paka
pa·ká-
pnl
1:
pambuo ng pandiwa, kinakabitan ng hulaping -an ang salitâng-ugat at nagsasaad ng paggawâ ng higit sa nararapat hal pakaása, pakatiyák
2:
pambuo ng pandiwa, kinakabitan ng hulaping -an ang salitâng-ugat, at nagpapahiwatig ng masidhi at hindi pangkaraniwang paggawâ o pagsasagawâ, hal pakátaasán, pakálakasán
3:
pambuo ng pandiwa, kinakabitan ng hulaping -in ang salitâng-ugat, at nagsasaad ng paulit-ulit at pulidong paggawâ, hal pakálinísin, pakáayúsin.
pá·ka
png
1:
[ST]
pagbásag ng isang bagay na yari sa metal katulad ng singsing o posas
2:
[Hil]
kasuotang pang-ibaba
3:
Kol
pinaikling anyo ng pakawala1
pa·ka·bá·yo
png |[ pa+kabayo ]
:
bakal o kahoy na nakakabit sa gawing ibabâ ng araro at kábitán ng panaklayan.
pá·kad
png |[ Ilk ]
:
kawayang paanan ng baul.
pá·ká·in
png |[ ST ]
:
ang ipinagkaloob o tinanggap na bahagi sa bayad para sa isang gawain.
pa·ká·kas
png |[ ST pa+kakas ]
1:
mga gamit kaugnay ng bangka
2:
trabaho ng panday.
Pá·kak-ká·ro
png |[ Bag ]
:
taunang pagdiriwang at pagsamba.
pa·ka·lí·kas
png |[ Pan ]
:
málay o kamalayan.
pa·ka·lik·ná
png |[ Pan ]
:
málay o kamalayan.
pa·ka·má·yaw
png |[ ST ]
:
pagsasabi ng isang bagay nang dahan-dahan.
pa·ka·nâ
png |[ ST ]
1:
pakinábang1 o pinaggagamitan
3:
lihim na plano o balak na isagawâ ang isang layunin, karaniwang labag sa batas, masamâ, at salungat sa umiiral : ARTIPISYO1,
PLOT1,
PLOY,
SLEIGHT1 — pnd mág·pa·ka·nâ,
pa·ka·na·án,
i·pa·ka·nâ.
pá·kang
png
:
yupì o bungì sa kasang-kapan.
pa·kár·so
png |[ Ilk ]
:
kubong may dingding at ginagamit na pahingahan sa bukid o rantso.
pa·ká·sam
png |[ ST ]
:
burong may asin at kanin.
pa·ka·si·yét
png |[ Ilk ]
:
arnibal mula sa purong katas ng kaong.
pa·kas·kás
png |[ ST pa+kaskás ]
:
minatamis na pulut at niyog, hinulma at pinatuyo sa dahon ng buli, at inayos nang pabilóg Cf PANOTSÁ
pa·kát
png |[ Kap ]
1:
pagdidikit sa isang bagay — pnd mag·pa·kát,
pu·ma·kát,
i·pa·kát
2:
Med
pagiging bulol sa pagsasalita.
pa·ka·tál
png |Lgw |[ pa+katal ]
:
sa punto ng artikulasyon, tunog na binibigkas nang may mabilis na panginginig ng dila hábang ito ay bahagyang naka-dampi sa ngalangala, gaya ng sa katinig na r : TRILL1
pa·ká·ti
png |[ Ilk ]
:
halò-halòng dahon, bulaklak, ugat, tangkay, at yerbang pinakuluan o ibinabad sa alak.
pa·ka·tíng
png |[ Ilk ]
:
ritwal ng pagpunta ng bagong kasal sa bagong tayông bahay o sa bahay ng kanilang mga magulang.
pá·kaw
png
1:
[Tsi]
kawit o saráhan ng hikaw — pnd mag·pá·kaw,
pa·ká·wan,
i·pá·kaw,
i·pam·pá·kaw
2:
[Bik Hil Pan]
puluhán
3:
[Seb]
búsal.
pa·ka·wár
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, telang nakasabit sa gawing likuran ng bahag.
pa·ka·wáy
png |Ntk |[ pa+kaway ]
:
katig ng bangka.
pá·kay
png
1:
[ST]
láyon1
2:
ang ibig sabihin o ipahayag ng isang nag-sasalita o sumusulat
3:
[Bik Hil War]
balyan na gawâ sa nilálang tambo.
pa·ka·yán
png |[ ST ]
:
banderitas at palamuti ng sasakyang-dagat.
pa·ká·yan
png |[ ST ]
1:
mina ng ginto
2:
pag-uumapaw sa lahat ng maha-lagang bagay.