sali
sa·lì
png
1:
[ST]
katas na lumalabas sa pagpisil sa isang prutas
2:
laway na pulá dahil sa pagnguya ng nga-nga o tabako.
sa·li·bad·bád
png |[ Hil ]
:
inuming inihanda ng babaylan at nakalulunas sa sakít.
sa·lí·bat
png |[ ST ]
1:
pagsagi sa isip ng isang bagay
2:
panghihimasok sa usapan o panggugulo sa nagsasalita.
sa·li·bú·kag
png |[ Ilk ]
:
pakiramdam na sariwa o maginhawa matapos maligo o maglinis ng katawan.
sa·li·but·bót
png |Bot
:
uri ng punongkahoy na may ugat na ginagamit na gamot sa súgat.
salicin (sa·lí·sin)
png |Kem |[ Ing ]
:
kristalinang may glucose na mapait at mula sa balát ng willow.
salicylic acid (sa·li·sí·lik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
:
asido na mapait, ginagamit na fungicide, at sa paggawâ ng aspirin.
sa·lí·da
png |[ Esp ]
1:
pook na labásan
2:
buwelo sa pag-andar o paglukso.
sá·lig
pnd |i·sá·lig, mag·sá·lig, pag·sa· lí·gan
:
batay1-2 o magbatay.
sa·lig·síg
png |[ ST ]
1:
pagluluto ng bigas na inilalagay sa gitna ng mga dahon
2:
tubig o katas na lumalabas sa pagitan ng laman at balát.
sa·li·gut·gót
pnr
:
masalimúot, varyant ng aligutgót2
sa·li·kád
png |[ Ilk ]
:
paha na nása baywang ng palda, sáya, o pantalon.
sa·lik·sík
png
1:
pag·sa·lik·sík maingat at puspusang paghahanap sa isang bagay na lubhang nakatago : EKSPLORASYÓN3,
SAYÚTSOT Cf SEARCH1
2:
pa·ná·na·lik·sík sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa : RESEARCH,
RÍSERTS,
SAYÚTSOT Cf IMBESTIGASYÓN
sa·lík·sik
png
1:
Zoo
[Hil]
maliit na kulisap
2:
[Pan]
gaspang ng tabla
3:
[Seb]
paghanap ng kuto sa buhok
4:
Zoo
[War]
uri ng ibon.
sa·lík·way
pnd |i·sa·lík·way, mag·sa·lík·way
:
magtakwil o itakwil.
sa·li·líng
png |[ Man ]
:
ritwal para isalin ang karamdaman mula sa tao túngo sa hayop na inalay.
sa·lí·long
png
1:
pagkupkop o pag-aalaga sa tao o hayop
2:
pagpapailalim ng sarilli sa pagkupkop ng iba.
sa·li·mag·yó
png |[ Bik ]
:
paparating na bagyo, unós, at malakas na hihip ng hangin.
sa·li·mak·mák
png
:
opinyon na ibinibigay nang hindi hinihingi.
sa·lím·bal
png |Mit |[ Buk ]
:
bangkang naghahatid sa kaluluwa ng mga tao túngo sa langit at naghahatid pabalik sa daigdig.
sa·lim·báy
png
:
palutang na paglipad nang hindi ikinakampay ang mga pakpak.
sa·lim·bú·bog
png |Zoo |[ Hil ]
:
dikya na kulay itim.
sá·lim·bú·tang
png |[ Bag ]
1:
kasuotang panlaláki na may maikling manggas, pabilóg ang kuwelyo, at isinusuot sa labanán at pangangabayo
2:
balutìng gawâ sa abaka.
sa·lí·mol
png
:
pagbasâ sa mga labì sa pamamagitan ng dila.
sa·lím·pa·páw
pnr |[ Hil ]
:
hindi tapat.
sa·li·mú·ot
png
1:
pagiging masalimuot
2:
[Ilk]
pagiging maalinsangan — pnr ma·sa·li·mú·ot.
sa·li·muy·móy
png
:
ingay mula sa malapit at nakabubulahaw.
sá·lin
png
1:
2:
3:
Lit
pagtutumbas sa isang salita, parirala, o pangungusap mula sa orihinal na wika patúngo sa ikalawang wika : BERSIYÓN1,
HÚLOG7,
PATALÓS,
TRADUKSIYÓN,
TRANSLATION
4:
pag-endoso ng isang dokumento mula sa isang tanggapan túngo sa iba
5:
pagbibigay ng isang katungkulan sa isa túngo sa iba bílang promosyon sa trabaho o anumang katulad
6:
[Bik]
pira-pirasong tanso na pinagtabasan
7:
[Bik Seb]
tíra-tíra
8:
[Kap]
pagtatanim muli
9:
[ST]
sisidlan ng asin ayon kay Serrano-Laktaw.
