basi
bá·si
png
2:
[ST]
mga dahon na inilalagay sa kílang2
3:
[ST]
lináb o marumíng bahagi sa ibabaw ng tinunaw na metál.
ba·sí·bas
png |[ Ilk Tag ]
:
pagpukol sa hayop na binubugaw sa pamamagitan ng kaputol na kahoy o kawayan.
basicity (bey·sí·si·tí)
png |Kem |[ Ing ]
:
bílang ng proton na pagsasaniban ng isang base.
basics (béy·siks)
png |[ Ing ]
:
batayang datos o prinsipyo.
bá·sig
png |Zoo |[ ST ]
:
baboy na kapón.
ba·sí·li·ká
png |Ark |[ Esp basilica ]
1:
pampublikong bulwagan ng sinaunang Roma, ginagamit na korte at pook ng asamblea
2:
katulad na gusali na ginagamit sa simbahang Kristiyano
3:
simbahan na may espesyal na pribilehiyo mula sa Papa
4:
malakíng simbahang pumapangalawa sa katedral.
Basilio (ba·síl·yo)
png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, isa sa mga anak ni Sisa at naging tagapag-alaga ni Kapitan Tiago.
ba·si·lís·ko
png |[ Esp basilisco ]
1:
Zoo
maliit na bayawak (genus Basiliscus ) na may palong sa likod at buntot
2:
Mit
maalamat na reptil, nakamamatay ang tingin at hininga.
ba·sí·lod
png |Zoo |[ ST ]
:
tawag sa basil1 sa Batangas.
basin (béy·sin)
png |[ Ing ]
2:
pabilóg na guwang
3:
bahagi ng tubigán na may dákong inaapawan ng tubig
4:
Heo
pormasyon ng malalaking bató na nakasalansang malalim ang gitna
5:
ba·síng
png |[ War ]
:
pook para sa pag-ihi.
ba·sí·ngan
png |[ Tau ]
:
kapag magpapakasal, salapi o ginto na ibinibigay ng laláki sa kaniyang nobya, bukod pa sa bigay-káya, na magbibigay sa kaniya ng karapatan sa kanilang magiging mga anak.
ba·síng·ka·wél
png |[ Ilk ]
:
panahon ng halalan.