land


land

png |[ Ing ]

land

pnd |[ Ing ]
:
lumunsad, kung mula sa sasakyang-dagat, o bumabâ, kung mula sa himpapawid.

lan·dá

png |[ ST ]
:
puluhan ng palakol.

lan·dág

png
1:
Mil estratehiya upang mapalabas ang kaaway sa pinagtataguan hábang naghihintay sa pag-atake
2:
Bot [ST] lantang dahon ng saging
3:

lan·dák

png |[ ST ]
1:
malalakíng patak ng ulan
2:
pagpuputik ng silong ng bahay na yarì sa kawayan dahil sa ulan o sa karamihan ng tao.

lan·dáng

png |Med |[ ST ]
:
pagsigla ng nagkalagnat.

lan·dás

png
1:
[Kap Tag] daan1 makitid at karaniwang para sa naglalakad lámang : DANÁ, LALÁGAN Cf BAGNÓS — pnd lan·da·sín, mag·lan·dás
2:
kadulasan o pagiging madulas

lán·daw

pnr |[ War ]

lan·dáy

png
1:
balangkas o rabaw na nakakurba palabas, gaya ng eksteryor ng anumang bilóg o espero Cf LUKÓNG — pnr ma·lan·dáy
2:
[ST] pansamantalang kubo para sa isang gabi
3:
tao na isinílang at lumaki sa bundok.

lán·day

png
1:
[Kap] patpát1
2:
Med [Seb] ménopós.

lan·dì

pnr
1:
mahilig hawakan at laruin ang isang bagay
2:

lan·dî

png |[ Kap Tag ]
1:
tawag sa babaeng magaslaw kumilos at may saloobing mapanukso o mapang-akit : BIGÁON, GARAMPINGÁT, GITÍLON, HÁTSA1, ÍRGAT, KIRAGÓN, TAKYÔ, TALÁNDEW, TALÁNDIT, UWÁGON Cf ALÉMBONG, KIRÍ
2:
babaeng hayop na nag-hahanap ng katalik o sex : AGMÁYA, HIGÁL, HIMÁNGGAS, KANDÍ2, MANMÁYA, ÓSTRUS, PAMÁGAT — pnr ma·lan·dî.

lan·díng

png |[ Ilk ]
:
tawag sa mga Ilokanong naninirahan at tumanda na sa Hawaii.

lán·ding

png
1:
[Ing] palapagan ng eroplano
2:
[Ing] paraan ng pagbabâ o paglapit sa lupa : LAPÁG3
3:
Mit sa sinaunang lipunang Bisaya, multo o aparisyon.

lan·dít

pnr |[ ST ]
:
mapanukso at malibog.

lan·dí·wak

png |Zoo |[ Mrw Seb Tau ]

landlady (land·léy·di)

png |[ Ing land+lady ]
:
babaeng may-ari ng paupahang bahay.

lánd·lord

png |[ Ing ]
1:
laláking may-ari ng paupahang bahay
2:
panginoong maylupa.

lánd·mark

png |[ Ing ]
2:
mahalagang pangyayari o tagum-pay na bumago sa takbo ng kasaysayan.

lán·do

png |[ Esp ]
:
karwaheng apat ang gulóng, magkaharap ang upuan ng pasahero at natitiklop ang bubong.

lan·dók

png
1:
[Kap Ilk Tag War] mahabàng piraso ng kahoy na may bakal sa isang dulo at ginagamit na pantikwas ng mabigat na bagay : LANDÓL Cf BARÉTA DE-KÁBRA
2:
Kem [Ilk] bákal
3:
Bot uri ng palay na matagal mahinog at putî ang butil.

lan·dól

png |Mek

lan·dóng

png
1:
[ST] piraso ng tela na ginagamit na talukbong o takip ng kama o bandera
2:
Med [ST] panandaliang lagnat
3:
Med malalamáng tissue na naiiwan pagkatapos ng amputasyon
4:
Zoo mahabàng utóng, lalo sa mga báka.

lán·dong

png |[ Seb ]

lan·dós

pnr
1:
hindi nakasuot ng uniporme o tamang kasuotan

lan·dóy

png
1:
galaw ng mga súso ng babae kapag tumatakbo
2:
paglawit ng bunga ng halámang baging na nása balag
3:
tela o damit na hindi pantay ang laylayan — pnd i·lan·dóy, lu·man·dóy, mag·lan· dóy.

land re·fórm

png |[ Ing ]
:
repórmang agráryo.

lan·drí·na

png |Bot
:
damo (Borreria hispida ) na mabalahibo.

landscape (lánd·is·keyp)

png |[ Ing ]
2:
Sin uri ng pintura na naglalarawan nitó ; o larawan ng tanawing ito
3:
sa paglilimbag, pahaláng na oryentasyon ng papel Cf PORTRAIT

landslide (lánd·is·láyd)

png |[ Ing ]
1:
pagguho ng lupa mula sa mataas o matarik na pook
2:
sa eleksiyon, pagdagsa ng boto ng nanalong kandidato.