hina


hi·nà

png
1:
pag·hi·nà pagiging kulang sa lakas hal paghinà ng katawan, paghinà ng liwanag ng ilaw, paghinà ng benta
2:
pang·hi·hi·nà pakiramdam na kulang sa lakas : DEBILITASYÓN, DEBILITATION

hi·nà

pnr |ma·hi·nà
1:
kulang sa lakas, hal mahinàng ilaw, mahinàng katawan
2:
kulang sa tibay, hal mahinàng pader, mahinàng loob
3:
walang puwersa o bisà, hal mahinàng gamot
4:
mabagal, hal mahinàng lakad, mahinàng benta
5:
mababà ang tono hal mahinàng boses.

hi·nâ

png |[ Tau ]

hí·nab

png
:
kulay na nawawala.

hi·ná·bad

png |[ hing+tabad ]
:
pahayag ng paghanga at papuri var hinábar

hi·na·ba-ha·bà

pnb |[ h+in+aba haba ]
1:
itinagal-tagal ng panahon
2:
panghulí ; sa wakas.

hi·na·báng

png |[ hing+tabáng ]

hi·ná·bang

png |[ Seb ]

hi·ná·bas

png |[ hing+tabas ]
:
pamumulot ng mga tabás na tela, kahoy, haláman, láta, at iba pa upang iligpit o imisin.

hi·náb·los

png |[ Hil ]

hi·na·bú·ad

png |Bot
:
punongkahoy (Terminalia chebulia ) na tumataas nang 25 m, at 80 sm ang diyametro, dilaw at mabango ang bulaklak, at 2 sm ang habà ng bunga : AGÁRU, APÚNGA, BÓNGAS, KUMINTÁNA, LÁKNAB, LASÍLAK, LASÍLAS, LUNÚNU, NANGHÚBO, PALÁWAG, RUBÍAN, TANGÍSAN

hi·na·bú·yan

pnr |[ hing+taboy+an ]
1:
luma na o lubhang gamít na
2:
lagpas nang 50 taóng gulang.

hi·ná·gap

png |[ hing+sagap ]
2:
pag-iisip o pagpapahayag ng hindi tiyak na pananabik
3:
Psd panghuhúli ng maliliit na isda o hipon sa ilog sa pamamagitan ng sagap.

hi·na·gá·si

png |Bot

hi·nag·dúng

png |Bot

hi·na·gi·bán

png |[ Seb ]

hi·nag·pís

png
:
lipós ng pighating pagbuntonghininga : HINIGPÍS, KASUBÔ, PANHINGÁNDOY Cf DAÍNG

hi·na·gú·noy

png |Sin |[ ST ]
:
paraan ng pagdidisenyo ng singsing.

hi·na·gú·ran

png |[ hing+hagod+an ]
:
uhay ng palay na tinanggalan ng butil.

hi·ná·ha·ráp

png |[ h+in+arap ]
:
panahong inaasahang dumatíng o mangyarí : FUTURE1, KAUGMÁON, KINÁBUKÁSAN

hi·ná·hon

png
:
panatag na kalooban ; katangiang hindi madalîng malito o magambala : EKILÍBRIYÓ2, EKWANIMIDAD2, KÁLMA2 — pnr ma·hi·ná·hon.

hi·ná·in

png
:
paglilinis sa isdang lulutuin.

hi·na·íng

png |[ hing+daing ]
:
varyant ng daíng.

hi·na·káy

png |[ hing+sakáy ]
:
pagsakay sa isang behikulo na may kasámang iba.

hi·nak·dál

png |[ hing+sakdál ]
1:
pagtatanggol sa sarili sa pamamagitan ng pagdadahilan : DALÓM1
2:
daíng o paghingi ng tulong mula sa kinauukulang nakalimot sa tungkulin nitó : DALÓM1 Cf PROTEKSIYÓN
3:
kahilingang mabigyan ng masisilungan : DALÓM1

hi·ná·kot

png |[ hing+takot ]
:
pakiramdam ng pagkabalísa, pangamba, o takot.

hi·na·là

png |[ hing+salà ]
1:
pakiramdam o pag-iisip na maaaring mangyari o maaaring totoo ang isang bagay : BÍNGANG, HAKÀ2, HANÂ-HANÂ2, HÁWO1, ILÁP4, ÍNAP, PITAHÀ, SOSPÉTSA, SUSPICION, TÁHAP, WÁRI1
2:
pakiramdam o paniwala na ang isang tao ay nagsisinungaling o nakagawâ ng isang bagay na labag sa batas : BÍNGANG, HAKÀ2, HANÂ-HANÂ2, HÁWO1, ILÁP4, ÍNAP, PITAHÀ, SOSPÉTSA, SUSPICION, TÁHAP, WÁRI1 Cf ÁGAM-ÁGAM, ALINLÁNGAN — pnd mag·hi·na·là, pag·hi·na·lá·an.

hi·ná·lap

png |Psd |[ hing+salap ]
:
maliit na isdang nahúli sa pamamagitan ng salap Cf HINÁGAP3

hi·ná·lig

png |[ hing+salig ]
:
labis na pag-asa o pagsandal sa isang tao o bagay.

