dalas
da·la·sa·à
pnd |da·la·sa·án, du·ma·la·sa·à, mag·da·la·sa·à |[ ST ]
:
paghiwalayin ang isang kabuuan túngo sa maliliit na piraso, tulad sa pagpilas o paghimay.
dá·lá·san
png |[ dalas+an ]
1:
proseso ng pag-uulit sa maikling panahon : FREQUENCY
2:
Pis
rate ng ulit ng isang vibration, siklo, at iba pa ; ang bílang ng pag-uulit sa isang tiyak na panahon : FREQUENCY
3:
sa estadistika, ratio ng bílang ng aktuwal hanggang posibleng paglitaw ng isang pangyayari : FREQUENCY
dá·lá·sang rád·yo
png |[ dalasan+na Esp radio ]
1:
dálásan ng mga along inihahatid sa isang brodkast o mensahe sa radyo : RADIO FREQUENCY
2:
dálásan na may layong mula 15,000–1011 siklo kada segundo : RADIO FREQUENCY
da·la·sún·dol
png |Psd
:
lambat na gamit sa panghuhúli ng maliliit na isda sa Nueva Ecija.