bili
bi·lí
png |Kom
1:
pag·bi·lí pagkakaroon ng karapatang ariin ang isang bagay sa pamamagitan ng pagbabayad sa halaga nitó o pagbibigay ng katumbas na halaga nitó : GÁTANG4 — pnd bil·hán,
bil· hín,
bu·mi·lí
2:
pag·bi·bi·lí pagbibigay ng karapatang mag-ari kapalit ng katumbas na halaga ; pagtitinda — pnd i·bi·lí,
mag·bi·lí
3:
[Hil Pan Seb]
halagá2
bí·li
pnd |[ Kap ]
:
ilagay ; bitawan.
bi·líb
pnd |bu·mi·líb, ma·pa·bi·líb Kol |[ Ing believe ]
1:
maniwala nang hindi nag-aalinlangan
2:
bi·líg
png |[ Kap Tag ]
bí·lig
png
1:
[ST]
pagbabago ng loob
2:
[Bik]
bútas sa sahig ng bangka.
bi·lí·han
png |Kom |[ bili+han ]
:
pagbibilí at pagbilí.
bí·lí·hin
png |Kom |[ bili+in ]
:
anumang bagay na itinitinda.
bi·lík
png |[ ST ]
:
pagbaluktot o ang kagamitan na pambaluktot.
bí·lik
png |Ark
1:
pansamantalang andamyo na nagagayakan sa pagitan ng dalawang bahay kapag may pista o kasalan
2:
Ark
bahagi ng bulwagan ng isang bahay, nakaungos, at tumutunghay sa harapán o hardin
3:
[Tau]
silíd.
bi·líng
png
1:
paggalaw ng katawan o ng isang bagay upang mapaibabaw ang panig na nása ilalim ; pagbaligtad
2:
píhit1 o pagpihit — pnd bi·li·ngín,
bu·mi·líng,
i·bi·líng
3:
[ST]
pagguhit
4:
[ST]
pagkakamalî.
bi·líng-ba·lig·tád
pnr
:
lubhang balisá at hindi makatulog
bí·ling-pa·ná·og
png |[ ST ]
:
kaugaliang pabuya na ibinibigay sa doktor.
bi·li·sád-on
png |Lit |[ Hil ]
:
ekspresyon tungkol sa mga katotohanan ng búhay.
bi·lít
pnr |Bot
:
hitik sa bunga.
bí·lit
png
:
talì na nagsisilbing suhay sa poste.