mulî.
mu·lâ
pnr
:
kinuha, ibinatay, o hinango ; karaniwang dinurugtungan ng sa, kinuha sa, ibinatay sa, o hinango sa.
mu·lâ
pnt
:
tumutukoy sa panahong namagitan, sa panahong binanggit, at sa panahong isinasaalang-alang, karaniwang may katambal na “hanggang,” nagsasaad ng simula ng isang kilos, proseso, at katulad na pangyayari hal, “mula U.P. hanggang EDSA ” : FROM1
mu·là·an
png |[ mula+an ]
1:
pook, tao, o lugar na pinagbubuhatan o nakukuhanan ng isang bagay : SOURCE
2:
sa pagsasalin, ang wika ng orihinal na teksto o akda.
mu·lá·ga
png |[ ST ]
:
pagiging mulát ang mga matá.
mu·la·gát
pnr |[ Kap Ilk Tag ]
:
dilát na dilát at hindi kumukurap.
mu·la·là
pnr |[ Kap ]
:
tunggak at mahinà ang ulo.
mu·lan·bu·wát
png |[ ST ]
:
simula o batayan na anumang bagay.
mu·lan·dá·naw
png |[ ST ]
:
mga unang patak ng ulan.
mu·lang·di·lím
png |Asn |[ ST ]
:
unang araw ng pagliit ng buwan.
mu·lát
pnr
1:
[ST]
maliwanag at malinaw
2:
[Kap ST]
bukás, kung sa matá
3:
[Kap ST]
may sapat na kaalaman.
mú·lat
png
1:
pag·mú·lat pagbukás ng matá
2:
pag·mu·mú·lat pagtutu-rò ng kaalaman at mga kailangan sa búhay hábang lumalaki ang isang batà.
mu·lá·to
png pnr |Ant |[ Esp Ing mulatto ]
:
anak o nagmula sa pinaghalòng lahi.
mu·la’t sa·púl
pnb |[ mula+at+sapul ]
:
mula’t mulâ.
mu·lá·win
png |Bot |[ Hil Kap Seb Tag War ]
mu·láy
pnd |i·mu·láy, mag·mu·láy, mu·la·yín |[ ST ]
:
hatiin o pagpira-pirasuhin.
mu·láy
png
:
sa Batangas, baryá1–2
mu·la·yíng
png |[ ST ]
1:
pag-aari o lupain na ibinigay sa aliping tagapagsilbi upang ito’y kaniyang pakinabangan
2:
isang bahagi ng ari-arian na ibinibigay ng ama o ina sa isang anak.
múl·dot
png |Ana |[ Ilk ]
:
maninipis at kalat kalat na buhok, tumutubò sa iba’t ibang parte ng katawan.
mu·lé
png |[ Esp moler ]
:
giniling na tsokolate.
mu·lí
png |[ ST ]
:
pagtulad sa iba.
mú·li
png |[ ST ]
1:
pag-alaala at pagmumunì
2:
pagtitig sa isang bagay upang suriin ito
3:
pagbubukás ng mga matá.
mu·lí·do
png |[ War ]
:
panghimagas na gawa sa binayo na kamote, hinaluan ng asukal at kinudkod na niyog, inluto hanggang sa tumigas at inihulma nang pahaba at manipis.
mú·li-mú·li
png |[ ST ]
:
pag-isipan ang isang bagay.
mu·lí·naw
pnr |[ Ilk ]
:
sintigas ng bakal.
mú·ling
png |[ ST ]
:
pagpapasigla ng hinete sa kabayo sa pamamagitan ng mga hita.
múl·mol
png
:
nakalawit na sinulid sa gilid ng ginupit na damit o tahi.
mul·ni·yí
png |Bot |[ Iva ]
:
uri ng matigas na kahoy.
mu·ló-mu·ló
pnd |[ Bik ]
:
kumapa ; kumilos nang hindi tiyak.
múl·ta
png |[ Esp ]
mul·tá·do
pnr |[ Esp ]
:
naparusahan ; napagbayad.
mul·ti-
pnl |[ Esp Ing ]
:
pambuo ng pangngalan at pang-uri na nagsaad ng dami o karamihan, hal multicellular, multimedia, multimillion.
multicellular (múl·ti·sél·yu·lár)
pnr |Bio |[ Ing ]
:
mayroong maraming cell.
multicultural (múl·ti·kúl·tyu·rál)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa o may kaugnayan sa pagkakaroon ng iba’t ibang kultura o etnikong pangkat sa isang lipunan.
multidimensional (múl·ti·day·mén· syo·nál)
pnr |[ Ing ]
:
ukol sa pagkakaroon ng higit sa tatlong dimensiyon.
mul·ti·fórm
pnr |[ Ing ]
:
maraming anyo o hugis.
mul·ti·kó·lor, mul·ti·ko·lór
pnr |[ Esp Ing multicolor ]
:
binubuo ng maraming kulay.
mul·ti·lá·te·ral, mul·ti·la·te·rál
pnr |[ Ing ]
1:
maraming gilid
2:
higit sa dalawang pangkat, bansa, at panig.
mul·tí·ling·gu·wál
pnr |[ Ing multilingual ]
:
hinggil sa paggamit ng iba’t ibang wika.
multimedia (múl·ti·míd·ya)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon.
mul·ti·míl·yo·nár·ya
png |[ Esp multimillonaria ]
:
tao na higit sa isang milyon ang halaga ng salapi at ari-arian, mul·ti·míl·yo·nár·yo kung laláki.
mul·ti·nás·yo·nál
png pnr |[ Esp multinacional ]
1:
hinggil sa kompanya o negosyo na may operasyon sa iba’t ibang bansa : MULTINATIONAL
2:
tumutukoy sa iba’t ibang bansa
3:
tumutukoy sa iba’t ibang pangkating etniko : MULTINATIONAL
multinucleate (múl·ti·nyúk·li·yét)
pnr |Bio |[ Ing ]
:
may higit sa dalawang nucleus.
multiplex (múl·ti·pléks)
png |[ Ing ]
1:
sistemang multiplex
2:
sinehan na multiplex.
multiplex (múl·ti·pléks)
pnr |[ Ing ]
1:
binubuo ng maraming elemento
2:
tumutukoy sa sabay-sabay na transmisyon ng iba’t ibang mensahe sa iisang tsanel
3:
hinggil sa isang cinema complex na binubuo ng dalawa o higit pang sinehan na nása iisang lokasyon.
multiplicand (múl·ti·pli·kánd)
png |Mat |[ Ing ]
:
ang kantidad na pinararami ng multiplier.
multiplier (múl·ti plá·yer)
png |[ Ing ]
1:
Mat
ang kantidad na nagpaparami sa nakahatag na bílang
2:
sa elektrisidad, instrumento na ginagamit para madagdagan ang lakas ng koryente o puwersa.
múl·ti·pli·ká
pnd |mag·mul·ti·pli·ká, mul·ti·pli·ka·hín |[ Esp multiplicar ]
:
magparami o paramihin.
múl·ti·pli·kas·yón
png |Mat |[ Esp multiplicacion ]
:
aoperasyon na sinasagisag ng a x b, na dapat idagdag ang bsa sarili nitó sang-ayon sa ilang ulit na hinihingi ng b : MULTIPLICATION,
PAGPAPARÁMI2
mul·ti·pló·ro
pnr |[ Esp multifloro ]
:
maraming bulaklak ; maramihan kung mamulaklak.
mul·tít
pnr |[ Ilk ]
:
kapapanganak at napakaliit.
mul·tó
png
1: