himo


hi·mò

png
1:
paghuhugas ng mga labì at paligid ng bibig
2:
pagbabasbas sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis : HÍNAS1, LARÚK, UNSIYÓN

hí·mod

png |pag·hí·mod
:
paglinis o pagtuyo sa pamamagitan ng dila, hal paghimod sa pisngi : DÍLDIL1, DÍMOL, LÁMIR1 var hímor Cf DILÀ1 — pnd hi·mú·rin, hu·mí·mod, mag·hí·mod.

hí·mok

png |pag·hí·mok
:
iba’t ibang paraan upang makuha ang pagsang-ayon, pagsunod, pagpanig, o paglahok ng isang tao o pangkat : AGLAHÌ2, AMOKÁ, ÁSAG, BASTÁG1, ÉKSORTASYÓN, EXHORTATION, GANYÁK1, GAYÁGAY, GULLÓ, HIKÁYAT, ÍMOK, KUMBÍNSI, LAMUYÒ1, LIMÓK, PARATÍGNAY2, PERSUWASYÓN1, SUYSÓY, ÚLOK1, WÁRI2 Cf AKIT, CONVINCE, UDYÓK, ULÓT2

hí·mol

png

hí·mong

png |Ant
1:
ritwal para sa patáy ng mga Ifugaw
2:
ritwal na sayaw ng paghihiganti.

hi·móng·kog

png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pabuyang ibinibigay sa opisyal ng sasakyang-dagat.

hi·mó·nok

png |[ Bik ]
:
masiyahan sa panahon ng paglilibang.

hi·mo·yá·wot

png |[ Bik ]
:
paggawâ sa abot ng makakáya.