mala
ma·lá
png
1:
[ST]
pagpupunas sa isang bagay
2:
Bot
punongkahoy (Elaeocarpus grandiflorus ) na makinis at tumataas nang 24 m, may mapait na balát, bilugang mga dahon, putîng bulaklak, at lungting bunga.
má·la
pnr |[ Esp ]
:
masamâ, má·lo kung panlaláki.
ma·la·á·pi
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
ma·la·á·sis
png |Bot
:
uri ng punongkahoy.
ma·la·á·tis
png |Bot
:
palumpong (Dasymaschalon clusi-florum ) na may makikinis na dahon, matulis ang dulo, at karaniwang nag-iisa ang bulaklak na manilaw nilaw ang kulay, at nagagamit na pampatuyô sa mga sugat : LANÚTANG-PUTÎ,
MALASAGIYAT,
PANÁGIT
ma·la·á·woy
png
:
kahoy na panggatong at matagal magningas.
ma·la·bag·yó
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
ma·la·bá·nag
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng malabaging na haláman (genera Convulvulus at Calystegia ).
ma·la·bá·nak
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng isda na tulad ng banak.
ma·la·bá·nos
png |Zoo |[ ST ]
:
isdang-alat (family Muraenidae ) na mahabàng tíla ahas ang katawan, karaniwang kayumanggi, lungtian, o dilaw na may mga guhit o bátik, at may malaking bibig na may matatalim na ngipin : BARÁSON,
BURIRÁWAN,
HÁGMAG,
HÁNGIT,
HAWÍG,
INDÁNG3,
LABÚNG,
LAMBÍGA,
MORAY EEL,
ÓGBOK,
PÁYANGÍTAN,
TAGÍBOS,
TAGÍBUS,
ÚGDOK
ma·la·ba·sá·han
png |Zoo
:
uri ng ahas-dagat na guhitan ang katawan at anyong basahan ang balát.
ma·la·bá·wang
png |Bot
:
bulbong yerba (Eleutherine palmifolia ) na mahabà ang dahon at may putîng bulaklak, katutubò sa tropikong America.
ma·la·ba·yá·wak
png |[ ST ]
1:
Zoo
uri ng buwaya na maliit at kasukat ng bayawak.
2:
Bot
santol na manibalang.
ma·lá·bi
png |[ Ilk ]
:
banga ng tubig.
ma·la·bí·bi
png |Ntk |[ ST ]
:
bangkâ na maliit at makintab.
ma·la·bò
pnr
ma·la·bu·gî
png |Bot |[ ST ]
:
ilahas na punò ng makopa (Syzygium malaccense ).
ma·la·bu·hók
png |Bot |[ ST ]
:
damong tíla buhok.
ma·la·buk·bók
png |Bot
1:
[ST]
uri ng punongkahoy na maganda ang kahoy
2:
halámang baging (Quamoclit pennata ) na ornamental.
ma·la·bú·lak
png |Bot
:
palumpong (Justicia gendarussa ) na 2 m ang taas, nagsasanga ang tangkay na mamulá-mulá kapag murà at nagiging lungtian kapag gumulang.
ma·la·bú·nga
png |Bot |[ ST ]
:
napakalaking punongkahoy na ginagawang sasakyang-dagat
Malacañang (ma·la·kán·yang)
png |Kas Pol
1:
opisyal na tahanan ng pangulo ng Filipinas na nása San Miguel, Maynila
2:
sangay na tagapagpaganap ng pamahalaan.
ma·la·gá
pnr |[ ST ma+lagâ ]
:
nanghinà dahil gutóm.
ma·la·ga·máw
png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng butete.
ma·la·gá·tas
png
1:
Bot
[ST]
bunga ng palay kapag ito ay muràng-murà pa
2:
galapong na malabnaw.
ma·la·ga·tá·win
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
ma·la·gíng
pnd |i·ma·la·gíng, mag·ma· la·gíng, ma·lá·gi·ngín |[ ST ]
:
magbingi-bingihan o magkunwang bingi.
ma·lag·kít
png |Bot |[ Kap Tag War ]
ma·lag·mát
png |Bot |[ ST ]
:
matigas na punongkahoy na karaniwang ginagamit sa paggawâ ng bangkâ.
ma·la·gó·so
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng halaman.
ma·la·gu·nó
png |Zoo
:
uri ng mackerel na matigas ang buntot.
