ton
to·ne·lá·da
png |[ Esp ]
1:
yunit ng timbang na katumbas ng 2,240 librang bigat o 1016.05 kg, karaniwang gamit sa United Kingdom : TON
2:
yunit ng timbang na katumbas ng 2,000 librang bigat o 907.19 kg, karaniwang gamit sa Estados Unidos, Canada, South Africa, at iba pa : TON
to·ne·lá·he
png |[ Esp tonelaje ]
1:
buwis sa mga barko batay sa toneladang karga
2:
kabuuang halaga o dami ng padalá sa barko na kinakalkula sa tonelada
3:
kapasidad ng isang barko na kinakalkula sa tonelada : TONNAGE
tó·ner
png |[ Ing ]
1:
kemikal na nagbibigay ng kulay sa potograpikong limbag
2:
pulbos na ginagamit sa pagpaparami ng kopya sa pamamagitan ng prosesong xerograph.
tong
png |Kol
1:
salapi na nagiging bahagi ng bangkero o ng may-ari ng pasugalan : KÚLAS2
2:
anumang salapi o bagay na hinihingi ng maykapangyarihan sa tao o establisimyento nang labag sa batas
3:
[Chi]
asosasyon, partido sa politika, o lihim na samahan.
to·ngá·li
png |[ Ifu ]
:
plawtang pambibig na yarì sa kawayan at may anim na butas.
tó·ngar
png |Zoo |[ ST ]
1:
áso na ginagamit sa pangangaso
2:
tawag din sa áso na wala nang silbi.
to·ngá·tong
png |Mus |[ Kal ]
:
instrumentong bumbong ng kawayan na ipinapalò sa sahig hábang pinapalò ng kanang kamay ang itaas na bahaging butás upang tumunog : TIBONGBÓNG,
TÚNGTUNG
tóng-a-tóng
png |Mus |[ Tin ]
:
instrumentong binubuo ng anim na túbo ng kawayang may iba’t ibang habà, bukás ang isang dulo, tatlong tao ang humahawak, at ibinubunggo ang dulo nitóng nakasará sa isang sapád na bató.
tóng·hits
png
:
isang uri ng laro sa baraha.
tóng·pats
png |Kol |[ patong+s ]
:
sa wika ng korupsiyon, pagdagdag sa totoong presyo ng isang bagay upang maipansuhol.
tongs
png |[ Ing ]
:
kasangkapan na tíla gunting, ngunit walang talím, at ginagamit na pang-ipit o panghawak.
tóng·tong
png
1:
[Iby]
lupon ng matatandang tagapayo sa komunidad ng mga Ibaloy
2:
Lit
[Pan]
salaysáy1
3:
[Mrw]
bulóng1
tonic water (tó·nik wá·ter)
png |[ Ing ]
:
karbonado, hindi matapang na inumin, at may sangkap na quinine.
tonight (tu·náyt)
png |[ Ing ]
:
gabi ng kasalukuyang araw.
tó·ni·kó
png |[ Esp tonico ]
1:
gamot na pampalakas : TONIC
2:
anumang nagpapalakas : TONIC
3:
4:
tubig na karbonado at ginagamit na pangha-lò sa mga inuming alkoholiko at pampalasa sa pagkain : TONIC Cf TONIC WATER
tonne (ton)
png |[ Fre ]
:
tawag din sa ton.
tó·no
png
2:
hinà o lakas, babà o taas ng tinig : TONE
3:
sa potograpiya, bisà ng kulay o liwanag sa isang larawan : TONE
4:
sa pisyolohiya, gaya sa tono ng másel, ang normal na tigás ng nakapahingang masel : TONE
to·nób
png |Mil |[ Bik ]
1:
pagsasagupa ng magkaaway
2:
paghihintay sa hudyat ng pagsalakay.
tó·nong
png |Mit |[ Mrw ]
:
tagapag-alagang espiritu ; espiritu na tumutulong sa tao.
tón·sil
png |Ana |[ Ing ]
tonsilitis (tón·si·láy·tis)
|Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng tónsil.