baling
bá·ling
png
1:
[Kap Tag]
pagpihit ng ulo
2:
pagliko sa pahalang na daan kung naglalakad
3:
pag-uukol ng tingin sa kabilâ o magkabilâng panig ng pook na kinatatayuan ng sinuman o anuman
4:
pagbibigay ng pansin sa ibang bagay
5:
pag-uukol ng panayam o salita sa isang tao — pnd ba·lí·ngan,
bu·má·ling,
i·bá·ling
6:
[Hil Mrw Seb]
uri ng lambat sa pangingisda
7:
[ST]
paglinlang o pagpapaniwala sa isang tao
8:
[ST]
pagtagilid ng bangka kapag inalisan ito ng timon.
ba·li·ngad·ngád
png
1:
Zoo
uri ng isdang bangkota
2:
Psd baklad na panghúli ng dalag.
ba·li·ngán
png
1:
[War]
isang piraso ng patpat na itinalì sa dúlo ng silò para maging hawakán ; talìng panghila
2:
tao na laging hinihingan ng tulong.
ba·li·nga·ngà
pnr
:
pilipit ang leeg, higit pa sa balilíng.
ba·li·ngá·nga
png |[ ST ]
:
pagpatay sa pamamagitan ng pagsakal.
ba·li·ngá·sag
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
ba·li·ngá·san
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy na may dahong katulad ng putat.
ba·li·ngá·say
png |Bot |[ ST ]
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Buchanania arborescens ) na 10 m ang taas, payak ang dahon na nakaayos nang kumpol, may mga maliit na bulaklak na putî, katutubò sa Filipinas, at nakukunan ng tabla : ALITAGTÁG,
ANÁGAS,
ÁNAN,
ÁNTENG,
ANÚGAS,
ARÁKA,
BAGILÍBAS,
BÁHAY-ÚHOD,
BALINGHÁSAY,
BALINGÚKOT,
BALÚNUG,
BORÓAN,
GARANTÁNG,
LAGINDÍNGAN,
PÁWAN,
UYÓK
ba·li·nga·só
png
1:
[ST]
bagay na baluktot
2:
[Hil]
matinding poot na nahahalata sa mga matá.
ba·lí·ngat
png |Med
:
pagkabalì ng anumang bahagi ng katawan.
ba·li·ngá·to
png |Psd |[ Ilk ]
:
patibong na panghúli ng hito at yarì sa kawayan.
ba·li·ngá·yo
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng halámang eletso.
bá·ling·bá·ling
png |[ ST ]
1:
súkat sa isang taníman na katumbas ng isang dipa sa isang parisukat
2:
paggalaw ng buntot ng ibon hábang ito ay lumilipad
3:
paglinlang sa ibang tao
4:
pagkakalat ng mga usapin.
ba·ling·bíng
png
1:
Bot
[ST]
balimbíng1
2:
Ana
[ST]
balbas na tumutubò mula pisngi hanggang sa pilipisan
3:
Mus
[Kal]
bungkakâ.
ba·ling·bí·ngin
pnr |[ ST ]
:
parang pamalò.
ba·ling·gá·sa
png
1:
Zoo
[Ilk]
malaking mollusk
2:
Bot
muràng palay na may sungot sa uhay at may putîng butil.
ba·ling·ká·gas
png |[ Seb ]
:
pamamayat nang labis dahil sa pagkalulong sa bisyo.
ba·ling·ká·hod
pnr
:
nagsusumikap nang buong lakas sa pagganap ng isang gawain var balingkáhor
ba·líng·ki·ní·tan
pnr
1:
2:
Mus
[ST]
maramihang pagkanta nang walang armonya, at bumababà ang ang kalidad ng pag-awit.
ba·ling·ma·nók
png |Bot
:
punongkahoy (Polyalthia tuberosa ) na may bungang bilugán, nakakain at kulay lila : DÚHAT-DUHÁTAN,
DÚHAT-MATSÍNG,
DÚHAT-NASÌ,
MÚNAT
ba·li·ngú·san
png |Ana |[ ST ]
:
bahagi ng ilong mula sa ilalim ng mga kilay.
ba·li·ngus·ngós
png
:
pagsamâ ng mukha at pagkunot ng noo dahil sa pagkayamot at gálit.
ba·li·ngút·ngot
png |[ ST ]
:
masamâng panaginip.
ba·ling-u·wáy
png
1:
Bot
damo (Flagellaria indica ) na guma-gapang paakyat sa matatayog na punong-kahoy sa pamamagitan ng galamay na dahon nitó : HUWÁG2
2:
Bot
uri ng yantok
3:
matulis na kawayan o katulad na ginagamit na pambungkal sa pagtatanim ng ube var balingway
ba·li·nguy·ngóy
png |Med
:
pagtulo ng dugo mula sa ilong : AGOL-ÓL1,
BALANGÍNGI,
DARINGÚNGO,
EPISTAXIS,
HÚNGGO,
PÁMBO,
SÚNGGO
ba·ling·wáy
png |[ ST ]
:
matulis na patpat na ginagamit sa pagtatanim ng ube.