• á•las-
    pnl | [ Esp alas ]
    :
    ginagamit sa pagsasabi ng oras mula sa ikalawa hanggang ikalabindalawa hal alas-onse
  • a•lás
    png
    1:
    [Esp alas] unang bílang sa isang manghal ng baraha, at may titik “A” bílang representasyon nitó
    2:
    [Esp alas] úna1-2 o pang-una
    3:
    [ST] bagay na eksakto; bagay na walang labis, walang kulang
  • á•las
    png | [ ST ]
    1:
    pagputol nang magkapantay ang mga bahagi
    2:
    hanggahan ng mga gilid ng isang bukirin