lao
Laoag (la·wág)
png |Heg
:
lungsod sa Ilocos Norte at kabesera ng lalawigan.
la·ób
pnr
:
naisalab na, kung sa dahon.
lá·ob
png
:
pagsasalab ng dahon sa apoy o init.
la·óg
pnr
1:
mailap o ilahas, karaniwang patungkol sa pusa
2:
[Mrw Tag]
pagalà-galà upang maghanap ng pagkain o makipagsapalaran.
lá·og
png |Heo |[ ST ]
:
maliit na lawa.
Lá·ok
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Kalagan.
la·ó-la·ó
png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng maliit na isda, sa Batangas tinatawag itong manansi.
la·óm
pnd |i·la·óm, lu·ma·óm |[ Bik Hil Seb ]
:
umasa ; manalig.
lá·on
png
1:
panahong matagal nang nagdaan — pnr ma·lá·on
2:
[War]
dáting ani
3:
[Hil]
maliit na sanga
4:
[Bik]
kaning-baboy
5:
[Mrw]
tagtuyót
6:
[ST]
lupaing hindi na tinatamnan at maraming damo.
Lá·on
png |Mit |[ Hil ]
:
maalamat na hari ng Negros at diyos na tagapagpakilála ng mga Bisaya.
la·óng
png
:
pamimintas o panini-rang-puri sa isang tao na hindi kaharap — pnd la·u·ngín,
man·la· óng.
la·ós
pnd |la·ú·sin, lu·má·os, man·lá·os |[ ST ]
:
dumaan sa iba’t ibang bahagi.
la·ós
pnr
lá·os
png |[ ST ]
:
pagtupad sa iba pang tungkulin.
lá·oy
png |[ ST ]
1:
Ntk
palutang ng barko
2:
pagtitinda nang naglalakad at isinisigaw ang itinitinda
3:
pagtraidor na pananakit sa ibang tao.