bol
bó·la
png |[ Esp ]
1:
Isp bilóg o bilugáng bagay ; hungkag o solido na karaniwang ginagamit sa larong gaya ng beysbol o basketbol : BALL1
2:
bagay na kahugis nitó : BALL1
3:
pag·bó·la seremonya o akto ng pagkuha sa mananalong numero sa huweteng, loto, binggo, at katulad
4:
pag·bó·la, pam·bo·bó·la pahayag na maaaring totoo o biro upang papaniwalain ang pinagsabi-han : BULÁDAS,
PALIPÁD-HÁNGIN2
bo·lá·da
png |Ark |[ Esp ]
:
mga naka-usling bató na bumubuo sa dingding at nagbibigay ng magaspang na rabáw.
bo·la·dór
png |[ Esp volador ]
1:
Zoo
isdanlawin
2:
saranggólang gawa sa itinuping papel : SÁPISAPÌ
3:
kuwitis var bulador
bo·la·kít
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng susô na may mahabàng nguso.
bo·lak·sít
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng susô.
bo·lá·lo
png |[ ST ]
1:
Ana
bukong-bukong
2:
pansapin sa tuhod
3:
Zoo
uri ng kuhol na ginagamit sa pagpapakintab ng uri ng gamit na yari sa putik.
bo·lan·dóng
png |Ana |[ ST ]
:
malalakíng utong.
bo·láng
png |Bot |[ ST ]
:
damo na tumutubò kasáma ng mga bakawan, malakí at malapad.
bó·lang-bá·kal
png
:
bilóg at solidong bákal, may sahing at base na pabilog, at nilalagyan ng hiyas na bató.
bo·lán·te
png |[ Esp ambulante Hil ]
:
pagpunta sa ibang pook upang magtinda ng kalakal.
bó·law
png |[ Bik ]
:
sa sinaunang lipunan, hidwaan ng dalawang bayan.
bold
pnr |[ Ing ]
1:
malakas ang loob
2:
madalîng mapansin
3:
sa imprenta, higit na maitim ang limbag
4:
Kol
hubád o mahálay.
bold show (bold syow)
png |[ Ing ]
:
mahalay na palabas sa sine at aliwang panggabi.
bo·lé·ro
png |[ Esp ]
1:
Say
sayaw ng mga Español na may simpleng kompás na tatluhan
2:
jaket na maaaring wala o may kuwelyo at manggas, at isinusuot nang nakabukás sa may harapan
3:
Kol
mambobóla, bo·lé·ra kung babae.
bo·le·tín
png |[ Esp ]
1:
2:
bolitas na kahoy, may nakasulat na numero, at ginagamit sa larong karambola.
bó·li-bó·li
png |Zoo
:
isdang-alat o isdang-tabáng (Ariomma indicum ) na may maninipis at madálang na kaliskis, karaniwang ginagawâng daeng.
bo·li·lì
png |Ana |[ ST ]
:
dulo ng uten.
bo·líl·yo
png |Isp |[ Esp bolillo ]
:
hugis boteng kahoy o plastik na pinatatamaan ng bola sa bowling : PIN1
bo·lin·yá
png |[ ST ]
:
paggawâ ng isang bagay nang bahagya.
bo·lí·tas
png |[ Esp bolita ]
1:
2:
bo·li·vár
png |Ekn |[ Esp ]
:
salapi sa Venezuela.
bo·li·yáng
png |[ ST ]
:
alipin ng alipin.
bo·li·yás
png |[ ST ]
1:
mamulá-muláng biik var boliás,
buliyás
2:
talinhaga para sa bukangliwayway.
bo·li·ya·wà
png |[ ST ]
:
pagtawag sa mga kasamahan sa pangangaso.
bollard (ból·yard)
png |[ Ing ]
:
mababàng poste sa tabíng kalsada o piyer na yarì sa metal, kongkreto, o plastik, at ginagamit na pananggalang, talian, o pangharang.
