paki


pa·ki-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng anumang ipinakikiusap gawin, hal pakitanggap, pakigawâ.

pa·kí

png |Ana |[ ST ]

pa·ki·a·lám

png |[ paki+alam ]
:
karapatang makialam : LÁBOT

pa·ki·a·la·mán

png |[ paki+alam+an ]
:
mangasiwa o pangasiwaan ang isang hindi kanais-nais na kalagayan.

pa·ki·a·la·mé·ra

png |[ paki+alam+Esp era ]
:
babaeng mahilig makialam, pa·ki·a·la·mé·ro kung laláki : ENTREMETÍDA

pa·ki·á·na

png |[ War ]

pa·kí·bat

png |[ Kap ]

pa·kíd

png
2:
[Ilk] piraso ng kawayang binigkis.

pa·ki·ki-

pnl
:
pambuo ng pangngalan at tumutukoy sa ugali o paulit-ulit na paggawâ sa isang bagay, hal pakikikáin, pakikisákay.

pa·ki·ki·a·píd

png |Bat |[ pakiki+apid ]
1:
pagsasáma ng dalawang hindi ka-sal : CONCUBINAGE, PANG-AAPÍD, PANGANGALIWÁ2, PANGANGALUNYÂ

pa·ki·ki·bá·ka

png |[ pakiki+báka ]
:
paglahok sa labanán : BONÓ1

pa·ki·ki·há·mok

png |[ pakiki+hamok ]
:
paglahok sa isang paghahamok.

pa·ki·ki·pag·ka·máy

png |[ pakiki+pag+kamáy ]
:
pagdadaop ng mga kanang palad ng dalawang tao bílang tanda ng pagbatì o pagkakaibigan : HANDSHAKE, LAMÁNO, PAGKAMAY2 — pnd ka·ma·yán, ku·ma·máy, mag·ka·máy.

pa·ki·ki·pag·ka·pu·wá-tá·o

png |[ pakiki+pag+kapuwa-tao ]
:
ang inaasahang ugali, paraan ng pagkilos, o pagsasalita ng isang tao sa loob ng kaniyang lipunan.

pa·ki·ki·pag·sá·pa·la·rán

png |[ pakikipag+sa+pálad+an ]
:
isang kakaiba at nakasisiyá, karaniwang mapanganib, na karanasan o gawain : ABENTÚRA, ADVENTURE, ÉSPEKULASYÓN2, PANIKÁLA, SAPÁLAR Cf SÁPALARÁN

pa·ki·ki·rá·may

png |[ pakiki+damay ]
:
pagpapahayag ng pagdamay o pakikiisa sa sinumang inabot ng masamâng kapalaran : CONDOLENCE, HAMLÁNG, HINGABÂ, KÓNDOLÉNSIYÁ

pa·ki·ki·sá·ma

png |[ pakiki+sáma ]
1:
akto at pagsisikap maging katanggap-tanggap sa mga kasáma sa isang pangkat var pakisáma
2:
písan1 o pagpisan.

pa·ki·ki·sang·kót

png |[ pakiki+ sangkót ]

pa·ki·ki·tú·ngo

png |[ pakiki+túngo ]
:
paraan ng pakikisáma sa kapuwa : TRÁTO1, TREATMENT1

pa·ki·lá·la

pnd |[ pa+kilala ]
:
sabihin ang sariling pangalan upang makilála ng iba.

pa·kí·ling

png
1:
Bot punongkahoy na maligasgas ang dahon na nagagamit na pang-is-is, at pampabango sa sinaing
2:
anumang ikinakabit na pambalanse ng saranggola.

pa·kim·kím

png |[ pa+kimkim ]
:
salapi o regalo na ibinibigay sa inaanak pagkaraan ng binyag o kumpil : KÍM2, PAKIPKÍP

pa·ki·ná·bang

png |[ pa+kinabang ]
2:
halagang kiníta o tinubò sa anumang pamumuhunan : GANANSIYA, KAPARARÁKAN2, PATÓT, PROBÉTSO, WÁLOY2

pa·kíng

png |Zoo
:
varyant ng máyang pakíng.

