pagkilala


pag·ki·lá·la

png |[ pag+kilala ]
1:
pagtukoy sa isang bagay na dati nang nakíta, narinig, o nalalaman : AKREDITASYÓN, RECOGNITION
2:
pagtuturing na tunay o umiiral ang isang bagay : AKREDITASYÓN, RECOGNITION
3:
pagsang-ayon na ang isang bagay ay may bisà o karapat-dapat na suriin o pag-aralan : AKREDITASYÓN, RECOGNITION
4:
sertipiko o anumang katibáyan na pumupuri sa katangian ng nagawâng kahusayan ng isang tao ; okasyon o palatuntunan para ibigay ito : AKREDITASYÓN, ACKNOWLEDGEMENT1, RECOGNITION