tuwa
Tu·wá·ang
png |Mit
:
epikong-bayan ng mga Manobo, karaniwang inaawit upang maging libangan tuwing may libing at kasal, at isinasagawa rin bílang ritwal ng pagpapasalamat para sa masaganang ani o tagumpay na pangangaso.
tu·wá·bak
png |Zoo
1:
isdang-alat (Ilisha hoevenii ), may malakíng matá, humahabà nang hanggang 20 sm, kulay pilak na may mapusyaw na asul ang itaas na bahagi ng katawan, dilaw na may batik na itim ang buntot at mga palikpik
2:
kundilát var tuábak
tu·wád
pnr
1:
[Bik Hil Kap Seb ST War]
nakahilig pababâ sa harap na ang puwit ay higit na mataas kaysa ulo : BUNGITNGÍT,
BURÍNG-IT var tuwár
2:
giniba pabagsak sa lupa.
tu·wa·lí
pnr |[ ST ]
:
hindi pantay.
Tu·wá·li
png |Ant Lgw
:
isa sa mga wika at pangkatin ng mga Ifugaw.
tu·wal·yé·ro
png |[ Esp toallero ]
:
hálang na pinagsasabitan ng tuwalya.
tu·wán
png |[ ST ]
:
salitâng kahawig ng “hoy” at ginagamit upang magalang na tawagin ang isang tao.
tu·wan·dík
png |[ ST ]
:
pagbaligtad sa ayos ng isang bagay, ibuwal kung nakatayô at itindig kung nakatumba : TUWÁRIK
tu·wáng
png
:
pagtulong sa gawain.
tu·wáng
pnr
:
dalá-dalá, nakasalalay, o nakalagay sa dalawa o magkabilâng gilid.
tu·wá·rey
png |[ Ted ]
:
nakababatàng kapatid.
tu·wás
pnr
1:
[Hil Seb ST War]
tikwás
2:
[ST]
tumaas ang isang bahagi hábang ang kabila naman ay buma-babâ
3:
[ST]
umugoy na parang duyan.
tu·wá·san
png |[ ST tuwá+an ]
:
ugoy o pag-ugoy.
tú·wa·tú·wa
png |Med |[ ST ]
:
mapuputîng batik ng katawan o mukha.
tu·wáy
png
1:
Zoo
[Bik Hil Seb]
kabíbe1
2:
pag-ugit sa sasakyang-dagat o pamamahala sa mga tao
3:
Zoo
[Pal]
liyáson.
tú·way
png |[ ST ]
1:
Kom
báligyâ2 katulad ng isang ganta ng asin kapalit ang isang ganta ng bigas
2:
ang pinunò, gaya ng namumunò sa isang pagpupulong
3:
pagbibigay ng pabuya ang sarili.
tú·way·tú·way
png |Ana |[ War ]
:
bayúgo ng tuhod.