cr
CR (sí ar)
daglat |[ Ing ]
:
comfort room.
craft (kraft)
png |[ Ing ]
2:
hanapbuhay, lalo na ang ginagamitan ng kamay sa paggawa
3:
táong tuso.
crane (kreyn)
png |[ Ing ]
1:
Mek
isang malaki at mataas na mákiná, ginagamit sa paglilipat ng mabibigat na bagay, karaniwang sa pamamagitan ng pagbibitin sa mga ito sa tulong ng isang tíla galamay na bahagi nitó : GRÚWA2
2:
isang naikikilos na plataporma na napagpapatungan ng kamerang pantelebisyon o pampelikula : GRÚWA2
3:
Zoo
típol.
cranial nerve (kréy·ni·yál nerv)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa mga nerbiyo mula sa utak na nagdadaan sa pamamagitan ng mga bútas ng bungo patúngo sa ibang bahagi ng ulo at binubuo ng labindalawang pares sa mga mammal, ibon, at reptil Cf ABDUCENS NERVE,
ACCESORY NERVE,
AUDITORY NERVE,
FACIAL NERVE,
GLOSSOPHARYNGEAL NERVE,
HYPOGLOSSAL NERVE,
OCULOMOTOR NERVE,
OLFACTORY NERVE,
OPTIC NERVE,
TRIGEMINAL NERVE,
TROCHLEAR NERVE,
VAGUS NERVE
crash (krash)
png |[ Ing ]
1:
bagsák1 o pagbagsak
2:
malakas at biglang ingay
3:
malakas na banggaan, lalo na ng dalawang sasakyan ; o ang pagbagsak ng sasakyang panghimpapawid
5:
Com
biglaang pagkasira at pagtigil ng sistema.
crash course (krash kors)
png |[ Ing ]
:
kursong mádalían.
-crat (krat)
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan na nagsasaad ng pagiging kasapi o tagatangkilik ng isang anyo ng pamahalaan, hal autocrat, democrat.
-cratic (krá·tik)
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pang-uri na nagsasaad ng uri ng pamahalaan, hal autocratic, democratic.
cream of tartar (krím of tár·tar)
png |[ Ing ]
creation (kri·éy·syon)
png |[ Ing ]
:
likhâ2 o nilikhâ.
creature (krí·tyur)
png |[ Ing ]
1:
tao o hayop na may búhay
2:
mga nilikhâ.
crepe paper (krip péy·per)
png |[ Ing ]
:
manipis at kulubot na papel at ginagamit na pandekorasyon.
crescendo (kre·sén·do)
pnr pnb |[ Ing Ita ]
1:
Mus
marahang paglakas ng tunog ; o ang bahaging may gayong paglakas
2:
patúngo sa rurok.
cresol (krí·sol)
png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa tatlong isomeric phenol C7 H8 O na ginagamit na disinfectant.
Cretaceous (kri·téy·syus)
png |[ Ing ]
:
bahagi ng panahong Mesozoic.
Crete (krit)
png |Heg |[ Ing ]
:
pulo sa Greece sa Mediteraneo, Timog Silangan ng prinsipal na lupain ng Greece.
crew (kru)
png |[ Ing ]
:
pangkat ng mga tauhan lalo na sa barko o eroplano.
cricket (krí·ket)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
kámaksî
2:
Isp laro na ginaganap sa malaking palaruang damuhan at may dalawang koponang binubuo ng labing-isang manlalaro na nagpapaligsahan sa paramihan ng pagtakbo sa mga wicket.
crimson (krím·son)
pnr |[ Ing ]
:
matingkad na kulay pula na may pagkalila.
Crispin (kris·pín)
png |Lit
:
tauhan sa Noli me Tangere, bunsong anak ni Sisa, at kapatid ni Basilio.
crispy pá·ta (krís·pi pá·ta)
png |[ Ing crispy+Esp páta ]
:
páta ng baboy na ipinirito nang nakalubog sa mantika hanggang maging ginintuang kayumanggi ang kulay at malutóng.
Crissotan (kri·só·tan)
png |Lit
:
bersiyon ng balagtasan sa wikang Kapampangan at ipinangalan kay Crisostomo Soto.
critique (kri·tík)
png |[ Ing ]
:
isang artikulo o sanaysay ng masusing pagsusuri sa isang akda, pilosopiya, at katulad.
Croatia (kro·éy·sya)
png |Heg |[ Ing ]
:
republika sa timog silangang Europa at dáting bahagi ng Yugoslavia.
croissant (kwa·sánt)
png |[ Fre ]
:
tinapay na hugis kalahatian ng buwan.
Cronus (kró·nus)
png |Mit |[ Gri ]
:
pinakabatàng anak nina Uranus at Gaia at pinunò ng kaniyang mga kapatid na Titans ; nag-alsa laban sa kaniyang ama, pinakasalan ang kapatid na si Rhea, at ama ng mga sumusunod na diyos at diyosa, kabílang na si Zeus.
crooner (krú·ner)
png |[ Ing ]
:
mang-aawit na sinasaliwan ng orkestra o kombo.
crop (krap)
png |Agr |[ Ing ]
1:
halámang itinatanim nang maramihan para sa malaking ani
2:
ang kabuuang ani sa isang pataniman o bukirin.
croquet (kro·kyéy)
png |Isp |[ Fre ]
:
laro ng pagpapasok ng mga bolang kahoy sa pamamagitan ng mallet2
cross (kros)
pnd |[ Ing ]
1:
tumawid o tawirin
2:
gumawa ng interseksiyon
3:
gumuhit ng linya o mga linya sa isang panig patungo sa kabilâ
4:
sa tseke, gumuhit ng dalawang magkaagapay na linya na tanda ng bayarin sa isang may account sa bangko
5:
tanggalin sa listahan.
crossfire (krós·fayr)
png |[ Ing ]
:
palítan ng putok ng magkabilâng panig.
cross stitch (kros is·títs)
png |[ Ing ]
:
pagboborda nang paekis.
croutons (krú·tons)
png |[ Ing ]
:
maliliit na piraso ng tinapay na hiniwa nang pakuwadrado at ipinirito hanggang matusta at lumutong.
crowbar (krów·bar)
png |[ Ing ]
:
bareta de-kábra.
crowd (krawd)
png |[ Ing ]
1:
malaking bílang ng mga tao na nagsáma-sáma, karaniwang walang kaayusan
2:
pulutong ng mga tagamasid o tagapakinig
3:
malaking bílang.
crust (krast)
png |[ Ing ]
1:
matigas na paligid ng higit na malambot na bagay
2:
Heo
panlabas na mabatóng bahagi ng kalupaan.
crustacean (krus·téy·syan)
png |Zoo |[ Ing ]
:
alinman sa uri ng mga hayop tubig na may matigas na balát, gaya ng hipon at alimasag : KRUSTÁSEÓ,
SHELLFISH2
Crux (krúks)
png |Asn |[ Ing ]
:
panlabindalawang pinakamaliwanag na bituin sa langit, pinakamaliwanag sa konstelasyon ng Crux, nakikita lámang sa dakong timog ng hemisphere.
cryptogam (kríp·to·gám)
png |Bot |[ Ing ]
:
malaking pamilya ng halaman na walang totoong bulaklak at binhi at gumagamit ng spore sa reproduksiyon, hal pakô, lumot, funggus.