bango


ba·ngó

png |[ Mar Tag ]
1:
kaakit-akit na amoy, karaniwang mula sa bulaklak, yerba, o pabango var banglo Cf BÁHO, HALIMÚYAK
2:
ALÍMYO1 ÁMYON1 BALINGÍT, BANGLÚ, FRAGRANCE1 GÁNDA2 HAMÓT1 HUMÓT1 KANÁYO, NAYÒ — pnr ma·ba·ngó.

ba·ngó·bang

pnr |[ ST ]
:
may súnong, kilik, o bitbit na maraming bagay.

bá·ngod

png

bá·ngol

png
1:
[ST] paghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng pagdidiin ng sisi sa ibang tao
2:
[ST] batàng laláki na palaging nagrereklamo at nagagalit kapag siya ay tinatawagan ng pansin

ba·ngón

png |Heo |[ War ]

bá·ngon

png
1:
pag·bá·ngon kilos mula sa pagkakahigâ o pagtulog
2:
pag·bá·ngon kilos na gaya ng pagtatayô ng gusali o pagtatatag ng kapisanan
3:
pag·ba·bá·ngon himagsik4 o paghihimagsik.

ba·ngót

png |[ Seb ]
:
pag-aalis sa mga pangit na dulo ng kahit anong bagay.

ba·ngót

pnr
:
patulis o pahilis, gaya ng dulo ng sinulid, na isinusulot sa bútas ng karayom.

bá·ngot

png
1:
[Seb] busál
2:
Zoo lawin na nakagagawâ ng pugad mula sa mga tuyông yerba
3:
isda o karneng pampalasa.