pa·kíng

pnr
:
mahinà ang pandinig.

pa·king·gán

pnd |[ pa+dinig+an ]
2:
sumunod o sundin ang payo ng isang tao.

pa·ki·níg

png |[ pa+kinig ]
:
pagkaunawa sa narinig Cf DINÍG1

pa·kip·kíp

png |[ pa+kipkip ]

pa·kí·pok

png
:
piraso ng kawayan o tabla na ginagamit na tulay sa pagsakay o pagbabâ ng bangka Cf AN-DÁMYO

pa·ki·pót

png |[ ST ]
:
uri ng karsonsilyong sarado.

pa·kí·pot

pnr |[ pa+kipot ]
:
héle-héle — pnd mag·pa·kí·pot, mag·pa·ki·pu·tán.

pa·ki·ram·dám

png |[ paki+damdam ]
3:
kutób5 — pnd ma·ki·ram·dám, pa·ki·ram·da·mán
4:
kondisyon ng pangangatawan.

pá·ki·ram·dá·man

png |[ paki+damdam+an ]
:
pagtarok sa saloobin o iniisip ng isa’t isa.

pa·ki·sá·ma

png |[ pa+ki+sáma ]
:
varyant ng pakikisáma.

pa·kis·kís

png |[ pa+kiskis ]
1:
Zoo katamtaman ang laking tarat (Lanius cristatus ), abuhin o kayumanggi ang pang-itaas na bahagi ng katawan at may tíla maskarang itim na nakaguhit patawid sa matá : TIBALÁS
2:
paggiling sa pamamagitan ng mákiná — pnd mág·pa·kis·kís, i·pa·kis·kís.

pa·kis·kí·san

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.

pa·kis·láp

png |[ pa+kislap ]
:
anumang ginagamit upang magkaroon ng kislap ang isang bagay.

Pá·kis·tán

png |Heg |[ Ing ]
:
bansang Muslim, na binuo mula sa subkontinente ng India.

pá·kit

png |Bot
:
baging na may iilang tinik sa katawan, hugis puso ang dahon na patulis ang dulo, at nakakain ang bungang-ugat.

pa·kí·ta

png |[ pa+kíta ]
1:
anumang ipinamamalas
3:
bahagi ng pelikula o palabas na ginagamit bílang pang-anunsiyo : TRAILER

pa·kí·tang-gí·las

png |[ pa+kita+ng-gilas ]
:
kilos o gawain ng isang pasíkat : PAGPAPASÍKAT

pa·kí·tang-lo·ób

png |[ pa+kita+ng-loob ]
:
pakunwaring malasákit o kabutihan Cf PAKÍTANG-TAO

pa·kí·tang-tá·o

png |[ pa+kita+na-tao ]
:
kunwang pagpapakíta ng magandang pag-uugali na taliwas sa totoong ugali na karaniwa’y hindi maganda.

pa·ki·ú·sap

png |[ paki+usap ]
:
magálang na paghiling ng anuman mula sa kinauukulan : ÁMPIT2, ARÁRAW, ÁSUG, BILIN2, DAING3, DALÚNG, KARÁRAG, KERÉW, LAMUYÒ2, MOLÉSTIYÁ2, NGAYUNGÁYO, PAGPAKALÚOY, PIKAKÁSI, PLEA1 Cf LÍGAW, PAMANHÍK, SÁMO — pnd ma·ki·ú·sap, pa·ki·u·sá·pan, i·pa·ki·ú·sap.

pa·ki·wa·ní

png |[ ST ]
:
makasariling pakiusap o paghiling sa iba na gawin ang isang bagay para sa humihiling.

pa·ki·wa·rì

png |[ paki+wari ]
:
pansariling palagay Cf WARÌ

pa·kí·was

png |[ pa+kiwas ]
:
uri ng balyan.

pa·ki·wa·tá·an

png |[ Mrw ]