omi
ó·mi
png |Zoo
:
uri ng isdang-alat (Macolor macularis ) na kahawig ng máya-máya ngunit may makislap na dilaw na matá, may guhit na putî sa tagiliran, may putîng tiyan at mga bátik na putî sa likod : MIDNIGHT SEAPERCH
omicron (o·máy·kron)
png |[ Ing ]
1:
ikalabinlimang titik ng alpabetong Greek (O, o )
2:
tunog ng isang patinig at kinakatawan ng titik na ito.
ominous (ó·mi·nús)
pnr |[ Ing ]
1:
nakahihindik ; nagbabadya ng kasamaan, sakuna, o kahirapan
2:
hinggil sa masamâng pangitain
3:
punô ng mga pangitain.
omission (o·mís·yon)
png |[ Ing ]
:
ligtâ o pagkaligtâ.
o·mis·yón
png |[ Esp omisión ]
:
ligtâ o pagkaligtâ.
o·mít
pnd |[ Ing ]
1:
huwag isáma o ibílang ; tanggalin ; iwan
2:
kaligtaan o pabayaang gawin ang isang bagay.