ac
academe (á·ka·dím)
png |[ Ing ]
1:
pook para sa pag-aaral at pagtuturò : AKADÉMYA3
2:
kolektibong tawag sa mga pamantasan : AKADÉMYA3
3:
komunidad ng mga guro at iskolar : AKADÉMYA3
acalypha (a·ka·lí·fa)
png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (Acalypha wilkesiana ) na matingkad ang lungting dahon at tumataas nang 3 m.
acanthus (a·kán·tus)
png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (genus Acanthus ) na matinik ang mga dahon.
Acapulco (a·ka·púl·ko)
png |Heg
:
Acapulco de Juarez ang buong pangalan, isang daungan sa katimugang Mexico sa Pacifico.
accelerando (ak·se·le·rán·do)
pnb pnr |Mus |[ Ita ]
:
dahan-dahan ang pagbilis.
accelerometer (ak·se·le·ró·mi·tér)
png |Mek |[ Ing ]
:
kasangkapang pansukat ng aselerasyón ng isang gumagalaw na bagay.
access (ák·ses)
png |[ Ing ]
1:
daan sa pagpunta o pagpasok sa isang pook
2:
paglapit o paraan ng paglapit sa isang tao
3:
karapatang makapasok o makadalaw
4:
karapatan sa paggamit o paghiram
5:
Kom
paraan ng pagkuha ng datos o file.
accessit (ak·se·sít)
png |Lit |[ Lat ]
:
karangalan para sa pinakamalapit sa premyo Cf KARANGÁLANG-BANGGÍT
accessory (ak·sé·so·rí)
png |[ Ing ]
1:
2:
acciacatura (a·syá·ka·tú·ra)
png |Mus |[ Ita ]
:
notang mabilis na tinitipa bago ang simula ng melodiya.
accommodate (ak·kóm·mo·déyt)
png |[ Ing ]
1:
2:
magpatulóy o patuluyin
3:
magbigay o bigyan
4:
tulungan o tumulong
5:
accoutre (a·kú·ter)
png |[ Fre Ing ]
:
damit o natatanging kasuotan, lalo ng sundalo.
accuse (a·kyús)
pnd |[ Ing ]
:
mag-akusa o akusahan.
ace (eys)
|[ Ing ]
1:
2:
tao na bihasa sa isang gawain
3:
Isp iskor na natamo sa isang tíra, gaya ng serbisyo sa tennis na hindi napabalik ng kalaban.
Aceldama (a·kel·dá·ma)
png |[ Heb ]
:
sa Bibliya, lupain na malapit sa sinaunang Jerusalem na binili mula sa salaping tinanggap ni Hudas.
acephalous (ey·sé·fa·lús)
pnr |[ Ing ]
1:
walang ulo
2:
walang pinunò o hepe
3:
Zoo
walang ulo ang katawan.
acetabulum (a·si·tá·byu·lúm)
png |[ Ing ]
1:
Ana
socket sa butó ng balakang
2:
Zoo
organong pansipsip ng mga bulate at katulad na hayop.
acetal (a·sí·tal)
png |Kem |[ Ing ]
1:
walang kulay na likido (C6H14O2), may pinagsámang acetaldehyde at ethyl alkohol, ginagamit na sangkap sa paggawâ ng pabango, at nagsisilbi ring solvent : DIETHYLACETAL
2:
alinman sa pangkat ng aldehyde na may alkohol.
acetaldehyde (a·si·tál·di·háyd)
png |Kem |[ Ing acetic+aldehyde ]
:
walang kulay at masiklab na likidong aldehyde at may kimikong pormula CF3 CHO.
acetate (á·si·téyt)
png |Kem |[ Ing acetic+ate ]
:
salt o ester ng asidong acetic, lalo na ang cellulose ester na ginagamit sa paggawâ ng tela, gramaphone record, at iba pa : ASETÁTO
acetic (a·sé·tik)
png |Kem |[ Ing ]
:
acetic acid.
acetic acid (a·sé·tik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
:
malinaw na likidong asido (CH3COOH) na nagbibigay ng maasim na panlasa sa sukà : ACETIC
acetone (á·si·tón)
png |Kem |[ Ing ]
:
likido ((CH3)2CO) na walang kulay, natutunaw sa tubig, nagliliyab, karaniwang ginagamit bílang solvent, at matatagpuan sa pintura at barnis : ÁSETÓNA
acetylide (a·sé·ti·láyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
anumang compound mula sa asetilin matapos mapalitan ng metal, hal silver acetylide, ang isa o ang kapuwa hydrogen atom.
acetylsalicylate (á·si·tíl·sa·lí·si·léyt)
png |Kem |[ Ing ]
:
salt o ester ng aspirin.
