bag-o
ba·gô
png |[ Seb ]
1:
Med
uri ng sakít na kakikitahan ng panghihina o panlalambot ng buong katawan, pamamaga sa bahagi ng tiyan, at paninilaw ng balát, karaniwang sanhi o dalá ng lamok at susô Cf MALÁRYA
bá·go
png |Bot
1:
malakí-lakíng punongkahoy (Gnetum gnemon ) na tumataas nang 10 m, magkakatapat ang mga dahong matutulis ang magkabilâng dulo at matingkad na lungti ang kulay, kumpol-kumpol at mapulá ang bunga : LAMPÁRAN
2:
maliit na punongkahoy na karaniwang 2–3 m ang taas, ginagamit na pantalì ang balát, at magkakatapat ang mga dahon, makinis, at may bahagyang tulis sa dulo at punò
3:
[ST]
unang bunga.
bá·go
pnr
2:
Bá·go A·nong
png |[ Igo ]
:
dasal o seremonya ng agnas at obaya.
ba·gók
png
1:
tunog ng pagbagsak ng isang malaki at mabigat na bagay : BÁG-OK
2:
biglang umpog ng dalawang bagay na matigas : BÁG-OK
3:
mahinàng tunog ng nalaglag na barya o metal, karaniwang nagpapahiwatig ng pagiging huwad.
ba·gól
png
1:
2:
Ekn
lumang baryang Filipino na katumbas ng limáng sentimo
3:
[Bik Seb War]
báo1
4:
Mit
[Ifu]
bathalà1
ba·gól
pnr
1:
magaspang ang ugali ; kakatwa o asiwa ang anyo o kilos : BUNDAGÓL
2:
malaki ang katawan ngunit mahinà
3:
[Bik ST]
tamád at mabagal
4:
[Bik]
walang pakialam.
ba·gón
png |[ Esp ]
1:
bahagi ng tren na pinagkakargahan ng mga gamit : BAGÓL1,
COACH4,
MARKANSÍYA,
WAGÍNG
2:
ba·gon·dón
png |Zoo |[ Seb ]
:
uri ng wrasse (genus Stethojulis ) na may tíla mga laso na guhit sa katawan mula ulo hanggang gawing buntot : BUGÁY-BUGÁY
ba·go·né·ta
png |[ Esp vagoneta ]
:
maliit at bukás na trak, kinakargahan ng mga produktong karaniwang mula sa minahán.
bá·gong
png |[ Igo ]
:
kaluluwa ng isang tao na napugutan ng ulo.
Bá·gong·ban·tâ, Fer·nán·do
png |Lit
:
kauna-unahang nalathalang makatang ladino.
ba·gong·bóng
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng pesteng kulisap na tulad ng salagubang.
bá·gong-go·là
png |[ ST ]
:
sa sinaunang lipunan, kahon na yarì sa isang buong pirasong kahoy.
Bá·gong Ti·pán
png |[ bago+na tipan ]
:
dalawampu’t pitóng aklat sa Bibliya na nagtatalâ ng búhay, ministro, kamatayan sa krus, at muling pagkabúhay ni Jesucristo at ang mga turo ng Kaniyang mga apostol : NEW TESTAMENT
bá·gong-yá·man
png |[ bago+na-yaman ]
:
tao na bago pa lámang yumaman at hindi gáling sa angkan ng dati nang mayayaman : NOUVEAU RICHE Cf BIGLÂNG-YÁMAN
Bág-ong Yáng·gaw
png |Mit |[ Hil ]
:
aswang na kumakain at umiinom ng dugo ng tao.
ba·gó·ok
png |[ ST ]
1:
mabaón nang bahagya mula sa mataas na pagkakalaglag, tulad ng niyog na bagóok sa putikan
2:
ba·go·óng
pnr |[ ST ]
:
napakatagal bago dumatíng o napakatagal naghintay, hal nabagoong ang dáratíng na kalakal o nabagoong sa paghihintay.
ba·go·óng-ba·lá·yan
png
:
bagoóng na gawâ sa Balayan, Batangas.
ba·gót
png |pag·ka·ba·gót
1:
[ST]
pagkayamot sa isang bagay na nakasasawà na sa pandinig o paningin
2:
[ST]
pag-ubos o pag-aksaya sa isang bagay
3:
Bot
[Ilk]
dahon ng isang halámang tubig.