bo·lò
png |Bot |[ Bik ]
1:
uri ng magaang kawayan
2:
uri ng saging na ilahas.
bó·lo-bó·lo
png |[ ST ]
1:
Ana
kambing na bago pa lámang tinutubuan ng sungay
2:
sisidlan na yarì sa sungay na pinaglalagyan ng tinunaw na ginto o katulad.
bo·ló·bor
png |Agr Bot |[ ST ]
:
punlâ o ang palay na pinatubò at kaila-ngang ilipat sa taníman Cf BULÁBOD1
bo·lo·bót
png |[ ST ]
:
pagsisiksikan ng maraming tao.
bolognese (bo·lón·yé·se)
png |[ Ita ]
:
pasta na may salsang dinurog na kamatis at giniling na karne.
bo·lo·hán
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng palay.
bo·lo·kát
png |[ ST ]
:
paggising pagkatapos mapasobra ng tulog.
bolometer (bó·lo·mí·ter)
png |[ Ing ]
:
sensitibong aparatong elektrikal na pansukat ng enerhiyang mula sa mahinàng liwanag.
bó·lor
png |[ ST ]
:
likod ng espada o punyal.
bo·lo·rán
png |Ntk |[ ST ]
:
tulay sa mga karakowa na nagsisilbing daanan o pook ng labanán.
bo·lo·rá·nin
png |Ntk |[ ST ]
:
tabla na ginagamit na bolorán.
bo·lós·ta·gák
png |[ ST ]
:
linágang gatâ.
bo·lo·wáng
pnr |[ ST ]
2:
mabasag o binasag ang isang bagay tulad ng timba o banga na punô ng lamán.
ból·pen
png |[ Ing ballpen ]
:
pen na may maliit na bola sa dulo na ginagamit na pansulat at naglilipat ng tinta sa papel mula sa cartridge.
bolshevik (ból·sye·vík)
png |Pol |[ Rus ]
1:
kasapi sa partido komunistang Ruso
2:
sinumang rebolusyonaryong sosyalista.
bolt
png |[ Ing ]
1:
dumudulas na bara, ginagamit na pangkandado ng pinto, gate, at katulad
2:
deskarga ng kidlat.
bol·tá·he
png |Ele |[ Esp voltaje ]
:
lakas elektrisidad o potencial difference na ipinapahayag sa volt : VOLTAGE
bo·lun·tád
png |[ Esp voluntad ]
1:
kakayahang mag-alay ng kusang paglilingkod
2:
kakayahang kumilos nang kusa.
bo·lun·ta·rís·mo
png |[ Esp voluntarismo ]
1:
prinsipyo hinggil sa kusang pagkilos sa halip na sapilitan : VOLUNTARISM
2:
Pil
doktrina na nagsasaad na ang sariling kapasiyahan ay batayan o dominanteng salik sa isang tao o sa buong mundo : VOLUNTARISM
3:
doktrina na dapat nakabukod ang simbahan o ang paaralan at itinataguyod ng kusang pag-aambag ng pondo : VOLUNTARISM
4:
prinsipyo o sistema ng pagtulong sa mga simbahan, paaralan, at katulad sa pamamagitan ng pag-aambagan at pagtutulungan : VOLUNTARISM
bo·lun·tár·yo
png |[ Esp voluntario ]
1:
tao na nagboboluntaryo : VOLUNTEER
2:
Bat
pagkilos o paggawa ng isang bagay nang hindi pinipilit ; o kilos na sinasadya at hindi aksidente : VOLUNTEER
bo·lun·tár·yo
pnr |[ Esp voluntario ]
1:
nag-alay ng libreng serbisyo : VOLUNTARY
2:
walang bayad at kusang-loob na naglilingkod : VOLUNTARY
3:
batay sa sariling pagpapasiya : VOLUNTARY
ból·yos
png |[ ST ]
:
pagbatak sa damit upang maalis ang gusot.