korona
ko·ró·na
png |[ Esp corona ]
1:
putong na maraming adorno at karaniwang may mga hiyas : crown
2:
tuktok ng ulo : crown
3:
taluktok, gaya ng sa bundok : crown
4:
Bot
bahagi ng haláman na nása ilalim ng lupa at bahagyang nakalitaw sa lupa.
Ko·ro·na·dál
png |Heg
:
kabesera ng South Cotabato.
ko·róna de-es·pí·na
png |Bot |[ Esp corona de-espina ]
:
tuwid na palum-pong (Euphorbia milii ), 1 m ang taas, madálang ang dahon, at may bulak-lak na may mahabàng tangkay, at kulay pulá ang pabilog na talulot, katutubò sa Madagascar.
kó·ro·ná·do
png |Zoo
:
uri ng manok na hugis korona ang palong.
ko·ro·nas·yón
png |[ Esp coronación ]
1:
seremonya ng pagpuputong ng korona sa pinunò, gaya ng reyna o hari : coronation
2:
seremonya ng pagpuputong ng korona sa musa ng pista o pagdiriwang : coronation