microcosmo ]
1:
halimbawa o kinatawan ng isang bagay, karaniwang maliit : MICROCOSM
2:
ang sangkatauhan bílang sentro ng uniberso : MICROCOSM
3:
anumang bagay o komunidad na tinitingnan sa ganitong paraan : MICROCOSM
mi·krón
png |Mat |[ Esp micron ]
:
isa sa sanlibong bahagi ng milimetro o isa sa sangmilyong bahagi ng isang metro : MICRON
mi·kro·ór·ga·nís·mo
png |Bio |[ Esp ]
:
napakaliit na organismo, gaya ng bakterya o mikrobyo : MICROORGANISM
mi·kró·po·nó
png |[ Esp microfono ]
:
kasangkapang elektroniko na may kakayahang makapagpalakas ng tunog : MICROPHONE
mi·kros·kó·pi·kó
pnr |[ Esp ]
:
napakaliit kayâ’t sa pamamagitan lámang ng mikroskopyo makikíta : MICROSCOPIC
mi·kros·kóp·yó
png |[ Esp microscopio ]
:
aparato na nagpapalaki ng maliliit na bagay sa pamamagitan ng mga lente upang makíta ang mga detalyeng hindi nakikíta ng karaniwang matá : MICROSCOPE
mi·la·gró·sa
png |Bot |[ Esp ]
:
uri ng palay na mamahálin dahil sa mabangong bigas.
mi·la·gró·sa
pnr |[ Esp ]
:
maraming nagagawâng himala, kung sa santa, mi·la·gró·so kung sa santo.
mi·lá·no
png |Zoo |[ Esp ]
mí·lay·lay
pnd |ma·mi·lay·láy, mi· lay·la·yán, pa·mí·lay·la·yán
:
lumitaw nang banayad, gaya ng paglitaw ng ngiti sa labì Cf MUTAWÌ
mild (mayld)
pnr |[ Ing ]
1:
sa tao, mabait, maalalahanin
2:
Bat
magaang na parusa
3:
Med
sa karamdaman, hindi malubha, hindi mabigat
4:
sa panahon, katamtaman
5:
sa pagkain, hindi matapang ang lasa o katamtaman ang alat, tamis, at iba pang lasa
6:
kung sa sabon, salitâ, at kilos, banayad ang bisà.
mildew (míl·dyu)
png |Bot |[ Ing ]
1:
sakít ng haláman, karaniwang mapapansin sa pamumuti ng rabaw ng apektadong bahagi at dulot ng mapaniràng funggus
mi·lég·was
png |Bot |[ Esp milleguas ]
:
baging (Telosma cordata ) na makinis ang punò, malapad ang dahon, mabango at balahibuhin ang dilaw o dilawing lungting bulaklak, katutubò sa India at China at ipinasok sa Filipinas sa bungad ng ika-20 siglo : MINÍGWAS
mi·le·nár·yo
pnr |[ Esp milenario ]
:
kaugnay o nauukol sa milenyo.
mi·lén·yo
png |[ Esp milenio ]
1:
sanlibong taon : MILÉNYUM,
MILLENNIUM
2:
ang buong isang libong taon na, ayon sa paniniwala, dáratíng ang Kristo sa katapusan ng mundo : MI-LÉNYUM,
MILLENNIUM
miles per galon (mayls per gá·lon)
png |Mat |[ Ing ]
:
konsumo ng isang galong gasolina sa mga tinakbong milya ng sasakyan Cf : MPG
milestone (máyls·town)
png |[ Ing ]
1:
bato na inilagay sa gilid ng daan bílang marka ng isang milya Cf KILOMETRÁHE1,
MOHÓN
2:
pangyayari o yugto sa búhay, kasaysayan o proyekto na makahulugan.
mil·fló·res
png |Bot |[ Esp mil-flores ]
:
palumpong (Hydrangea macrophylla ) na may malalakí, kumpol ang bughaw, pink, o puláng bulaklak, at nabubúhay sa malalamig na pook.
milfoil (míl·foyl)
png |Bot |[ Ing ]
:
tuwid na yerba (Achillea millifolium ), 60 sm ang taas, putî ang bulaklak, katutubò sa Europa at itinatanim ngayon sa Cordillera.
mí·li
pnt |[ Bik ]
:
dáhil ; sapagkát.
miliámpere (mi·li·ám·pir)
png |Mat |[ Ing ]
:
isa sa sanlibong bahagi ng ampere.
mi·lís·ya
png |Mil |[ Esp milicia ]
1:
sibilyan na itinalaga sa serbisyong militar : MILITIA
2:
agham ng pakiki-digma : MILITIA
3:
kalalákihan na maaaring italaga ng batas na magsundalo : MILITIA
mi·lis·yá·no
png |Mil |[ Esp miliciano ]
:
kawal na nakatalaga sa milisya.