eu
EU (i·yu)
daglat
1:
[Esp]
Estádos Unídos
2:
[Ing]
European Union.
Euclid (yú·klid)
png |[ Gri ]
:
Gri
ego na dalubhasa sa matematika at kilalá sa kaniyang akda tungkol sa mga element ng heometriya.
Euclidean (yu·klí·dyan)
pnr |[ Ing ]
:
ukol kay Euclid.
eudemonism (yu·dí·mo·ní·sim)
png |Pil |[ Ing ]
:
sistema ng etika na nagbibigay ng diin sa isang obligasyong moral batay sa mga kilos na makapagdudulot ng kaligayahan.
eudiometer (yu·di·ó·me·tér)
png |Kem |[ Ing ]
:
túbo na yarì sa salamin at ginagamit sa paghahalò at pagsúkat ng mga gas.
euhenesya (yú·he·nés·ya)
png |[ Esp eugenesiá ]
1:
agham ng pagpapabuti sa mga katangian ng sangkatauhan, lalo na sa maingat na pagpilì ng mga magulang : EUGENICS
2:
agham ng pagpapabuti sa mga anak o supling : EUGENICS
eukalipto (yú·ka·líp·to)
png |Bot |[ Esp eucalipto ]
:
punongkahoy (genus Eucalyptus ) na namumulaklak, laging-lungti ang mga dahon, at napagkukunan ng aromatikong langis : EUCHALYPTUS
eukalíptol (yu·ka·líp·tol)
png |Bot |[ Esp eucaliptol ]
:
langis na gamot mula sa punòng eukalipto.
Eukaristiko (yú·ka·rís·ti·kó)
pnr |[ Esp eucaristico ]
:
hinggil sa Eukaristiya o sakramento ng komunyon : EUCHARISTIC
Eukaristiya (yú·ka·ris·ti·yá)
png |[ Esp eucaristia ]
1:
sakramentong Kristiyano bílang pag-alaala sa Hulíng Hapunan : EUCHARIST
eukaryote (yu·ká·ri·ót)
png |Bio |[ Ing ]
:
organismo na binubuo ng cell o mga cell na may DNA na nása anyong chromosome at may naiibang nucleus.
Eumenides (yu·mé·ni·dís)
png |Mit |[ Gri ]
:
ibang tawag sa mga Furias.
eunuko (yú·nu·ko)
png |[ Esp eunuco ]
1:
tao na kinapon at naninilbihan sa isang harem o kaharian : EUNUCH
2:
Euphrates (yu·frá·tez)
png |Heg |[ Ing ]
:
ilog sa timog-kanlurang Asia, na umaakyat sa mga bundok ng silangang Turkey at dumadaloy nang 2,736 km patawid ng Syria at Iraq upang sumanib sa Tigris : ÍLOG EUPHRATES
euphuism (yú·fyu·í·sim)
png |Lit |[ Ing ]
:
mabulaklak o madamdaming estilo ng pagsusulat o pagsasalita.
euponiko (yu·pó·ni·kó)
pnr |Mus |[ Esp eufonico ]
:
hinggil sa tunog ng mga salita na kaiga-igaya sa pandinig.
euponiya (yu·po·ní·ya)
png |[ Esp eufonía ]
1:
2:
3:
kakayahan na padaliin ang pagbigkas sa pamamagitan ng ilang pagbabagong ponetiko : EUPHONY
euporya (yu·pór·ya)
png |[ Esp euforia ]
1:
pakiramdam ng kaligayahan, kapanatagan, at kagalingan : EUPHORIA
2:
Eureka! (yu·rí·ka)
pdd |[ Gri Ing ]
:
Natuklasan ko na!
euritmiko (yu·rít·mi·kó)
pnr |[ Esp euritmico ]
:
hinggil sa mahusay na pagkakatugma, lalo na sa larangan ng arkitektura : EURHYTHMIC
euritmiya (yu·rít·mí·ya)
png |Say |[ Esp euritmia ]
:
armonya ng paggalaw ng katawan lalo na kapag tumutugon sa sistema ng pinaghalòng tugtog at sayaw : EURHYTHMICS
euro (yú·ro)
png |Ekn |[ Ing ]
:
batayang salapi ng Euroland.
Euroland (yú·ro·lánd)
png |Pol |[ Ing ]
:
tawag sa samahán ng mga bansang Austria, Belgium, Finland, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, Netherlands, Portugal, at Spain.
Europa (yu·ró·pa)
png
1:
2:
3:
4:
Mit
[Gri]
prinsesa ng Phoenicia na dinukot ni Zeus
5:
Asn
[Ing]
satellite II ng Jupiter at isa sa mga buwan na tinaguriang Galilean moon.
European (yú·ru·pí·yan)
png |Ant |[ Ing ]
1:
katutubò ng Europe ; tao na naninirahan sa Europe
2:
tao na putî
3:
tao na interesado sa mga usapin tungkol sa Europe.
European (yú·ru·pí·yan)
pnr |Ant Lgw |[ Ing ]
:
may kinaláman sa mga bansa, mamamayan, wika, at kultura ng Europa.
European Union (yú·ro·pí·yan yú· nyun)
png |Ekn Pol |[ Ing ]
:
organisasyon ng mga bansa sa Kanlurang Europa na naglalayong itaguyod ang kapakanang panlipunan at pang-ekonomiya nitó : EUROPA3,
EUROPEAN COMMUNITY Cf EU2
europium (yu·ró·pyum)
png |Kem |[ Ing ]
:
metalikong element na pinilakan at malambot (atomic number 63, symbol Eu ).
eutanasya (yú·ta·nás·ya)
png |[ Esp eutanacia ]
:
walang kirot na pagpatáy sa isang tao na may nagpapahirap at walang lunas na karamdaman ; tiwasay at walang kirot na kamatayan : EUTHANASIA