gara
ga·rá·gay
png |[ Bik ]
:
mahabàng lubid na ginagamit sa pagmimina ng ginto.
ga·ra·há·han
pnr |[ Hil ]
:
takót sa magiging bunga ng plano, desisyon, o anumang bagay.
ga·rá·he
png |[ Esp garaje ]
:
himpilan o silungan ng mga sasakyang de-motor gaya ng awto, trak, at katulad : GARAGE
ga·ra·i·gí
png |[ Ilk ]
:
halinghing ng kabayo.
ga·ral·gál
png
1:
tono ng pagsasalita kapag may sipon o may nakabará sa lalamunan — pnr má·ga·ral·gál
2:
Mek
tunog ng mákiná na palyado — pnr má·ga·ral·gál.
ga·ránd
png |Mil |[ Ing ]
:
ripleng 76.80 sm ang kalibre at 8.56 libra ang bigat.
ga·rán·ti·sá
png |[ Esp garantiza ]
:
garantíya4 — pnd ga·rán·ti·sa·hán,
i·ga·rán·ti·sá,
mág·ga·ran·ti·sá.
ga·rán·ti·sá·do
pnr |[ Esp garantizado ]
1:
tiyak na mahusay o magalíng
2:
walang mintis.
ga·ran·tí·ya
png |[ Esp garantía ]
3:
takda ; taning o pa-nahong sinasagutan
5:
warranty — pnd ga·rán·ti·ya·hán,
gu·ma·rán·ti·yá.
ga·ra·pál
pnr
1:
walang pakundangan ; hindi nahihiya
2:
magaspang ang ugali.
ga·ra·pá·ta
png |Zoo |[ Esp garrapata ]
:
maliit na kulisap (Pulex irritans ) na walang pakpak, walang matá, at kahawig ng pulgas, karaniwang makikíta sa áso, pusa, kalabaw, at iba pa : TICK1
ga·ra·pát·so
png |Zoo |[ Esp garapacho ]
:
uri ng pawikan o pagong.
gá·ra·pét·se
png |Zoo |[ Esp garapeche ]
:
malapandóng diláw.
ga·ra·pí·to
png |Zoo
:
maliit na kulisap na kahawig ng pulgas.
ga·ra·pón
png |[ Esp garafón ]
:
sisidlan na babasagin, karaniwang maluwang ang bunganga at pinaglalagyan ng kendi, tinapay, asukal, at iba pa : GARÁPINYÉRA Cf GARÁPA
gá·raw
png |[ Hil ]
:
matalim at matulis na bagay sa bukana ng baklad.
ga·ráw-at
png |Ana |[ Ilk ]
:
bahagi ng katawan na nása pagitan ng paypay.
ga·ráy
png |Ntk
:
sinaunang sasakyang-dagat.
ga·ray·gá·day
png |[ War ]
:
mabulaklak na salita.