laba


la·bá

png
1:
[Bik Hil Ilk Seb Tag War Esp lavar] paglilinis ng damit at kauri sa pamamagitan ng tubig at sabon : BÁBBAL, PUWÉSAK — pnd i·pag·la·bá, lab·hán, mag·la·bá
2:
[Iva] tao na dulíng
3:
[War] uri ng malaking basket.

la·bà

png |[ Bik Hil ]

la·bâ

png
1:
[ST] síbol1 o pagsibol
2:
[ST] kung sa pagpapautang, malaki o mapagmalabis na patubò
3:
Zoo [Kap] bahay-pukyutan.

lá·ba

pnd |la·bá·hin, man·lá·ba |[ Pan ]
:
manghambalos o hambalusin.

lá·ba

png |Zoo |[ Ifu ]
:
baboy na may katandaan.

la·bá·bo

png |[ Esp lavabo ]
1:
pook na may gripo at pansahod ng tubig ukol sa paghuhugas : SINK
2:
banyo at kubeta : LABATÓRYO

lá·bad

png |[ Hil ]
:
halaga ng isang tao.

la·bá·da

pnr |[ Esp lava+ada ]
:
nalabhang damit ngunit hindi pa naaalmirulan o naplantsa.

la·bá·da

png |[ Esp lava+ada ]
:
damit na marurumi at iba pang kauri na kailangang labhan : LABÁHIN, LAUNDRY2, TÚBAL2

la·ba·dó·ra

png |[ Esp lava+dora ]
:
washing machine.

la·bág

png |pag·la·bág
:
hindi pagsunod sa batas, alituntunin, babalâ, at iba pa : KALAPÁSAN — pnd la·ba· gín, lu·ma·bág.

la·bág

pnr
1:
[Kap ST] laban sa utos o sa batas ; salungat : ASÚRA, KANÍWAS, LÁPAS, LÍWAG2, SELÁNG, SÚMLANG, SÚPAK
3:
[Iba] bulók
4:
[Mrw] lagalág.

lá·bag

pnr |[ ST ]
:
nakatali, o gamit ang tali.

lá·bag

pnd |la·bá·gin, lu·má·bag, mag·lá·bag |[ Hil ]
:
pihitin nang paikot gaya ng pagpihit sa tornilyo.

la·bá·ga

pnr |[ Ilk ]

la·bág·hoy

pnr |Bot |[ War ]

la·bá·ha

png |[ Esp navaja Mrw Tag ]
:
kasangkapang matalas na ginagamit na pang-ahit ng balbas at buhok : GÁLANG4, KÁLUMPÁGI, RAZOR1 var labása

la·bá·han

png |[ Esp labá+Tag han ]
:
pook o kasangkapang pinaglalabhan : BATIDÉRO, LABANDERÍYA

la·bá·hin

png |[ Esp labá+Tag hin ]

la·ba·hí·ta

png |Zoo |[ Esp labajita ]
:
malaki-laki hanggang malaking isdang-alat (genus Acanthurus ), maliit ang bibig, nása gawing tuktok ng ulo ang matá, malapad ang katawan, may makunat na balát at napakaliliit na kaliskis : SURGEONFISH Cf KABKABÁLAN

la·ba·ít

png |Med |[ Ilk ]
:
sakít na nagdudulot ng pangangatí, nagpapabago sa kulay ng balát, at nag-iiwan ng permanenteng marka Cf PÉ KAS

la·bák

png
1:
Heo [Kap Tag] lubak na nagkaroon ng tubig, karaniwan dahil sa ulan : LOKÓ1
2:
Ana malalim na bahagi sa pagitan ng labì at babà
3:
da-kong ibabâ ng pahina

la·bák

pnd |la·ba·kín, lu·má·bak, mag·la·bák |[ ST ]
:
magnakaw ng maliliit na bagay o kakaunting bagay.

la·ba·ká·ra

png |[ Esp lavacara ]

la·bán

pnr |[ Hil ]

lá·ban

png |pag·la·lá·ban |[ Bik Kap Mag Pan Tag ]
:
paghahamok o salungatan ng dalawang tao, bagay, o pangkat : ÁNGAT, ANTAGONÍSMO2, ÁTO4, FIGHT, GAMÔ, HIDWÂ1, ÍWAL2, KÓLKOL, PAGHAHARÁP2, RÚPAK, SUBÉG, SÚSIK1, TÚMANG Cf TUÓS2 — pnd i·lá·ban, ka·la·bá·nin, la·bá·nan, lu·má·ban.

lá·ban

pnr
:
hindi sang-ayon sa isang nais o niloloob : CONTRA, COUNTER, HIDWÂ1, KÓNTRA, VERSUS1 Cf SALUNGÁT, TALIWÁS

la·bá·nag

png |Zoo |[ Bik Tag ]

la·ban·dé·ra

png |[ Esp lavandera ]
:
babaeng tagalaba ng maruruming damit at iba pa, la·ban·dé·ro kung laláki.

la·bán·de·rí·ya

png |[ Esp lavandería ]

la·báng

png
1:
2:
[ST] maluwang na hukay sa lupa
3:
[ST] uri ng pansilo sa ibon.

