bao
bá·o
png
1:
Bot
matigas na bahaging bumabalot sa lamán ng niyog ; mula dito ang sinaunang kasabihang namólos sa matáng báo, ito ang tawag sa nabubúhay na anak, pagkatapos ang pagkamatay ng mga kapatid nitó, dahil lahat ng damó o maliliit na halaman na tinatakpan ng bao ay namamatay maliban sa nakalulusot sa bútas o matá ng báo : BAGÓL3,
BAÓ,
BÍKAN,
LAPÍS2,
NUTSHELL,
PAYÀ,
SÓRO
2:
[Bik Hil Ilk Mar Seb ST War]
bálo1 ; mula dito ang sinaunang kaatawagang báong baliw, ang tawag sa táong namatayan ng katipán bago ikasal
3:
[Mrw]
amóy.
ba·ó·bab
png |Bot |[ Ing ]
:
punong-kahoy (Adansonia digitata ) na kakatwa ang itsura, umaabot sa 12 m ang taas, malaki at abuhin ang bunged, may bulaklak na malalaki at nakabitin, at may bungang kahugis ng kalabasa na mahabà ang tangkay, katutubò sa Africa.
ba·ó-ba·ó
png
:
kalansay ng hayop sa ilalim ng dagat.
bá·o·bá·o
png |Bot |[ Mnb ]
:
baní 2.
bá·og
pnr
1:
[Akl ST]
baóg1
2:
kaawa-awa at hamak na babae
3:
kamote, gabe, at iba pa, na hinati-hati at ibinilad sa araw
4:
[ST]
nawalan ng tapang o lasa, katulad ng kanela, anís, at iba pa.
ba·ól-ba·ól
pnr |[ ST ]
:
lumipat ng upuan, malimit gamitin sa kabaligtaran, hal “di mabaol-baol” hindi tumitinag sa pagkakaupô.
ba·ón
png
:
paglilibing o pagkakalagay sa hukay, mula dito ang kabaón noon o kabáong ngayon.
ba·ón
pnr
1:
malalim na turok, tusok, o saksak
2:
nalubóg sa lupa o anumang binagsakan — pnd i·ba·ón,
mag·ba·ón.
bá·on
png
bá·oy
png |[ ST ]
:
bigkis o pangkat ng labinlimang piraso ng yantok.
bá·oy
pnd |ba·ú·yin, i·bá·oy, mag· bá·oy
1:
[ST]
kantiyawán nang harap-harapan
2:
ipamukha ang naitulong sa kapuwa
3:
kúning muli ang naibigay na ; bawiin.