pama
pa·ma-á·han
png |[ Ifu ]
:
mangkok na kahoy at ginagamit sa pagriritwal.
pa·ma·á·lam
png |[ pang+pa+alam ]
:
anumang ginagawâ sa paghihiwalay.
pa·má·bat
png |[ ST ]
pa·má·boy
png |[ ST pang+baboy ]
:
kasangkapan sa panghuhuli ng baboy.
pa·ma·dá·yaw
png |[ Ilk ]
:
kundángan1 o pagpapakundangan.
pa·má·ding
png |[ Ilk ]
:
ispring na kandado.
pa·ma·dí·ngan
png |[ Bon ]
:
panel na gawâ sa kahoy at makikíta sa bawat pasukán o pintuan ng bahay at pina-niniwalaang nangangalaga laban sa masasamâng espiritu.
pa·ma·gát
png
1:
2:
Lit Mus Say Sin
[Kap Tag]
pangalan ng isang partikular na akda, komposisyon, at iba pang likhang sining : ENGKÁBESAMYÉNTO,
TITULÓ1
3:
Lit Mus Say Sin
[Kap Tag]
pangalan o ulo ng balita, kabanata, seksiyon, at iba pang bahagi ng anumang babasahín : ENGKÁBESAMYÉNTO,
TITULÓ1 — pnd mag·pa·ma·gát,
pa·ma·ga·tán,
i·pa·ma·gát.
pa·mág·doy
png |[ Seb ]
:
líbot1-2 o paglilibot.
pa·ma·gí·tan
png |[ pa+ma+gitan ]
:
anumang ginagamit bílang panghati o partisyon.
pa·ma·gi·tá·nan
pnd |[ pa+ma+gitan+an ]
:
kumilos papunta sa gitna o kayâ maging tagapag-ayos ng away ng dalawang tao.
pa·má·go
png |[ pang+bago ]
1:
Agr
kauna-unahang bunga sa panahon ng anihán ng palay
2:
kauna-unahang paggamit sa isang bagay na bagong bago.
pa·ma·há·gi
png |[ pang+bahagi ]
1:
pamilang na ginagamit upang mailarawan ang isang bagay na hinahati o binabahagi, nilalapian ng ika- at ka-, na mulâ rin sa ika-, hal ikalima, ikawalo, kalahati, kagitna
2:
Gra
pang-uring pamahagi.
pá·ma·ha·la·án
png |Pol |[ pang+bahala +an ]
1:
ang buong makinarya ng pangangasiwa o pamamahala sa isang bansa o estado : GOBYÉRNO,
GOVERNMENT,
KAGAMHÁNAN2
2:
sistema ng pamamahala, hal demokratikong pamahalaan, sosyalistang pamahalaan : GOBYÉRNO,
GOVERNMENT,
KAGAMHÁNAN2 — pnd pa·ma·ha·lá·an,
i·pa·ma·ha·là.
pa·ma·ha·la·áng-báyan
png |Pol |[ pamahala+ang-bayan ]
:
pamahalaan ng isang bayan : MUNISIPALIDAD2,
MUNISIPYO1
pa·ma·ha·la·áng-lung·sód
png |Pol |[ pamahala+ang-lungsod ]
:
pamahalaan ng isang lungsod.
pa·ma·ha·la·áng-pam·ban·sâ
png |Pol |[ pamahala+ang-pambansa ]
:
pamahalaan ng isang bansa.
Pá·ma·hán·di
png |Mit |[ Buk ]
:
diyos na tagapangalaga ng mga kalabaw at kabayo.
pa·má·hay
png
1:
[ST]
ari-ariang ginagamit ng isang tao upang itaguyod ang kaniyang tahanan
2:
[Hil]
balyan.
pá·ma·ha·ya·gán
png |[ pang+pa+ hayag+an ]
:
peryodiko o ang opisina ng peryodiko.
pa·má·hid
png |[ pa+pahid ]
1:
piraso ng basahan, napkin, panyo, o bagay na absorbente na ginagamit na pampunas
2:
anumang ginagamit para sa pagmasahe ng katawan gaya ng langis o alkohol
3:
anumang ginagamit sa paglalagay ng pintura, langis, barnis, at katulad.
pa·ma·hì·in
png |[ pang+pahì+in ]
1:
paniniwala o pagkukuro na hindi nakabatay sa katwiran o kaalaman : ANÍTO3b,
ARÍYA2,
ISLÁM,
ISNÁN,
MANTALÀ3,
PAHÍIM,
PANGATAHÚAN,
SUPERSTISYÓN,
SUPERSTITION,
TAGALHÍ1
2:
sistema o kalipunan ng gayong paniniwala : MANTALÀ3,
PAHÍIM,
PANGATAHÚAN,
SUPERSTISYÓN,
SUPERSTITION,
TAGALHÍ1
3:
kaugalian o kilos na nakabatay sa gayong paniniwala : MANTALÀ3,
PAHÍIM,
PANGATAHÚAN,
SUPERSTISYÓN,
SUPERS-TITION,
TAGALHÍ1
4:
hindi makatwirang pangamba sa hindi alam at mahiwaga kaugnay ng relihiyon : MANTALÀ3,
PAHÍIM,
PANGATAHÚAN,
SUPERSTISYON,
SUPERSTITION,
TAGALHÍ1
pa·ma·hi·ngá
png |[ pa+pahinga ]
:
panahon na ibinibigay sa mga mang-gagawa para tumigil sa paggawâ.
