sapa


sa·pá

png |[ Iba Ilk Kap ST ]
1:
nálabíng pagkaing nása bibig pagkatapos na manguya nang mabuti
2:
natirá matapos ngatain ang buyo : GÚMA, SÁPAL1-2

sa·pà

png |Heo |[ Bik Hil Ilk Kap Tag War ]
:
maliit na batis : CREEK, KULÓS2, SALUYSÓY, SÁOG, SÁOY, WÁIG, WEG

sá·pa

png |[ ST ]
1:
pagpapaubaya na mapangaralan
2:
Med pangangalaga sa pigsa kapag ito ay bagong pisa upang ito ay gumaling.

sa·pád

pnr
1:
may patag na rabaw ; walang umbok o uka : ALIPAPÂ1, DIPPÍG1, LAPÁD, PÁTAD1, TALAMPÁK, TALAPYÂ, TAPYÂ2, TSÁTA
2:
patag na pahalang.

sa·pád

png |Ana |[ Iva ]

sá·pad

png
1:
balát para sa tambol
2:
Bot [Bik Ilk Iva Pan Tag] pilíng1

sa·pag·ká

pnt
:
sinaunang anyo ng sapagkát.

sa·pag·kát

pnt |[ sapagka+at ]
:
sa dahilang ; dahil sa : MÍLI

sa·pa·hà

png
:
sangkapat na tahel, bigat ng apat na butil ng ginto.

sa·pá·it

png |Med
:
súgat sa bituka.

sa·pák

png
1:
[Chi] tunog na nalilikha kapag kumakain
2:
suntók — pnd ma·sa·pák, sa·pa·kín
3:
dahong malalaki at malalapad na ginagamit na pambubong ng bahay.

sa·pák

pnr

sá·pak

png |[ ST ]
1:
pagputol ng punongkahoy
2:
pagbubuka nang todo sa bibig upang matanggal ang panga.

sa·pa·kát

png
:
kilos o paraan ng pag-aanyaya sa isang tao para sa lihim na gawain : SABWÁT, SAÚBAT Cf TIYÁP2

sá·pa·ká·tan

png |[ sapakat+an ]
:
lihim na balak ng dalawang tao o mahigit na tao upang lihim na gumawâ ng isang bagay, karaniwang labag sa batas : KOLUSYÓN, KOMPLÓT, KONSPIRASYÓN2, KUTSÁBA, SABWÁTAN, SAUBÁTAN Cf FRAME-UP

sa·pak·sá·tol

png |[ ST ]
:
isang uri ng kumot.

sa·pál

png |[ Kap ]
:
gamít na gugò.

sá·pal

png |[ Bik Kap Seb Tag War ]
1:
labí ng kinudkod na niyog matapos makatas ang gata : DANNÔ, INGOSÂ, KÁMAK, KINÚPSAN, KÓPAG, NGOLÁ, SAPÁ2, UGÁSIP
2:
ang wala nang katas at lasang natitirá sa pagkain pagkatapos na manguya at masipsip nang mabuti : DANNÔ, INGOSÂ, KÁMAK, KINÚPSAN, KÓPAG, NGOLÁ, SAPÁ2, UGÁSIP
3:
paghamak sa kapuwa
4:
ang pagpapalagay na walang káya o tálo sa anumang paligsahan
5:
Mus [ST] balát ng tambol
6:
Bot [ST] tangkay ng isang buwig ng saging.

sá·pal

pnr
:
walang pagkakataon upang manalo.

sáp-al

png |[ Ilk ]

sa·pa·là

pnr
:
hindi maaaring mangyari o hindi maaaring totoo, karaniwang may di-, gaya sa di-sapalà kayâ kabaligtaran ang ibig sabihin.

sa·pá·lar

png |[ ST sa+palad ]

sá·pa·la·rán

png |[ Kap Tag sa+palad+ an ]
:
pagsuong o pagharap sa anumang panganib o anumang gawain nang hindi iniintindi ang kahihinatnan ng sarili Cf PAKIKIPAGSÁPALARÁN

sa·pa·na·hón

png |Bio |[ sa+panahon ]
:
buwánang pagreregla.

sa·páng

png |Bot

sa·pan·ta·hà

png
1:
palagay o kurò na walang ganap na katibayan : AKALÀ3, BÁLAK3, BANTÂ4, BOLOKÁLA, HAKÀ1, NOTION, SUPOSISYÓN, SUPPOSITION Cf CONJECTURE1
2:
Mat proposisyon bago mapatunayan.

sapanwood (sa·pán·wud)

png |Bot |[ Ing ]

sa·pá·sang-u·sá·pan

png |[ sang+ usapan ]

sa·pá·sap

pnr |[ Ilk ]

sa·pát

png |[ ST ]
1:
balát na gámit sa pagkukulay ng itim
2:
pagretoke ng kulay kung hindi na ito maganda
3:
pagbababad sa himaymay upang kulayan ito ng bughaw.

sa·pát

pnr |[ Kap Ilk Tag ]
1:
hinggil sa pagiging katamtaman ng anuman : ÁYAK, BASTÁNTE, HUSTÓ1, KAPÁS2, KÁSIYÁ, QUANTUM SUFFICIT, SADÁNG, SIYÁ1, SUFFICIENT1

sá·pat

png
1:
[Kap] dumi sa balát
2:
[Hil] háyop1

sa·pa·tá

png |[ Ilk ]
:
sumpâ3 o mataos na pangako.

sa·pá·ta

png |[ War ]
:
bakal ng kabayo.

sa·pa·te·rí·ya

png |[ Esp zapatería ]
:
tindahan o pagawaan ng sapatos.

sa·pa·té·ro

png |[ Esp zapatero ]
:
tao na gumagawâ ng sapatos : COBBLER1, SHOEMAKER

sa·pa·tíl·ya

png |[ Esp zapatilla ]
1:
tsinelas na pambabae na may mataas na takong
2:
Mek pitsa ng grípo o bómba ng tubig, karaniwang gawâ sa goma : GASKET

sa·pá·tos

png |[ Esp zapatos ]
:
panlabas na proteksiyón ng paa ng tao, karaniwang gawâ sa katad at may matigas na suwelas : KALSÓ3, PAROKÂ, SHOE1 Cf KALSÁDO

sa·pát-sa·pát

png |Zoo |[ Hil ]

sa·páw

png |[ Seb War ]
:
pagkuha ng kalunyâ.

sá·paw

png
1:
Bot unang bunga ng punongkahoy
2:
Bot maagang pamumunga
3:
Agr unang sibol ng mga butil ng palay
4:
Med paglitaw ng sakít sa balát
5:
[ST] ápaw2
6:
Ntk [Bik] bangkang papunta sa laot
7:
pagkalat ng tubig hanggang sa daanan at matakpan ang lupa
8:
paglalagay ng mga bagay sa ibabaw ng iba
9:
[Ilk] bubong ng kama o ng kulambo.

sá·paw

pnr |[ War ]
:
nakaharap sa silangan.

sa·páy

png |Kom |[ ST ]
:
pagpapalit ng ibang bagay sa pera kapag bumili.

sa·pa·yán

png |[ Ilk ]
:
eheng ikiran ng sinulid bago maghábi.