bati


ba·tí

png |pag·ba·ba·tí |[ Esp batir ]
1:
paghalò at pagdurog ng anumang bagay upang maging ganap na lusaw
2:
Kol salsál1 — pnd ba·ti·hín, bu·ma·tí, i·pam·ba·tí.

ba·tì

png |pag·ba·tì
1:
pagtawag sa isang nakasalubong o nakíta : BATÍL
2:
pahayag ng pagkalugod sa isang tao na nagdiriwang : CONGRATULATION, KONGRATULASYÓN, SALUTE2
3:
pagpansin sa hindi magandang asal.

ba·tî

png |pag·ba·ba·tî
:
kilos upang ibalik ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng muling pag-uusap — pnd mag·ba·tî, mag·ba·tî·an, ma· ki·pag·ba·tî.

ba·tí·bat

png
1:
paraan ng paghagis ng bató
2:
Mit [Ilk] uri ng duwendeng bumibiktima sa matatakaw hábang natutulog
3:
Med [Ilk] bangúngot1

ba·ti·bót

png |[ ST ]
:
maliit na bangâ na may makitid na butas o bibig na pinagbubuhusan ng langis ng linga.

ba·tí·bot

png
1:
uri ng matibay na upuan, gawâ sa bakal, karaniwang nakikíta sa may hardin o bakuran ng bahay
2:
tao na maliit ang pangangatawan ngunit matipunô Cf BULÍLIT
3:
pagsusuri o pagsisiyasat nang mabuti sa isang bagay sa pamamagitan ng pagsalat
4:
[ST] pag-aalis ng bituka
5:
[ST] pagsisiksik ng isang bagay sa isang butas
6:
[ST] katawan ng kawayan na halos walang bútas at matigas na ginagamit sa lahat ng uri ng bagay na matibay.

ba·tí·bot

pnr
:
maliit ngunit malakas o matibay.

ba·tíd

pnr
1:
nauunawaan o natitiyak na totoo o tunay : ALÁM1, TALASTÁS
2:
nakatátag sa isip o alaala : ALÁM1, TALASTÁS var batir
3:
kilala ang pag-iral ng isang tao, pook, o bagay sa pamamagitan ng paningin, karanasan, o ulat : ALÁM1, TALASTÁS
4:
nauunawaan mula sa karanasan : ALÁM1, TALASTÁS
5:
maaaring ibukod o kilalanin sa pangkat ng marami : ALÁM1, TALASTÁS
6:
may impormasyon hinggil sa isang bagay : ALÁM1, TALASTÁS

ba·ti·dé·ro

png |[ Esp bateador ]

ba·tí·do

pnr |[ Esp ]
1:
binatíng maigi ; hinalòng mabuti
2:
matigas at siksik
3:
sanáy sa anumang bagay ; batikán o eksperto.

ba·ti·dór

png |[ Esp bateador ]
1:
gamit na panghalò o pambatí : BATIRÚL, BEATER1, DAGULDÓL3

ba·tí·hap

png |Med |[ Tau ]
:
masamâng pakiramdam sa lalamunan.

ba·tí·is

png |Ana |[ Akl ]

ba·tík

png
1:
paraan ng pagdidisenyo sa tela, tinatakpan ng pagkit ang mga bahaging hindi kukulayan
2:
telang kinulayan sa ganitong paraan
3:
padron na tela mula sa pagkit o pintura.

bá·tik

png
1:
[Tag] patak-patak na dumi o kulay sa anumang bagay : AGÁT-AT, BAKÁSA2, BULDÁK2, BULÍNG2, DÁGTA, DIGTÀ, GANÍT4, HILÁHIS, KÁPOL1, KAWATIR, LAMÂ, LÁMOS1, MANTSÁ, RATÍK, SAMÁN, STAIN
2:
Asn [Seb] sa malaking titik, talà sa timog.

ba·ti·kán

pnr |[ Kap Tag bátik+an ]
:
bihasa o sanáy sa alinmang bagay.

