ant
an·tá
png
:
amoy o lasa ng nabulok na langis o napanis na niyog — pnr ma·an·tá.
an·ta·báy
pnr
:
naghihintay araw-araw.
an·tá·bay
png
:
pagdahan-dahan, pagbagal, o pag-uunti-unti upang mahintay ang anuman o sinuman — pnd an·ta·ba·yá·nan,
mag-an·tá·bay,
u·man·tá·bay.
antacid (an·tá·sid)
png |Med |[ Ing ]
:
substance na pumipigil sa pangangasim ng sikmura.
án·tad
png |[ Hil ]
:
layò o espasyo sa pagitan ng dalawang bagay.
an·ta·go·nís·mo
png |[ Esp ]
1:
matinding pagtutol
2:
lában o paglalaban — pnr an·ta·go·nís·ti·ko.
an·tan·dâ
png |pag-an·tan·dâ |[ ang+tanda ]
:
paggawâ ng tandá ng krus sa noo, sa labì, at sa dibdib, karaniwang ginagawa bago at matapos magdasal : HENUPLEKSIYÓN,
SIGN OF THE CROSS
an·táng
png
1:
Med
[ST]
pagkatuliro dahil sa pagkalason sa pagkain
2:
Mus
[Mnb]
awit ng tagaayos ng kasal.
Antarctic Circle (an·tárk·tik sír·kel)
png |Heg |[ Ing ]
:
magkaagapay na latitud na tumutukoy sa pinakamalamig na bahagi ng mundo malapit sa South Pole Cf ARCTIC CIRCLE
Antarctic Ocean (an·tárk·tik ów·syan)
png |Heg |[ Ing ]
:
Kar
agatáng Antártikó.
Antares (an·tá·riz)
png |Asn |[ Ing ]
:
pinakamakislap na bituin sa konstelasyon ng Scorpius.
An·tár·ti·kó
png pnr |Heg |[ Esp Antártico ]
:
baybay sa Tagalog ng Antartico.
an·tás
png
an·tás-an·tás
png
:
nakaayos nang alinsunod sa serye ng lakí, habà, nibel, at ibang pamantayan : GRADWÁDO1
-an·te
pnl |[ Esp ]
:
pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng propesyon, tungkulin, o trabaho, hal negosyante, estudyante.
án·te
png
1:
tayâ ng isang manlalaro sa poker bago siya tumanggap ng baraha
2:
halaga na binayaran nang maaga — pnd i·án·te,
mag-án·te,
u·mán·te
ant eater (ánt í·ter)
png |Zoo |[ Ing ]
:
mamalya (family Myrmecophagidae ) na may mahabà at malagkit na ilong, at kumakain ng langgam at anay : PANGOLIN
Ante Christum (án·te krís·tem)
pnb |[ Lat ]
:
bago si Cristo.
an·te·di·lub·yá·no
pnr |[ Esp antediluviano ]
:
bago dumating ang dilubyo ; bago pa magunaw.
án·tem
png |Mus |[ Ing anthem ]
1:
mapalamuting musikang pangkoro, karaniwang batay sa sipi mula sa Bibliya
2:
taimtim na awit ng papuri o patriyotismo.
ante meridiem (án·ti me·ríd·i·em)
|[ Lat ]
:
an·te·me·ríd·yan
pnr |[ Ing antemeridian ]
:
ante meridiem.
an·té·na
png |[ Ing antenna ]
1:
Bio
gumagalaw at biyas-biyas na organ para sa sensasyon o pandamdam na nása ulo ng mga kulisap
2:
bára o alambre para sa pagpapalaganap o pagtanggap ng along-radyo.
An·te·nór
png |Lit
:
sa Florante at Laura, matalinong guro ni Florante sa Atenas.
an·te·nup·si·yál
png |[ Esp antenupcial ]
:
anumang pangyayari bago ang kasal.
an·te·ó·hos
png |[ Esp anteojo+s ]
án·tes
pnb |[ Esp ]
:
bago ang isang pook, panahon, o ibang bagay.
an·te·se·dén·te
pnr |[ Esp antecedente ]
1:
anumang bagay o pangyayaring nauuna
3:
pinagdaanang karanasan
4:
Gra
tao o bagay na tinutukoy ng panghalip.
anther (án·ter)
png |Bot |[ Ing ]
:
bahagi ng stamen ng bulaklak na naglalamán ng mga pólen.
antheridium (an·te·rí·di·yúm)
png |Bot |[ Ing ]
:
panlaláking organ para sa reproduksiyon ng mga cryptogama na haláman.
Anthozoa (an·to·zó·wa)
png |Bio |[ Ing ]
:
malakíng class ng pantubigang coelenterata na kinabibilángan ng mga anemona at korales.
anthropogesy (án·tro·pó·dye·sí)
png |[ Ing ]
:
pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
anthropoid (án·tro·póyd)
png |Zoo |[ Ing ]
1:
nilaláng na kabílang sa Anthropoidea
2:
nilaláng na anyong tao : ANTROPÓYDE
Anthropoidea (án·tro·póy·de·á)
png |Zoo |[ Ing ]
:
isa sa tatlong suborder ng Primate na may katangiang sapad na mukha, maliit at hindi kumikilos na tainga, tuyông ilong, at nakatuon sa harap na mga matá, hal tao, bakulaw, at unggoy.
anthropomorphic (an·tro·po·mór· fik)
pnr |[ Ing ]
:
inilarawan o inakalang may katangiang pantao.
anthropomorphism (an·tro·po·mór·fi·sem)
png |[ Ing ]
:
pagbibigay ng pantao na katangian, anyo, o personalidad sa diyos, hayop, o bagay.
