bá•kaw 1: punongkahoy (Rhizopora mucromata) na tumutubò sa tubig álat o tabáng 2: punong-kahoy (Fragraea racimosa) na tumataas nang 6 m, bilóg ang mga dahon, at panggamot sa kagat ng ahas ang bulaklak 3: gagambá
ba•káw 1: ibon na may maikli at bilóg na pakpak at mahabà ang daliri sa paa 2: uri ng tagák (Butorides striatus) na may halò-halòng kulay abuhin at lungtian ang balahibo