tara
Ta·rá!
pdd
:
pinaikling tara na!
ta·rà
pnr |[ ST ]
:
mahilig sa matamis.
tá·ra
png
1:
[Esp]
taán3 o pataan
2:
[ST]
regalo sa bagong kasal na pantumbas sa ibinigay ng pamilya ng babae o ng laláki
3:
[Iba]
salà1
ta·ra·báng
png |Bot |[ Ilk ]
:
damóng ilálim.
ta·ra·bíl·ya
png |[ Esp tarabilla ]
1:
pakò o klabiha para higpitán ang bastidor ng lagari
2:
piraso ng kahoy na pansará ng bintana o pinto.
ta·rá·ha
png |[ Esp tarraja ]
:
kasangkapan na ginagamit sa paglalagay ng roskas sa túbo.
ta·rá·han
png |[ ST ]
:
paghingi ng regalo ng sinumang ikakasal.
ta·rák
png |[ ST ]
1:
Bot
malalaking uri ng kamote
2:
pagsipa-sipa ng isang táong galit.
tá·rak
png
1:
2:
[ST]
ginagamit din sa pagtarak ng tulos o sa patalinghagang tarak ng mata o pagtitig.
ta·ra·kán
png |Bot
:
púno ng niyog na kasinlaki ng tao.
ta·rám·bu·ló
png |Bot
1:
halámang (Solanum ferox ) nabubúhay sa aplaya, maruruming lugar, at lupang sakáhan.
ta·ra·mí·dong
png |Med |[ Ilk ]
:
taghiyawat sa ilong.
ta·ram·pú·la
png |Bot |[ ST ]
:
ilahas na talong.
ta·rá·mus·yán
png |Bot |[ Ilk ]
:
matigas na lamán ng búko.
ta·ráng
png
:
pagpadyak, karaniwang kapag nakararamdam ng matinding kirot.
ta·rang·ká·han
png |[ Esp tranca+Tag han ]
ta·ran·tá
pnd |má·ta·ran·tá, ta·rán·ta· hín |[ Esp taranta ]
1:
gawing hindi nakatitiyak, atubili, at iba pa
2:
lituhin o malito
3:
gawing masalimuot.
ta·ran·tá·do
pnr |[ Esp atarantado ]
1:
walang prinsipyo o pag-aatubiling moral
2:
may masamâng gawain o pag-aasal.
ta·ran·té·la
png |Mus Say |[ Esp Ita tarantella ]
1:
sayaw na mabilis at paikot-ikot ang mga magkapareha
2:
ang musika para dito.
tarantula (ta·rán·tyu·lá, ta·rán·tú·la)
png |Zoo |[ Ing Esp ]
:
napakalakí at mabuhok na gagamba (family Theraphosidae ) at makamandag ang kagat.
ta·rá·ok
png |[ Ilk ]
:
tilaok ng manok.
ta·ra·páng
png |Psd |[ Ilk ]
ta·rás
png |[ ST ]
:
pagiging totoo sa sinasabi o sa pagsasalita ; pagiging prangka.
ta·ra·súl
png |Lit |[ Tau ]
:
maikling tula na buod ng Koran at binibigkas bago simulan ang pagbása ng banal na libro.
ta·rát
png |Zoo
:
ibon (family Laniidae ) na katamtaman ang lakí at katangi-tangi sa matigas at matalim na nakakurbang pang-itaas na tuka na ginagamit sa pagdagit ng maliliit na ibon, bubuli, at mga kulisap : SHRIKE
ta·ra·tí·tat
png
:
babaeng madaldal at pakialamera.
ta·rát san diego (ta·rát san di·yé·go)
png |Zoo
:
malakíng uri ng tarat (Lanius schach ) na mahabà ang bun-tot at kapansin-pansin ang itim na itim na ulo at putîng ilalim ng mukha at leeg : MAMUMÚGOT,
MAMUMÚNGGOT,
PALÁL,
PANÁL
ta·ra·ú·ta
png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pagsusukli.
tá·ray
pnr |Kol
:
masungit at mahilig mamintas.
tá·ray-tá·ray
png |[ ST ]
:
anyo o kilos sa paglakad na karaniwang pakembot-kembot.