anthurium (an·tór·yum)
png |Bot |[ Ing ]
:
alinman sa genus Anthurium ng halámang tropiko na may malalakí at karaniwang makukulay na dahon at makulay na spathe.
an·ti
png |[ Esp ]
:
tao o pangkat na sumasalungat sa isang bagay, gaya ng patakaran, pagkilos, o partidong pampolitika : KÓNTRA
an·ti·bi·yó·ti·kó
png |Med |[ Esp antibiótico ]
:
anumang substance na kemikal na nakasusugpô o nakapipigil sa pagtubò o pagdami ng bakterya : ANTIBIOTIC
antibody (án·ti bá·di)
png |Med |[ Ing anti+body ]
:
alinman sa iba’t ibang protina ng dugo, nalilikha sa normal na takbo ng katawan o dahil sa pagkalantad sa antigen, at nagsisilbing panlaban sa sakít o impeksiyon : ANTIKUWÉRPO
anticlimax (an·ti·kláy·maks)
png |Lit |[ Ing ]
1:
biglang pagbabago ng isang salaysay o diskurso mula sa mahalaga túngo sa hindi gaanong mahalaga o kakatwa
2:
isang pangyayaring hindi gaanong mahalaga kung ihahambing sa sinundan nitó.
Anti-Cristo (an·ti-krís·to)
png |[ Esp ]
1:
personahe o kapangyarihang pinaniniwalaang prinsipal na kalaban ni Cristo
2:
tao na hindi naniniwala kay Cristo.
an·ti·di·sen·té·ri·kó
pnr |Med |[ Esp antidisenterico ]
:
laban sa diarrhea o pagtatae.
antidote (án·ti·dówt)
png |Med |[ Ing ]
1:
gamot o iba pang lunas na pumapatay sa bisà ng lason : ANTIDÓTO,
SÚKAL4,
KÓNTRALÁSON
antiemetic (an·ti·e·mé·tik)
png |Med |[ Ing ]
:
substance na nakapipigil ng pagsusuká at pagkahilo.
an·tíg
png
1:
marahang bunggo
2:
pagbibigay ng mungkahi
3:
pagbibigay ng paalala — pnd an·ti·gín,
ma·an·tíg,
u·man·tíg.
antigen (an·ti·dyén)
png |[ Ing ]
:
substance na karaniwang nakasasamâ sa katawan, gaya ng lason o bakterya, at nag-uudyok sa katawan upang lumikha ng antibody.
an·tí·go
png |[ Esp antiguo ]
1:
anumang bagay na labí ng unang panahon
2:
anumang gamit o kasangkapang yarì sa unang panahon.
an·ti·hel·mín·tik
pnr |Med |[ Ing antihelminthic ]
:
laban sa parasitikong bulate.
an·ti·her·pé·tik
pnr |Med |[ Ing antiherpetic ]
:
laban sa herpes.
antihistamine (án·ti·hís·ta·mín)
png |Med |[ Ing ]
:
gamot na ginagamit na panlunas sa alerhiya, pagkahilo, at katulad : PROMETHAZINE
an·ti·hís·te·rík
pnr |Med |[ Ing antihysteric ]
:
laban sa hysteria.
An·ti·kén·yo
png pnr |Ant Heg |[ Esp Antiqueño ]
:
baybay sa Tagalog ng Antiqueño.
an·ti·kon·sep·si·yón
png |Med |[ Esp anticoncepción ]
:
sadyang pagpigil o paghadlang sa pagbubuntis o pagdadalantao.
an·ti·ku·wár·yo
png |[ Esp anticuario ]
:
tao na nag-aaral, nangongolekta, o nagtitinda ng mga bagay na antigo : ANTIQUARIAN
an·ti·ku·wár·yo
pnr |[ Esp anticuario ]
1:
ukol sa mga antigong bagay o mga lumang aklat : ANTIQUARIAN
2:
ukol sa pag-aaral ng mga antigong bagay : ANTIQUARIAN
an·tí·lo
png |[ ST ]
:
pagkaunawa ; paraan o yugto ng pag-unawa.
antilogarithm (án·ti·ló·ga·ri·tém)
png |Mat |[ Ing ]
:
bílang na katapat ng isang hatag na logaritmo.
an·ti·ló·pe
png |Zoo |[ Esp ]
:
hayop na tíla usá (family Bovidae ) na matatagpuan sa Africa ang karamihan : ANTELOPE
antimatter (án·ti má·ter)
png |Pis |[ Ing ]
:
matter na binubuo ng mga antiparticle.
antimony (án·ti·mó·ni)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong malutong, madalîng mahatì, at metaliko (atomic number 51, symbol Sb ) : ANTIMÓNYO
an·ti·ne·u·rál·hi·kó
pnr |Med |[ Esp antineurálgico ]
:
laban sa neuralhiya.
an·tíng-an·tíng
png
antinode (án·ti·nówd)
png |Pis |[ Ing ]
:
lunan ng pinakamalakas na pagkinig na nása pagitan ng magkatabíng mga node ng isang kumikinig na lawas.
antinomianism (án·ti·nó·mi·ya·ní·sem)
png |[ Ing ]
:
doktrina na nagsasabing malaya na ang bawat Kristiyano sa kaniyang obligasyon na sundin o tuparin ang mga batas moral.
an·ti·nó·mi·yá
png |[ Esp antinomia ]
1:
salungatan ng dalawang tíla pantay at kapuwa wastong simulain o katwiran
2:
isang pundamental at tíla hindi malulutas na tunggalian o kontradiksiyon.