la·báng

pnd |i·la·báng, la·bá·ngin, lu·ma·báng |[ Seb ]
:
tumawid o tawirin.

la·báng

pnr |[ Ilk ]

lá·bang

pnr |[ Ilk ]
:
batík-batík at marami ang kulay, karaniwang tumutukoy sa hayop.

la·ba·ngán

png |[ labáng+an ]
:
malakíng kahoy o batóng inuka nang malakí sa gitna at ginagamit na kainan ng mga alagang hayop : DAMBÁNGAN, LABÁNG1

la·bá·ngan

png |[ Hil ]

la·báng·ko

png |Zoo |[ Esp lavanco ]
:
uri ng ilahas na itik : BALÍWIS2 Cf PÁTO

lá·ban-lá·ban

pnr |[ Bik Kap Mag Pan Tag lában+lában ]
:
lában ng iba’t ibang pangkat o panig.

la·ba·nóg

png |[ ST ]
:
pagpukol sa pamamagitan ng tirador.

la·ba·nós

png |Bot |[ Esp rabano ]
:
halámang-ugat (Raphanus sativus ) na putî ang bunga at nakakain : RADISH

la·ban·tú·lot

pnr |[ ST laban+tulot ]
:
varyant ng bantulót.

la·ba·plá·tos

png |[ Esp lava + plato ]
:
tagapaghugas ng pinggan : DISHWASHER2

la·bás

png
1:
dakong nakalantad at malayò sa pook na nababakuran : ÉKSTERYÓR1, GULÂ, LUWÁL, LÚWAS
2:
dako ng bahay na hindi sákop ng sála o ng silid-tulugan, gaya ng batalan o kusina
3:
pag·la·la·bás, pag·pá· pa·la·bás tanghal1-3 o pagtatanghal
4:
pag·la·la·bás pag-aalis mula sa loob
5:
bahagi ng anumang ibini-bigay o inilalathala nang sunod-sunod Cf EDISYÓN3
6:
bunga o wakas ng isang gawain
7:
Bio pagdaloy ng likido sa organ dulot ng orgasmo — pnd i·la·bás, la·ba·sán, lu· ma·bás, mag·la·bás.

la·bás

pnr
:
hindi kasali ; hindi kasangkot.

La·bás!

pdd
:
pautos na pagpapaalis o pagpapataboy.

lá·bas

png |Bot

láb-as

pnr |[ Bik Hil Seb War ]

la·bá·sa

png
:
varyant ng labáha.

la·bá·san

png |[ labás+an ]
1:
pook o lagúsan na dinadaanan kung papalabás o lumalabas : EXIT1
2:
oras ng paglabas, hal labasan mula sa opisina o paaralan.

la·bát

pnb |[ Pan ]

la·ba·tí·ba

png |Med |[ Esp lavatiba ]
1:
kasangkapang binubuo ng tangke o lalagyán ng tubig, túbong karaniwang goma, at pítong isinusuot sa puwit, at ginagamit na panlinis sa malakíng bituka : SUMPÍT2
2:
tubig at iba pang bagay na panlabatiba — pnd i·pan·la·ba·tí·ba, la· ba·ti·bá·hin, mag·la·ba·tí·ba.

la·ba·tór·yo

png |[ Esp lavatorio ]

lá·baw

png
:
kahigtan ; pagiging higit o nása ibabaw.

lá·baw

pnr pnb
1:
[ST] humigit sa iba
2:
[Bik Hil Seb War] sála1

Lá·baw Dong·gón

png
1:
Mit katutubòng bayani ng Panay, anak nina Datu Paubari at Alunsina
2:
Lit epiko ng mga Súlod var Labáw Dúnggon

la·ba·wél

png |Bot |[ Igo ]

la·báy

png
1:
[Ilk Tag] bahóg1 var lábay
2:
Lit Mus sinaunang awiting bayan para tawagin ang tigmama-nukin.

lá·bay

png
2:
[Kap ST] likaw o pangkat ng sinulid, himaymay ng abaka, at iba pang kauri Cf KAKÁBIG, KAUGÁT, TÓHOL
3:
pahilis na pagtatalì ng lubid, kable, o anumang matibay na pantalì sa dalawang haligi ng bahay — pnd i·lá·bay, mag·lá· bay
4:
[Seb] hágis o paghágis.

lá·bay

pnr |[ ST ]
:
matamlay at mabagal.

lá·bay

pnd |la·bá·yin, mag·lá·bay |[ Seb ]
1:
magpukol o pukulin
2:
paluin ang batà bílang parusa.

la·bá·yan

png |Zoo
:
uri ng wrasse (genus Helichoeres ) na malimit na balingkinitan ang katawan at may uring kulay bughaw at may uring kulay lungtian.

la·báy-la·báy

pnr |[ Hil ]
:
walang kabuluhan.

lá·bay-lá·bay

png |[ ST ]
1:
Ark dalawang piraso ng kahoy na pinagkrus para sumuporta sa bubong
2:
marahan at may maiikling hakbang na paglakad ng kabayo.

la·bá·yo

png |Bot |[ ST ]