sa·lí·nat
png |Bot
:
maliit na palumpong (Cephaloschefflera blancoi ) na may kumpol na makikitid at patulis na dahon sa bawat tangkay, at may kumpol ng maliliit na bunga, katutubò sa mga gubat ng Luzon at Mindanao : SAGÁBAL3
sa·lín·da·yáw
png |Zoo
:
usa na bago pa lámang tinutubuan ng sungay.
sa·lí·nga
png |[ Ilk ]
:
telang manipis.
sá·ling-bú·bog
png |Bot
:
mababàng punongkahoy (Crataeva religiosa ) na tumataas nang 10 m at may bulaklak na maganda ngunit hindi kanais-nais ang amoy.
sa·li·ngít
pnr
:
nakatagò o nakalagay sa isang makipot na pook.
sa·ling·síng
png
1:
pakòng sinasabitan
2:
Med
natuklap na balát sa itaas ng kuko.
sa·líng·sing
png
1:
2:
maliit na singsing na ginagawâng sabitan ng kortina
3:
[Hil]
usbóng1 o putók3
sa·li·ngu·sô
pnr
:
may ugaling pausliin ang nguso kung galít.
sa·lin·la·hì
png |[ Kap Tag salin+lahi ]
1:
isang pangkat ng mga buháy na nalikha at bumubuo sa isang hakbang ng pagsulong mula sa isang ninuno ; pangkat ng mga tao na magkakapanahong ipinanganak at nabúhay ; pangkat ng mga tao na may magkatulad na kalagayan o karanasan : APIDÁBID,
GENERATION,
HENERASYÓN,
KALÍWAT2,
KALIWÁTAN,
KAPUTÓTAN,
PUWÉN
2:
panahon sa pagitan ng mga magulang at ng kanilang mga anak : APIDÁBID,
GENERATION,
HENERASYÓN,
KALÍWAT2,
KALIWÁTAN,
KAPUTÓTAN,
PUWÉN
sa·li·nók
png
:
pabalik-balik na bugso ng hangin.
sá·lip
png
1:
[Tau]
titulong namamana ng sinumang mula sa angkan ng propetang si Muhammad
2:
sa·li·pad·pád
png
:
galaw ng mga disk na inihagis nang pasapad.
sa·lí·pod
png
:
paggapang, lalo na ng isang sanggol.
sa·lí·pot
png
:
pagtatago o paglilihim sa isang maselang katotohanan.
sa·lip·síp
pnb
:
paloob, higit na malalim kaysa nása malapit sa rabaw, gaya ng bahagi ng balát.
sa·li·pút·put
pnd |mag·sa·li·pút·put, sa·li·pút·pu·tán, su·ma·li·pút·put |[ Hil ]
1:
dumaan sa pintuang nása likod ng bahay
2:
umalis nang hindi pinapansin ng ibang tao.
sa·li·sí
png
1:
hanay o ayos na salítan — pnr pa·sa·li·sí — pnd mag·ka·sa·li·sí,
sa·li·si·hán
2:
paggawâ nang halinhinan — pnd mag·sa·li·sí,
sa·li·si·hán
3:
palihim na paggawâ ng isang bagay, gaya ng pagnanakaw kapag wala ang may-ari o nalibang ang nagbabantay — pnd ma·sa·li·sí·han,
su·ma·lí·si.
sa·lí·si
png |[ Seb ]
:
unang pumapasok sa bahay.
sa·lí·sig
png
1:
pagpapasok ng anumang kasangkapan, hal kasangkapan para sa pag-arok ng súgat o para sa pagtanggal ng tutuli
2:
ang kasangkapan sa pagkuha ng tutuli o pansúkat sa lalim ng sugat.
sa·li·si·lá·to
png |Kem |[ Esp salicilato ]
:
mapait na compound na makukuha sa ilang haláman at ginagamit bílang fungicide : SALICYLATE
sa·li·si·pán
png |Ntk
:
uri ng napakabilis na bangka.
sa·lí·sod
png
1:
pakaladkad na paglakad o paglakad nang nakadiin sa lupa ang dulo ng paa
2:
baldosa o isang malapad na bagay na itinapon sa tubig
3:
paglilinis sa bibig ng isang sanggol sa pamamagitan ng paggamit ng bulak na inilalagay sa hintuturo at binasâ ng langis ng sesame
4:
paglalagay ng dila o ng daliri sa ilalim ng ng bibig upang kunin ang tinik o anumang nása lalamunan.
sa·lí·sol
png
1:
paglilinis sa bunganga na gámit ang bulak o telang may gamot
2:
masarap na pagdila sa labì
3:
pagtahi ng hilbana.
sa·li·tâ
png
1:
2:
3:
sá·lí·tan
pnr |[ sálit+an ]
:
nagpapalítan ng pagkakasunod-sunod ang dalawang bagay na may magkaibang uri : ALTERNATE,
HALÍ-HALÍLI,
PÁLIT-PÁLIT