sangkalan


sang·ká·lan

png
1:
makapal at karaniwang malakíng bloke ng kahoy na pinagtatadtaran at pinaghihiwaan ng gulay, karne, at iba pa : CHOPPING BLOCK, GIRIPÂ, LANDÁG3, LANGDÉT, PATANGÍN, TADTÁRAN, TALAGDÁNAN
2:
mga pinagkrus na bakal na ikinakabit sa bangka upang maging matibay
3:
ang ginamit na dahilan upang makalusot sa isang kasalanan.