gapang


ga·páng

pnr
1:
laganap na o kalát na
2:
malago, gaya ng baging.

gá·pang

png
1:
[Ilk Kap Pan Tag] pag-usad sa pamamagitan ng kamay at tuhod hábang nakadapâ : CRAWL, DÓLA, KÁMANG1, KARÁDAP, KURÓNG3, PANÁNAP Cf UKÁY1 — pnd ga·pá·ngin, gu·má·pang, mang·gá·-pang
2:
pagpapakasákit na maitaguyod ang layunin sa kabilâ ng mga balakid — pnd ga·pá·ngin, gu·má· pang, i·gá·pang
3:
kilos na mabagal, palihim, pailalim, o panakaw
4:
malaganap na paglago ng mga tangkay, dahon, at baging ng haláman
5:
pagkalat ng likido nang hindi pantay
6:
Bot [Hil Pan Seb] halámang itinatanim sa pamamagitan ng suwi.

ga·pa·ngán

png |[ gápang+an ]
1:
sabay-sabay na paggapang
2:
daan ng mga langgam, anay, at katulad
3:
balag o talubsok na inilaan sa pag-gapang ng halámang baging, anumang katulad.

gá·pang·su·sô

pnd |gu·má·pang·su·sô, mang·gá·pang·su·sô |[ ST ]
:
gumawâ nang dahan-dahan.