ma·lag·yâ
png |Mus Lit
:
uri ng awiting-bayan ng mga Mangyan.
ma·la·há·kan
png |[ ST ]
1:
tagapag-alaga ng kapatiran na may tungkuling magpatawag ng mga miyembro
2:
ma·la·há·nip
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng baging na haláman.
ma·lá·hi·na·bú·yan
png |[ ST ]
1:
damit na nagkapunit-punit na dahil sa kalumaan o matagal na paggamit
2:
bagay na hindi gaanong bago at hindi rin naman gaanong luma
3:
bagay na may bahagyang búhay.
ma·la·hin·hín
png |[ ST ]
:
tubig na maligamgam.
ma·la·hí·pon
png |Bot |[ ST ]
:
niyog na nahihinog na.
ma·la·í·ba
png |Bot |[ ST mala+iba ]
:
uri ng punongkahoy na maliit at ipinanggagamot sa pilat.
ma·la·ik·mó
png |Bot |[ Ilk Tag ]
:
punongkahoy (Celtis philippinensis ) na tigatlo ang pilas ng dahon.
ma·la·i·ní·bay
pnr |[ ST ]
:
bahagya ang epekto ng alak na ininom, o hindi gaanong lasing.
ma·lá·is
png |[ ST ]
:
tubig na mabahò, Malabo, at may kulaba sa ibabaw.
ma·la·í·ta
pnr |[ ST ]
:
dumilim ang araw.
ma·la·it-mó
png |Bot |[ ST ]
1:
uri ng punongkahoy
2:
uri ng halámang baging o palumpong tulad ng lagundi.
ma·la·í·yaw
png |Bot |[ ST ]
:
isang malaking punongkahoy.
ma·lák
png |[ ST ]
1:
málay, karaniwang ginagamit na may “wala” sa unahan, gayâ sa “walang-malák”
2:
kaalaman, karaniwang ginagamit sa negatibong paraan, hal. “di-kamalak-malak,” ibig sabihin, walang pasabi.
ma·la·ka·bú·yaw
png |Bot
ma·la·kag·yós
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.
ma·la·ká·law
pnr |[ mala+kalaw ]
:
may kutis na mapusyaw na kayumanggi.
ma·la·ka·lí·ngag
png |Bot |[ mala+ kalingag ]
:
punongkahoy na kahawig ng cinnamon.
ma·la·ka·lum·páng
png |Bot |[ ST mala+kalumpang ]
:
punongkahoy na may hawig sa kalumpang.
ma·la·kan·du·lì
png |Zoo |[ ST mala+ kandulì ]
:
uri ng butete na nakalalason.
ma·la·ká·pas
png |Zoo |[ mala+kápas ]
ma·la·ka·pé
png |Bot |[ mala+Esp café ]
:
uri ng palumpong (Canthium dicoccum ) na tumataas nang 3–4 m, may mga dahon na makintab at matulis, may mga bulaklak na puti at may uhay.
ma·la·ka·pís
png |Zoo |[ ST mala+ kapis ]
:
uri ng maliit na punò tulad ng buyo.
ma·la·kás
pnr |[ ma+lakás ]
ma·la·kat·món
png |Bot |[ ST mala+ katmon ]
:
punongkahoy na may nakaimbak na tubig sa katawan at naigagamot sa lagnat : MALBÁS-TIGBÁLANG
má·la·kí·han
pnr |[ ma+lakí+han ]
:
ukol sa malakíng pagtitipon, pagkilos, paggastos, at katulad : ENGRÁNDE
ma·la·kíng-tá·o
pnr |[ ma+laki+na+ tao ]
:
may higit na katangian o kapangyarihan kaysa karamihan Cf BIGÁTIN
ma·la·kíng tí·tik
png |Gra |[ ma+laki na titik ]
:
titik na may sukat at anyo na ginagamit sa simula ng mga pa-ngungusap at mga pangalan : CAPITAL LETTER,
KÁHA-ÁLTA,
KAPITÁL3,
MAYUSKULÁ,
UPPER CASE Cf KÁHA-BÁHA
ma·la·kud·kú·ran
png |Bot |[ mala+ kudkod+an ]
:
uri ng aromatikong yerba (genus Mentha ).
ma·la·lâ
pnr |[ ST ma+lala ]
:
hindi na mapagagaling.