Achaea (a·ké·ya)
png |Heg |[ Ing Gri ]
:
sinaunang rehiyon sa Greece.
Achaean (a·ké·yan)
pnr |Ant Heg Lgw |[ Ing Gri ]
:
may kaugnayan sa Achaea, sa mga mamamayan nitó, at sa kanilang wika at kultura.
achievement (a·tsív·ment)
png |[ Ing ]
1:
anumang naabot o natapos
2:
Sik
marka sa istandard na pagsusulit.
Achilles (a·kíl·lis)
png |Mit |[ Gri ]
:
pangunahing bayaning Greek sa Iliad, kinikilálang pinakamahusay na mandirigma.
achondroplasia (ey·kon·dro·pléy·sya)
png |Med |[ Ing ]
:
hindi normal na pagtubò ng kartilago na nagiging sanhi ng labis na pagiging pandak ng mga hayop kabílang na ang tao.
achromatic (ak·ro·má·tik)
pnr |[ Ing ]
:
nagpapadaloy ng liwanag nang hindi naibubukod ang bawat kulay na sangkap nitó.
acid rain (á·sid réyn)
png |Mtr |[ Ing ]
:
tubig-ulan na may asido sanhi ng polusyon sa hangin.
acknowledgement (ak·nó·lids·mént)
png |[ Ing ]
2:
bagay na ibinibigay o kilos na ginagawa kapalit sa isang serbisyo
3:
pasalámat o pagpapasalamat var acknowledgment
acorn (éy·korn)
png |Bot |[ Ing ]
:
biluhabâng nuwes o bunga ng oak.
acoustic (a·kús·tik)
png |[ Ing ]
1:
katangian ng isang kulób na pook, gaya ng awditoryum, para magpabalandra ng tunog túngo sa malinaw na pakikinig
2:
Mus
sa instrumentong pangmusika, walang amplipikasyong pang-elektrika.
acoustics (a·kús·tiks)
png |[ Ing ]
:
agham kaugnay ng produksiyon, kontrol, paglilipat, at pagtanggap ng tunog : AKÚSTIKÁ
Acquired Immune Deficiency Syndrome (ak·wáyrd im·yún de·fí·syen·sí sín·drom)
png |Med |[ Ing ]
:
sakít sa sistemang pandepensa sa katawan sanhi ng HIV Cf AIDS
acrosome (ák·ro·sóm)
png |Bio |[ Ing ]
:
panlabas na takip ng tíla sima na ulo ng spermatozoon.
Acrux (ey·krúks)
png |Asn |[ Ing ]
:
panlabindalawang pinakamaliwanag na bituin sa langit, pinakamaliwanag sa konstelasyon ng Crux, nakikíta lámang sa dakong timog ng hemisphere.
acrylic (a·krí·lik)
png |Sin |[ Ing ]
:
kagamitan sa pagpipintura, ginagamit din sa pagpipinta ng bahay, kotse, at iba pa : AKRÍLIKÓ
Acta de Tejeros (ak·tá de te·hé·ros)
png |Kas
:
kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros.
Acteon (ak·te·ón)
png |Mit |[ Esp ]
:
sa mga Greek, isang mángangáso na naging usá nang mapagmasdan niyang naliligo si Artemis, at hinabol at kinain ng sarili niyang mga áso.
actinium (ak·tín·yum)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong metaliko at radyoaktibo (symbol AC ).
actinometer (ak·ti·nó·mi·tér)
png |[ Ing ]
:
kasangkapan na pansúkat sa dami o kapal ng radyasyong ultrabiyoleta.
actinomycete (ak·ti·nó·mi·sít)
png |Zoo |[ Ing ]
:
bakteryum na karaniwang nása anyong malahibla.
acto de atricion (ák·to de a·tris·yón)
png |Kas |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, paraan ng paghingi ng kapatawaran.
actum est (ák·tum est)
pnb |[ Lat ]
:
yarî na ; tapos na ; nangyari na.
acumen (á·kyu·men)
png |[ Ing ]
:
kakayahang gumawâ ng mahusay na paghuhusga at mabilis na pasiya, lalo na sa isang partikular na larangan, gaya sa negosyo.
acupressure (ák·yu·pré·syur)
png |Med |[ Ing ]
:
paraan ng panggagamot sa pamamagitan ng pagdidiin ng daliri sa isang tiyak na bahagi ng katawan.
acupuncture (ak·yu·pángk·tsur)
png |Med |[ Ing ]
:
paraan ng panggagamot sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom sa kalamnan.
acute angle (a·kyút áng·gel)
png |Mat |[ Ing ]
:
ánggulóng agúdo.