ani


a·ní

png
:
pandidiri o pagkasuklam — pnr ma·a·ní.

a·ní

pnb |[ a+ni ]
:
sabi ni Cf ANÁNG

á·ni

png |[ Bik Hil Ilk Seb Tag War ]
1:
búnga1 o prodúkto : HÁRVEST
2:
Agr pag-á·ni pagkuha sa bunga ng tanim : ÁPIT, HÁRVEST, KOSÉTSA Cf PITÁS, PUPÓL
3:
malalakíng kabibe na ginagamit sa pag-ani ng palay.

a·ní·a

pnb |[ Seb ]

á·ni·á·ni

png |[ ST ]
1:
pagiging magálang

á·nib

png |[ Kap Tag ]
1:
pag-á·nib, pa·ki·ki·á·nib pagsáma sa isang samahán o kapisanan : ÁBIN, SÁLI1, TÁG-OP
2:
pag-á·nib, pa·ki·ki·á·nib pakikiisa o pagsang-ayon sa kuro-kurò o simulain ng iba : ÁBIN — pnd i·á·nib, ma·ki·á·nib, u·má·nib
3:
[ST] balabal ng babae.

a·ni·ber·sár·yo

png |[ Esp aniversario ]
1:
petsa ng pagkaganap ng isang pangyayari sa nakalipas na isang taon : ANNIVERSARY, KASUMÁRAN, SÚMAD
2:
ang pagdiriwang nitó : ANNIVERSARY, ARAW6, KASUMÁRAN, SÚMAD Cf KAARAWÁN

a·ni·bi·yóng

png |Bot |[ ST ]

a·ní·bong

png |Bot |[ ST Seb Tag ]
:
katutubòng palma (Oncosperma tigillarium ) na tumutubòng sintaas ng niyog, matigas ang balát, ngunit malambot ang bukag ng punò.

a·ni·bó·os

png |[ Ilk ]

a·ní·han

png |[ áni+han ]
:
panahon ng pagkuha at paglikom ng ani.

a·ní·i

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

a·ní·it

png
1:
[Ilk] amoy ng nasusunog na pagkit, katad, at katulad
2:
[Ilk] pakiramdam kapag masyadong mainit
3:
Zoo [Bik] alimángo.

á·ni·kó

png |[ a+ni+ako ]
:
sabi ko Cf ANÁNG

a·ní·la

png |Zoo |[ ST ]

á·ni·lá

pnb |[ a+nila ]
:
sabi nilá Cf ANÁNG

a·ni·lán

png |Zoo

a·ní·law

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng maliit at namumulaklak na punongkahoy.

a·nil-íl

png |[ Ilk ]
:
tahol ng áso kapag nauuhaw var anal-ál

a·ni·lí·na

png |Kem |[ Esp ]

aniline (án·i·láyn)

png |Kem |[ Ing ]
:
walang kulay at tíla langis na likido (C6H5NH2) na ginagamit sa paggawa ng pangkulay, droga, at plastik : ANILÍNA

a·nil·yá·do

pnr |Bot |[ Esp anillado ]
1:
binubuo ng mga bahaging parang singsing
2:
may anilyo o mga bándang parang singsing.

a·nil·yé·te

png |[ Esp anillete ]
:
maliit o munting singsing.

a·níl·yo

png |[ Esp anillo ]
:
anumang hugis singsing o bándang pabilog na gawâ sa metal at nagsisilbing pambigkis : RING2

á·nim

pnr |Mat
1:
pamilang na katumbas ng dalawang tatlo ; kalahati ng dosena : INNÉM, SEIS, SIX, UNÓM
2:
salitang bílang para sa 6 o VI : INNÉM, SEIS, SIX, UNÓM
3:
katipunán ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa : INNÉM, SEIS, SIX, UNÓM

á·ni·má

png |[ Ing Esp ]
1:
panloob na katauhan
2:
Sik termino ni Carl Jung sa malababaeng bahagi ng katauhan ng lalaki
3:
kaluluwá1 — pnd a·ni·ma·hán, a·ni·ma·hín, mag-á·ni·má.

a·ni·mad·ber·si·yón

png |[ Esp animadversión ]

a·ni·má·do

pnr |[ Esp ]
:
may búhay ; masiglá Cf BÍBO

a·ni·ma·dór

png |[ Esp ]
1:
tao na nagdudulot ng sigla at aliw
2:
Sin artist na gumagawâ ng animation.

a·ni·mál

png |[ Esp ]
1:
3:
Alp tao na masamâ ang kilos, salita, o ugali.

a·ni·más

png |[ Esp ]
:
pagtugtog ng kampana sa dapithapon Cf AGÚNYAS, ORASYÓN

a·ni·mas·yón

png |[ Esp animación ]

animate (án·i·méyt)

pnr |[ Ing ]

animate (án·i·méyt)

pnd |[ Ing ]
1:
bigyan ng búhay ; pasiglahin
2:
bigyan ng inspirasyon

animated cartoon (á·ni·méy·tid kar·tún)

png |[ Ing ]
:
pelikulang ginawâ sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan sa serye ng mga drowing na nagpapakíta ng pagsulong ng aksiyon ng pelikula.

animation (án·i·méy·syon)

png |[ Ing ]
1:
pagiging masigla : ANIMASYÓN
2:
pagiging buháy : ANIMASYÓN
3:
Sin pagsasapelikula ng magkakasunod na guhit ng larawan o mga pigura upang makalikha ng ilusyon ng galaw : ANIMASYÓN

animism (á·ni·mí·sem)

png |[ Ing ]

a·ni·mís·mo

png |[ Esp ]
1:
paniniwala sa kaluluwa o espiritu, na hiwalay sa materyal na bagay : ANIMISM, ANÍTO3
2:
paniniwalang may kaluluwa ang mga haláman, bagay, at natural na pangyayari : ANIMISM, ANÍTO3
3:
paniniwala sa supernatural na kapangyarihang nagsasaayos at nagpapagalaw sa materyal na daigdig : ANIMISM, ANÍTO3

á·nim·na·pû

pnr |Mat |[ anim+na+po ]
:
kardinal na bílang na katumbas ng anim na sampu : SESÉNTA, SIXTY

á·ni·mó

png |[ Esp ]
3:
kaloóban o hindi mabaling kagustuhan
4:
tatág at tíbay.

