tasa


ta·sá

png |pag·ta·ta·sá |[ Esp tajar, tazar ]
:
pagpapatulis sa dulo, gaya sa dulo ng lapis : TAHÁL, TAHÁR

tá·sa

png |[ Esp taza ]
1:
kasangkapan na tíla maliit na mangkok, karaniwang inuman ng kape, tsokolate, o tsaa : CUP, LIGÓNG, LUSÓR, PUSWÉLO Cf DÉMITÁS, KÓPA
2:
pagsúkat sa kantidad o dalasan sa pamamagitan ng paghahambing sa ibang kantidad o dalásan, hal pagtaas ng tása ng krimen o tása ng interes sa pautang : RATE1
3:
pag·ta·tá·sa pagbuo ng isang idea hinggil sa halaga bílang sukat o kabuluhan ng isang bagay o gawain : ASSESSMENT, EBALWASYÓN, EVALUATION Cf TASASYÓN
4:
pag·ta·tá·sa pagpipigil sa pagkain ; pagkain ng pilî at itinakda para sa kalusugan o upang magbawas o magdagdag ng bigat.

Ta·sá·day

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Manobo na nása South Cotabato.

ta·sa·dór

png |[ Esp ]

ta·sák

pnd |i·ta·sák, ta·sa·kín |[ ST ]
:
saksakin o isaksak.

tá·sak

pnd |ta·sá·kin, tu·má·sak
1:
saksakin ng punyal
2:
mapúnit o magkapúnit ang damit.

ta·sas·yón

png |[ Esp tazación ]
:
paghahalaga o ang halagang inilagay.