Ba·ti·ká·no

png |[ Esp Vaticano ]
1:
Heg pook sa Roma na kinatatayuan ng palasyo ng Papa at ng Basilika San Pedro : VATICAN
2:
kapangyarihan o pamahalaan ng Papa : VATICAN

ba·ti·kén

png |[ Ilk ]
1:
kahong pinunô ng lupa upang gawing dapog
2:
sapin ng mga bote, palayok, at iba pa.

ba·tík-lá·win

png |Zoo

ba·ti·kó·la

png |[ Esp baticola ]
:
kagamitang yarì sa balát, karaniwang nakasagka sa buntot ng kabayo kung isinisingkaw.

ba·ti·ko·lén

png |Zoo |[ Pan ]

ba·ti·ko·léng

png |Zoo |[ Ilk ]

ba·tí·kos

png
2:
BÁNAT2 ESKARÍPIKASYÓN3
3:
[ST] nakalalasong kombinasyon ng arseniko at asupre.

ba·ti·ku·líng

png
1:
Bot punong-kahoy (Litsea glutinosa ) na habilog ang dahon, dilaw ang bulaklak, at bilóg ang bunga : ANÓNOT, BALANGÁNAN, BALÓNGAY, BÚTUS, DALÁWEN-NÉGRO, DÚNGUL, ÍNGAS, LÁAT, LORMÁNGOG, MAPÍPI, ÓLOS-ÓLOS, PARASÁBLUT, PORÍKIT, PÚNGO, PÚSO-PÚSO, PÚSUPUSÒ, SÁBLOT, SAÁB-LOT, SAPÚAN, SIÍBLOT, TAGUTÚGAN, TAYÁPOK, TÍLAM2, TÚBHOS, TÚBHUS
2:
Bot punongkahoy (Paralstonia clusiacea ) na matigas at ginagawâng tabla at aparador : BÚTUS var bitikulín

ba·tí·ku·lón

png |Zoo |[ Hil Seb War ]

ba·ti·kúng·kong

png |[ Ilk ]
:
alarma na gawâ sa bumbong ng kawayan, pinupukpok sa gabi kung may panganib o magnanakaw.

ba·tíl

png
1:
[Ilk Seb] batì1
2:
Med [Pan ST] pantál1

ba·tí·law

pnr
:
hindi pa tuyô.

bat-íng

png |[ Igo ]
:
biktima ng panlulukob ng espiritu.

ba·tíng

png
1:
Psd paraan ng pangingisda
2:
paraan ng pangangáso
3:
uri ng patibong

bá·ting

pnd |[ Kap ]

bá·ting

pnr |[ ST ]

ba·ti·ngáw

png
:
isang hungkag na bagay, karaniwang bakal at may hugis na tíla binaligtad na tása, na nagdudulot ng tunog kapag pinalò o pinatunog sa pamamagitan ng bakal na nakalawit sa loob : BAGTÍNG5, BELL, KAMPANÀ Cf KAMPANÍLYA, TAMBÚKAW

ba·tí·ngaw

png |[ ST ]
:
isang uri ng pantakot sa mga ibon na gawâ sa kawayan.

ba·tíng-tá·o

png |[ ST ]
:
uri ng gayuma o paraan ng panggagayuma.

ba·ting·tíng

png
1:
kaputol na metal na binaluktot sa anyong tatsulok at kinakanti ng isang pirasong metal upang tumunog : BATÍNG4
2:

ba·tí·no

png |Bot |[ Bik Pan Tag ]
:
punongkahoy (Alstonia macrophylla ) na mapusyaw na dilaw ang bulaklak, pahabâ ang bunga, at maliit ang butóng mabalahibo : DALÁKAN, KUWÁNAN, KÚYAW-KÚYAW, ÍTANG-ÍTANG

ba·tír

pnr |[ ST ]
:
varyant ng batíd1

ba·ti·rúl

png |[ Kap ]

bá·tis

png |[ Kap ST ]
1:
Heo daloy na nanggagáling sa bukal o ang munting ilog na nabubuo sa ganito : ARÓYO, BURÁBOD, BROOK, GÁWAK2, SUBÓL2, UBBÓG2 Cf SÁPA, STREAM
2:
anumang dumadaloy o ang katangian nitó, hal batis ng kasaysayan.

ba·ti·tí·nan

png |Bot |[ Bik Tag ]
:
maliit hanggang malakí-lakíng punongkahoy (Lagerstroemia piriformis ) na kulay kape ang tabla, may malagong mga bulaklak na kulay lila, katutubò sa Filipinas.

ba·ti·yáw

png |[ ST ]

ba·ti·yáw

pnd |ba·ti·ya·wín, i·ba·ti· yáw, mag·ba·ti·yáw |[ ST ]
:
hanapin ang isang bagay na nawala.