pa·ma·hí·ran
png |[ pa+pahid+an ]
1:
basahan para sa pagpapahid ng sapatos o paa bago pumasok ng pintuan : DOOR MAT1
2:
tela na ginagamit para sa pagpapahid ng kamay : NÁPKIN2,
PAMÚNAS,
PÁNYODEMÁNO,
WIPER2
pa·ma·hu·lí
png |[ pang+pa+huli ]
1:
Bot
prutas na wala sa panahon
2:
pa·ma·hu·li·hán
png |Zoo |[ pang+pa+ huli+han ]
:
binti sa likuran ng hayop na apat ang paa.
pa·mak·pák
png |[ ST pang+pakpak ]
1:
Ark
sibi ng simbahan o bahay
2:
kasangkapan na ginagamit upang piratin ang bulak.
pa·ma·ku·án
png |[ pang+pako+an ]
:
mga piraso ng kahoy na ikinakabit nang pahigâ para pagpakuan ng ding-ding.
pa·ma·lá
pnd |mag·pa·ma·lá, i·pa·ma·lá |[ Hil Tag ]
:
ibilad o magbilad.
pa·ma·la·gá
png |[ ST ]
:
pag-ungol ng isang táong galít.
pa·ma·lá·kad
png |[ pang+pa+lakad ]
:
pagpapatupad sa dapat gawin at pagpapanatili sa kaayusan sa pamamagitan ng pamamahala at pagsasanay var pamamalákad
pa·ma·la·ká·ya
png |Psd |[ pang+ palakaya ]
:
pangingisda sa pamamagitan ng palakaya.
pa·má·lang·má·lang
png |[ ST pang+bálang+bálang ]
:
pagpapaubaya ng lahat sa Diyos o sa kapalaran.
pa·ma·lát
png |[ ST pang+balát ]
1:
pagiging paos
2:
kunwari o pagkukunwari.
pa·ma·la·ták
png |[ ST ]
:
pagsasalita nang napakalakas.
pa·ma·lá·ye
png |[ Hil ]
2:
Lit
pagtatalo nang patula ng mga kinatawan ng dalawang pamilya.
pa·ma·lay·páy
png |[ pang+palaypay ]
1:
Zoo
[ST]
mga tinik na nása tagiliran ng isda na tíla mga pakpak
2:
Kar
kahoy o malaking kawayang nakapahalang sa taluktok ng bubong at pinagkakabitan ng mga kilo.
pa·ma·lík
png |[ pang+balik ]
:
hawakán ng ugit.
pa·ma·lí·la
png |Kar |[ pang+balila ]
:
tilad na kawayan o kahoy na ginagamit na pambalangkas sa pawid na dingding ng bahay.
pa·ma·lì-ma·lì
pnr |[ pa+mali-mali ]
1:
ulit-ulit ginagawâ ang malî
2:
hindi maisaayos ang pagsasalita dahil sa tákot o pagmamadali.
pa·ma·lin·tâ
png |Agr |[ pa+ma+linta ]
:
sudsod ng araro.
pa·ma·li·páy
png |Kar |[ ST ]
:
tila pahang inilalagay sa bahaging ibabâ ng bubong upang hindi makapasok ang tubig.
pa·ma·lít
png |[ pang+palit ]
1:
pera o barya na ginagamit para sa pagpapalit ng salapi na may mataas na halaga : PANUKLÎ
pa·mal·mák
pnr
:
nagiging malubha o malalâ.
pa·ma·lò
png |[ pang+palo ]
pa·má·long
png |[ ST ]
:
uri ng pantakot ng ibon sa taniman.
pa·ma·lós
png |Psd |[ pang+palos ]
:
panghuli ng igat, may kawil, pahalang ang tangkay, at may pitong kalawit na palabas at dalawang papasok na siyáng pinakatalim.
pa·mal·tík
png |[ pang+paltik ]
:
laruang pantudla, hugis Y ang tagdan, may nakakabit na gomang katamtaman ang lapad sa dalawang dulo at may maliit na katad na lalagyan ng bala na nása gitna ng goma : ALIMBÁYONG,
BÁDLUNG,
LIMBÁYONG,
PALSÍIT,
TIRADOR1
pa·ma·lú·kag
png |[ ST ]
:
pagtirik o pagtindig mga buhok o balahibo ng hayop.
pa·ma·luk·tót
png |[ ST ]
:
pagbugaw sa mga kabayo.
pa·ma·ma·á·lam
png |[ pang+pa+pa+alam ]
:
paraan ng pagsasabi ng pag-alis : ADIYÓS,
DESPEDÍDA1,
FAREWELL,
VALEDICTION,
VALEDICTORY1
pa·ma·ma·gâ
png |Med |[ pang+ma+ maga ]
:
kalagayan ng pagiging magâ.