hi·na·lí·gi

png |Agr |[ Hil ]

hi·na·lín·han

png |[ ST h+in+alili+hin+an ]
:
ninuno na pinanggalingan.

hi·ná·lop

png |[ Hil ]

hi·nál·was

png |[ ST ]
:
háwan1 — pnd hi·nal·wá·sin, mag·hi·nál·was.

hí·nam

png |[ Seb ]

hi·na·mád

png |[ hing+tamad ]
:
pag-iinat upang mapahinga o dahil sa pakiramdam ng katamaran.

hi·na·mó

png |[ hing+tamó ]
:
maliit na kíta o tubò kung ikokompara sa ibinuhos na puhunan.

hi·nam·pó

png |[ hing+tampo ]
:
tampo sa isang kalapit, minamahál, o sa isang iginagálang na tao.

hi·na·na·kít

png |pag·hi·hi·na·na·kít |[ hing+sakít ]
:
pagdaramdam o paninisi ng isang tao dahil kumilos nang salungat sa inaasahan : HINAKDÁL4

hi·na·na·plá

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

hi·na·náw

png |[ hing+tanaw ]
:
payo o paalaala sa mga nag-aaway o bílang gabay sa kahirapan, kaugnay ng kahahantungan ng ginagawâ sa kasalukuyan.

hi·ná·naw

png |[ hing+sanaw ]
:
pag-alo o pagpapakalma.

hí·nang

png |pag·hi·hí·nang, pag·hí·nang
:
pagdurugtong o pagtatagpi ng mga metál sa pamamagitan ng pagdarang at paglalagay ng magkahalòng lusáw na tinggâ at láta : LÁNANG1, SULDÁ, WÉLDING — pnd i·hí·nang, i·pa·hí·nang, mag·hí·nang.

hi·na·ngán

png |[ hinang+an ]
:
talyer na nagbibigay ng serbisyo sa paghihínang.

hi·na·ngáy

png |[ hing+tangáy ]
1:
Pis puwersang magnetiko
2:
pagsaklot o pagsunggab hábang dumadaan.

hi·nang·pít

pnd |hu·mi·nang·pít, i·hi·nang·pít |[ ST hing+sangpit ]
:
ihagis sa baybay o sa daungan.

hi·ná·nok

png |[ Seb ]

hi·nan·yóg

pnd |hu·mi·nan·yóg, mag·hi·nan·yóg |[ Bik ]
:
makinig nang mabuti Cf HIMATÉ

hi·ná·om

png |[ ST ]
:
kasangkapan na maliit lang ang gamit.

hí·nap

png
:
mantsa sa damit mula sa sarili nitóng kulay.

hi·ná·pang

png |[ hing+tapang ]
:
kilos na masigla at masigasig.

hi·na·páw

png |[ hing+sapaw ]
:
pang-ibabaw na bálot o balát, karaniwang matigas tulad ng sa tinapay.

hi·nap·là

pnr |[ War h+in+aplà ]

hí·nas

png
2:
kinang ng ginto o ginintuang materyales
3:
pagpahid ng isang bagay na nagbibigay ng bahagyang kulay.

hi·ná·ti

png |[ hing+dati ]
:
pag-asa na tulad pa rin ng dáti ang dáratíng.

hi·na·tíng

png |[ hin+dating ]
:
unti-unting pagdatíng o pagsapit.

hi·náw

png |Ant Mit |[ Bik ]
:
ritwal o seremonya na tinatawag ang anito upang tulungan sa paghahanap ng nawawalang bagay.

hí·naw

png
:
paghuhugas ng kamay : NÁWNAW3

hi·na·wà

png |[ hing+sawà ]
:
pagkawala ng gána : HINABÁNG Cf TIKÁNG1

hi·ná·wad

png |[ hing+tawad ]
1:
pagpipilit na humingi ng bawas sa presyo o halaga
2:
paulit-ulit na paghingi ng paumanhin.

hi·ná·wak

png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, laláking may tatô sa ibabâ ng baywang.

hi·na·wán

png
1:
[ST hínaw+an] tapáyan
2:
kasangkapan para sa paghihinaw.

hi·naw·náw

png |[ hi+nawnáw ]
1:
Agr simula ng pag-uugat ng mga itinanim
2:
simula ng pagkakaibigan.

hí·nay

png

Hi·na·yá·na

png |[ San ]
:
tawag sa mga tagasunod ng Budhismong Mahayana.

hi·ná·yang

png |pang·hi·hi·ná·yang |[ hing+sáyang ]
:
pagsisisi sa hindi paggawâ o hindi paggamit sa isang bagay sa tamang pagkakataon : HALÓGHOG

hí·nay-hí·nay

pnb |[ hinay+hinay ]

hi·ná·yo

png |[ hing+hayo ]
:
pananamlay o kawalan ng pag-asa.

hi·ná·yom

png |[ hing+tayom ]
1:
pagtitipon o pangongolekta ng tayom
2:
ang pagkukulay ng asul na indigo sa mga himaymay, talì, o lambat.