á·ni·mó

pnr pnd |mag-á·ni·mó |[ Esp ]

a·ní·nag

png |[ Ilk Kap Pan Tag ]
:
pagkakíta sa anumang may kalabuan o sa anumang natatakpan ng malinaw o manipis na bagay : ANAG-ÁG1, ANÍNAW4, SILÁG2 — pnd a·ni·ná·gin, ma·a·ní·nag, u·ma·ní· nag.

a·ni·ná·pla

png |Bot |[ Tag ]

a·ni·náw

pnr |[ Ilk Tag ]
:
nakikíta sa kabila ng kalabuan.

a·ní·naw

png
1:
pagtingin nang malapit at masusi sa isang bagay
2:
pag-unawa o pag-intindi nang mabuti
3:
pagbibigay ng páyo o paliwanag
4:
anínag — pnd a·ni·ná·win, mag-a·ní·naw.

a·ní·ngal

png |[ War ]

a·ni·ní·ngal

png |[ Bik ]

a·ni·ní·pot

png |Zoo |[ Akl Bik Hil Seb ]

a·ní·no

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
maitim o madilim na bagay na nalilikha ng anumang humaharang sa liwanag ng araw, kandila, at katulad : LÁMBONG, SHADOW2 Cf LÍLIM
2:
pagkakatulad, gaya sa anino ng ama ang anak.

anion (án·ay·ón)

png |Kem |[ Ing ]
:
ion na may negatibong karga at nahihila sa anode sa elektrolisis Cf CATION

a·ní·pa

png |Bot |[ Iba ]

a·nís

png
1:
[ST] inís2
2:
Bot [Esp] yerba (Pimpinella anisum ) na may aromatikong butó : ANISE
3:
Bot [Esp] tawag din sa mababango at maliliit na butó nitó, karaniwang ginagamit na pampabango sa pagkaing niluluto o bílang gamot sa pagpapalabas ng mga bulate sa tiyan : ANISE

a·ni·sá·do

png |[ Esp ]
:
alak na binabaran ng anis.

anise (á·nis)

png |Bot |[ Ing ]

a·nís·lag

png |Bot
:
uri ng matigas na punongkahoy, may maliit at makitid na dahon, at may balát na ginagamit upang magkulay itim ang abaka : TÚGAS1

anisogamy (a·nay·só·ga·mí)

png |Bio |[ Ing ]
:
pagsasáma ng magkakaiba o heterogenous na mga gamete.

anisotropic (á·nay·so·tró·pik)

pnr |[ Ing ]
:
may magkakaibang pisikal na katangian na may magkakaibang direksiyon.

á·nit

png
1:
Ana [Bik Hil Kap Seb Tag War] balát ng ulo : SCALP
2:
Ana [Bik Hil Seb Tag War] epidérmis
3:
[Bik Hil War] kátad.

á·nit

pnd |a·ní·tan, i·á·nit, mag-á·nit |[ ST ]
:
tanggalan ng balát.

a·ni·té·ra

png
1:
[Gad] babaylán
2:
Kas noong panahon ng Español, tawag sa babaeng parì ng mga anito.

a·ní·to

png
1:
Mit [ST] sinaunang espiritu ng ninuno o ng kalikasan : BÚKONG1
2:
Kas noong panahon ng Español, biluhaba o parihabâng tela, madalas na putîng linen, may krus sa gitna, at isinusuot ng pari sa leeg at balikat
3:
[Bik Hil Ilk Tag] animismo o pamahiin1
4:
[Ayt Mgk] seremonya para sa mga espiritu
5:

á·ni·tó

pnb |[ a+nito ]
:
sabi nitó Cf ANANG

a·ni·tú·han

png |[ Ita ]
:
ritwal ng mga Agta sa Zambales para itaboy ang masasamâng espiritu.

a·ni·wá·as

png |Mit |[ Ilk ]
1:
ikatlong kaluluwa na umaalis sa katawan kapag natutulog ang tao at maaaring maging sanhi ng pagkabaliw kapag hindi bumalik

á·ni·yá

pnb |[ a+niyá ]
:
sabi niya var anya Cf ANANG

a·ni·yám

png |Bot |[ Tbw ]

a·ni·yás de mó·ras

png |Bot |[ Kap ]
:
mataas at magaspang na damo (Vetiveria zizanoides ) na may mabangong ugat at dahon, katutubò sa India ngunit malaganap sa Filipinas : RIMÓDAS

á·ni·yó

png |[ ST ]
1:
kaugalian, asal, at kaanyuan ng tao
2:
magandang hugis ng katawan Cf ANYÔ

á·ni·yó

pnb |[ ST a+ninyo ]
:
sabi mo Cf ANÁNG

a·ni·yók

png |[ ST ]
:
pagwawasiwas katulad ng dulong matulis ng kawayan.

a·ni·yós

png |[ ST ]
:
mga paggalaw na hindi natural.