ata
a·tâ
png |Zoo |[ Seb ]
:
tinta ng pusit, pugita, at katulad.
á·ta
pnb |[ Bik ]
:
tapos na.
á·ta-á·ta
pnd |á·ta-a·tá·hin, i·á·ta-á·ta, u·má·ta-á·ta |[ ST ]
:
mangahas o magtangka.
a·táb
png |Bot |[ ST ]
:
dahon ng palma na ginagamit na pantakip.
a·ta·ba·lé·ro
png |[ Esp ]
:
tao na gumagawâ o tumutugtog ng atabal.
a·ta·bá·yi
png |Zoo |[ War ]
:
babaeng alimango o alimasag.
a·ta·bís·mo
png |Bio Med |[ Esp atavismo ]
1:
paglitaw ng mga katangian ng isang indibidwal na hindi lumabas sa mga naunang henerasyon
2:
tao na may ganitong katangian
3:
pagbalik sa dati o nakaugalian.
a·ta·bís·ti·kó
pnr |Med Bio |[ Esp atavístico ]
:
may kaugnayan sa atabísmo.
a·tá·do
png |[ Bik Esp Tag ]
:
paghahati-hati bílang bungkos o tumpok ang gulay, isda, at iba pang pagkain : BUGKÓS
a·ta·dú·ra
png |[ Esp ]
:
pagtatalì ; paggápos.
á·tag
png
1:
pagtibág at paghukay
2:
[ST]
gawain ng komunidad.
á·tak
png |[ ST ]
:
lubhang pag-init ng araw.
a·tál
png |[ Tau ]
:
lapis na pangkulay ng labì.
á·tal
png |[ Ilk ]
:
gulóng na karaniwang gawâ sa kahoy, ginagamit sa paglilipat ng mabigat na bagay.
a·ta·lá·ya
png |Mil |[ Esp ]
:
toreng bantáyan.
a·tán
png |Heo |[ Iva ]
:
bahagi ng dalampasigan na nása ilalim ng tubig.
a·táng
png |[ Seb ]
:
bantáy1 tagaabáng, o kung minsan, tagaharang.
á·tang
png
1:
paraan ng pagtulong upang isunong o pasanín ang isang mabigat na bagay
2:
[Bik Pan]
háyin
3:
[Ilk]
púta1
4:
[ST]
pangangalákal.
a·ta·ran·tá·do
png |Zoo |[ Esp ]
:
sapot mula sa tarantula.
a·ta·rá·ya
png |Psd |[ Esp atarraya ]
:
lambat na ginagamit sa pangingisda.
á·tas
png |Bat |[ Kap ST Tag ]
:
utos, bilin, o panuto ng pinunò o may kapangyarihan : DÍKTA2,
INSTRUKSIYÓN1 — pnd a·tá·san,
i·á·tas,
mag-á·tas.
a·tát
pnr |Kol
1:
varyant ng at-át4
2:
halatang gustong-gusto ang isang bagay.
at-át
png
1:
[ST]
limbag o paglilimbag
2:
[ST]
gasgás1-2 o paggasgas
3:
[ST]
pagtuturo ng isang bagay sa pamamagitan ng kakaibang kompás o galaw
4:
pagiging utal var atát
5:
Zoo
sapot ng gagamba.
a·táw
pnr |[ ST ]
:
hindi gusto ; ginagamit din para ipahabol sa áso ang usa o baboy-damo.
a·táy
png |[ Hil Mag Mrw Seb Tau Tag War ]
1:
Bio
malakí at bilugáng organo sa tiyan ng vertebrate at ginagamit sa iba’t ibang prosesong metaboliko, halimbawa ang pagproseso ng mga produkto ng pagtunaw sa pagkain upang maging sustansiya ang mga ito na mahalaga sa katawan, o kayâ’y ang paglinis sa mga nakapipinsalang sustansiya na nása dugo : ÁGAL,
ALTÉY,
DÁLEM1,
HÁTAY,
KATÓY,
LÍVER
2:
Ana
balantok ng talampakan
3:
pinakaloob o pook na pinakamahirap hanapin.
á·tay-á·tay
png |[ ST ]
1:
pagbubuka ng bibig ng malapit nang mamatay
2:
may sakít na nabuwal at bumangon.