tawa


ta·wá

png |[ Ilk Seb ]

tá·wa

png |pag·tá·wa |[ Hil Seb Tag Tau ]
:
pagpapahayag ng kasiyahan o kagalakan, karaniwang sa pamama-gitan ng ngiti at tunog na nalilikha nitó : AYLÍ, ÉLEK, GALÓT, HIBAYÁG, ILÌ, KADLÁW, KAKAYÁD, KATÁWA, LAUGHTER, TAWÁ, ÚLOK2 — pnd tu·má·wa.

ta·wá-ay

png |Zoo |[ Seb ]

tá·wad

png |pag·tá·wad |[ pag+tawad ]
1:
paghingi ng deskuwento : HANGYÒ2, PIGÍT3
2:
paghingi ng paumanhin
3:
pagsisikap upang makalaya sa parusa
4:
pagmaliit o paghamak sa kakayahan ng sinuman.

tá·wag

png
1:
[Hil Mag Pan Seb Tag Tau War] pagsasalita nang malakas : ÁWUS
2:
pag·tá·wag panunuran upang magtipon-tipon
3:
Bat pagtipunin o pagharapin
4:
[Bik Hil Iba Pan Seb Tag War] bando o pahayag, karaniwang ginagawâ sa simbahan sa tatlong magkakasunod na Linggo, hinggil sa isang kasalang magaganap : BANN
5:
pag·tá·wag paggamit ng telepono Cf CALL
6:
ka·ta·wa·gán pangalan ng tao, pook, o bagay : NAME2
7:
dalaw ng isang doktor.

ta·wák

png |[ ST ]
1:
sinumang nag-aangkin ng agimat na nakapagpapagalíng sa tuklaw ng ahas sa pamamagitan ng kaniyang laway, at nakapagpapaamo sa ahas
2:
ang naturang agimat
3:
sinumang pinaniniwalaang nakapagpapagalíng ang laway.

ta·wák

pnr |[ ST ]

ta·wál

png |[ ST ]

tá·wal

png |[ ST ]
1:
paggalíng sa pamamagitan ng gayuma
2:
pagkahalinang dulot ng mahika ; pagkaengkanto
3:
paggalíng ng kagat ng ahas gamit ang yerba
4:
pagbigkis sa pamamagitan ng lubid.

ta·wá·lis

png |Bot |[ Hil ]
:
maliit na punongkahoy (Osbornia octodonta ) na lumalago o kumakapal, lalo kung tumataas ang tubig sa latian.

tá·was

png |Kem
:
walang kulay na compound ng aluminum at potassium, ginagamit na solution bílang gamot at sa pagkukulay : ÁLUM, ALÚMBRE, PIYÉDRALÚMBRE, POTÁSA, POTASH, POTASH ALUM, TINGGÁL

tá·was

pnd |man·tá·was, ta·wá·sin, tu·má·was
:
alamin kung ano ang karamdaman sa pamamagitan ng pagtunaw sa tawas, ayon sa sinaunang pamamaraan ng panggagamot.

tá·was

pnr |[ ST ]
:
nakaiwas, nakalaya, o nakaligtas mula sa sumpa o kamalasan.

ta·wá·ta·wá

png |Bot |[ Bik ]

tá·wa-tá·wa

png |Bot
1:
dapò (Grammathophyllum scriptum ) na hindi parasitiko, tumutubò sa ibabaw ng ibang haláman at nabubúhay dahil sa hangin

ta·wá·to

png |Zoo |[ Ilk ]

ta·wáy

png
1:
[ST] kakayahang maabot ang layò, gaya ng bála ng pinaputok na baril
2:
[Pan] tikím.