mikro-
mí·kro-
pnl |[ Esp micro ]
1:
nagsasaad ng pagiging maliit : MICRO-
2:
nag-sasaad ng salik ng ikasanlibo : MICRO-
mi·krób·yo
png |Bio |[ Esp microbio ]
mi·kro·kós·mo
png |[ Esp microcosmo ]
1:
halimbawa o kinatawan ng isang bagay, karaniwang maliit : MICROCOSM
2:
ang sangkatauhan bílang sentro ng uniberso : MICROCOSM
3:
anumang bagay o komunidad na tinitingnan sa ganitong paraan : MICROCOSM
mi·krón
png |Mat |[ Esp micron ]
:
isa sa sanlibong bahagi ng milimetro o isa sa sangmilyong bahagi ng isang metro : MICRON
mi·kro·ór·ga·nís·mo
png |Bio |[ Esp ]
:
napakaliit na organismo, gaya ng bakterya o mikrobyo : MICROORGANISM
mi·kró·po·nó
png |[ Esp microfono ]
:
kasangkapang elektroniko na may kakayahang makapagpalakas ng tunog : MICROPHONE
mi·kros·kó·pi·kó
pnr |[ Esp ]
:
napakaliit kayâ’t sa pamamagitan lámang ng mikroskopyo makikíta : MICROSCOPIC
mi·kros·kóp·yó
png |[ Esp microscopio ]
:
aparato na nagpapalaki ng maliliit na bagay sa pamamagitan ng mga lente upang makíta ang mga detalyeng hindi nakikíta ng karaniwang matá : MICROSCOPE