pa·ma·ma·gí·tan
png |[ pang+pa+ pagitan ]
:
paglagay sa gitna o sa pa-gitan ng dalawa o higit pang panig upang isaayos ang pagtatálo, pag-uusap, o hidwaan Cf MEDIATION,
INTERBENSIYÓN,
INTERSESYÓN,
ARBITRATION
pa·ma·ma·gí·tan
pnb |[ pang+pa+ pagitan ]
:
tumutukoy sa bagay o pamamaraan na ginagamit para sa isang layunin o gawain, pinangungunahan ng “sa” at sinusundan ng “ng,” hal “Nanalo siya sa pamamagitan ng daya.”
pa·ma·ma·há·gi
png |[ pang+ba+bahagi ]
1:
pagbibigay ng anuman sa maraming tagatanggap : DISTRIBUSYON2,
PAGBABAHAGI1,
PALÁBOL,
SOWÌ
2:
Kom
pagbibigay ng kalakal at iba pa sa mga mamimili
3:
Ekn
lawak ng pamamahagi ng kabuuang produksiyon at yaman sa iba’t ibang pangkat at indibidwal : DISTRIBUSYON2,
PAGBABAHAGI1,
PALÁBOL,
SOWÌ
4:
sa estadistika, paraan ng pagkakalat ng katangian sa mga kasapi ng isang uri : DISTRIBUS-YON2,
PAGBABAHAGI1,
PALÁBOL,
SOWÌ
pa·ma·ma·ha·là
png |[ pang+ba+ bahala ]
1:
ang proseso ng pagkontrol at paghawak sa mga bagay o mga tao : BAHÁNDA,
MANAGEMENT1,
RULE2
2:
propesyonal na paghawak sa usaping pangnegosyo, gawaing publiko, at katulad ; mga tao na kasangkot dito, gaya ng kalupunan ng mga direktor at pamunuan : BAHÁNDA,
MANAGEMENT1,
RULE2
3:
pa·ma·ma·háy
png |[ pang+ba+bahay ]
1:
Ana
[ST]
puke
2:
paninibago sa isang bahay o pook, karaniwang lumilitaw kapag di makatulog sa unang gabi.
pa·ma·má·hay
png |[ pang+ba+bahay ]
:
ang lahat ng nása loob ng isang tahanan.
pa·ma·ma·hi·ngá
png |[ pag+pa+pa+hinga ]
1:
pag·pa·hi·ngá pagtigil sa anumang ginagawâ upang mapawi ang págod : DESKÁNSO,
EASE5,
PAHINGÁLAY,
RETÍRO2
2:
tuluyang pagtigil sa paglilingkod sa isang opisina, pagawàan, negosyo, o anumang gawain : RETÍRO2
pa·ma·ma·hò
png |[ pang+ba+baho ]
:
paglabas ng mabaho o masamâng amoy.
pa·ma·mak·yáw
png |[ pang+pa+pakyaw ]
:
pagbili ng pakyaw.
pa·ma·ma·lád
png |[ pang+la+ladlad ]
:
sabay-sabay na paglipad ng mga dahon o piraso ng papel dahil sa biglang ihip ng malakas na hangin.
pa·ma·ma·lán·tsa
png |[ pang+pa+ plantsa ]
:
kilos o paraan ng pagplantsa sa damit.
pa·ma·ma·léng·ke
png |[ pang+pa+palengke ]
:
kilos o panahon ng pagbili ng mga kailangan mula sa palengke : MARKETING1,
PAMIMILI2
pa·ma·ma·li·kì
png |[ pang+pa+paliki ]
:
kilos ng panliligaw sa isang babae.
pa·ma·ma·lò
png |[ pang+pa+palo ]
:
kilos ng pagpaparusa sa isang batà sa pamamagitan ng pagpalò.
pa·ma·ma·lú·kag
png |[ pang+ma+ma+lukag ]
1:
kilabot1 o pangingilabot
2:
kalisag o pangangalisag.
pa·ma·ma·nà
png |[ pang+pa+pana ]
:
pagpatay ng ilahas na hayop sa pamamagitan na panà at palaso.
pa·ma·ma·ná·ag
png |[ pang+ba+banaag ]
:
manipis at mapusyaw na paglitaw ng liwanag gaya sa paglitaw ng buwan o simula ng bukang-liwayway.
pa·ma·ma·na·tà
png |[ pang+pa+ panata ]
:
paggawâ at pagtupad ng isang panata o debosyon.
pa·ma·ma·ná·tag
png |[ pang+pa+panatag ]
1:
ganap na pamamahinga, hal mula sa pakikilahok pampolitika
2:
pagiging patay.
pa·ma·man·dáw
png |[ pang+pa+ pandaw ]
:
pagdalaw sa isang bitag o baklad upang alamin kung may huli.
pa·ma·mang·kâ
png |Ntk |[ pang+ba+ bangka ]
:
pagsakay o paggaod ng bangka.
pa·ma·mang·láw
png |[ pang+pa+ panglaw ]
:
paraan o panahon ng pagiging mapanglaw o malungkutin.