luna
Luna, Antonio (lú·na an·tón·yo)
png |Kas
:
1866-1899, parmasyutiko at naging pangkalahatang heneral ng hukbong Filipino noong Digmaang Filipino-Americano.
Luna, Juan (lú·na hu·wán)
png |Kas
:
1857-1899, unang Filipinong pintor na nagkamit ng unang gantimpala sa pintura sa labas ng bansa sa pamamagitan ng obra maestrang Spoliarium.
Luna, Manuel (lú·na man·wél)
png
:
1856-1883, mahusay na biyolinista at kapatid nina Juan Luna at Antonio Luna.
lu·nà
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng malalaking tulya.
lunacy (lú·na·sí)
png |[ Ing ]
:
pagkabaliw na iniuugnay sa pagbilog ng buwan.
lu·nák
pnr |[ ST ]
1:
Bot
hinóg sa punò
2:
magandang katawan.
lu·nár
pnr |Asn |[ Esp ]
:
may kaugnayan sa buwan.
lu·nás
png |Bot
:
punongkahoy (Gonocaryum calleryanum ) na may putîng bulaklak, may bungang nuwes, at gamot sa sakít sa tiyan : ÁNGKAK,
KARASÓKO,
MALAPINGGÁN,
MALÁSAMAT,
MALASITÚM,
MALATÁPAY,
ROGROGSÓ,
TÁINGAMBUHAY,
URÁTAN1
lú·nas
png
1:
Med
gamót1
2:
Med
antidote ng lason
4:
Agr
bahagi ng araro
5:
Ntk
sahig ng bangka
6:
Bot
palumpong (Lunasia Amara ) na tumataas nang 3 m at may dilaw na bulaklak
7:
Heo
kapatagan sa kailaliman.
lu·nas·yón
png |Asn |[ Esp lunación ]
:
isang ligid ng buwan na karaniwang 29 araw, 12 oras, 44 minuto, at 2-8 segundo sa pagitan ng dalawang magkasunod na bagong buwan.
lu·ná·ti·kó
png |Med |[ Esp lunaticó ]
:
tao na nasisiraan ng bait.