rat
rá·ta
pnr |Kol
:
pinaikling proráta.
Ra·tag·nón
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng Mangyan na matatagpuan sa dulong timog ng Oriental Mindoro.
rating (réy·ting)
png |[ Ing ]
1:
pag-uuri batay sa grado o ranggo
2:
tinatayang katayuan ng isang tao o kompanya kaugnay ng kredit o katulad
3:
porsiyento na mula sa sampling ng mga tagapakinig ng radyo o tagapanood ng telebisyon at nagpapahiwatig ng bílang ng mga tagapakinig o tagapanood ng isang partikular na programa
4:
Ele
itinakdang hanggahan o limitasyon ng boltahe, dalasan, at katulad batay sa tiyak na kalagayan.
ratio (réy·syo)
png |[ Ing ]
:
relasyon ng dalawang magkatulad na magnitud kaugnay ng kung ilang ulit nilaman ng unang kantidad ang pangalawang kantidad.
rationale (rá·syo·nál)
png |[ Ing ]
1:
pahayag ng katwiran ; makatwirang paglalahad
2:
saligang katwiran o lohikal na batayan.
ra·ti·pi·ká
pnd |i·ra·ti·pi·ká, mag·ra· ti·pi·ká, ra·ti·pi·ka·hín |[ Esp ratificar ]
1:
bigyan ng pagpapatibay
2:
kumpirmahin sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon, pag-aproba, o pormal na pahintulot.
rá·tsa
png |Kol |[ Esp racha ]
1:
trabahong minadalî dahil gipit sa panahon
2:
mababàng uri ng trabaho dahil minadalî var ratsáda — pnd ra·tsa·hín,
ru·má·tsa.
rattle (rá·tel)
png |[ Ing ]
1:
mabilis, sunod-sunod, maiikli, at matalas na tunog gaya ng tunog na likha ng banggaan ng dalawang matigas na bagay
2:
instrumentong lumilikha ng gayong tunog
3:
4:
serye ng matinik at magkakawing na singsing sa dulo ng buntot ng rattlesnake na lumilikha ng gayong tunog
5:
garalgal na galing sa lalamunan
6:
maingay na daldalan o walang saysay na usapan
7:
tao na buháy na buháy kung magsalita o daldal nang daldal nang hindi nag-iisip.