pahi


pa·hì

png
:
burá — pnd ma·pa·hì, pa·hí·in, pu·ma·hì, i·pa·hì.

pa·hi·ba·ló

png |[ Hil Seb ]

pa·hi·bás

png |Lit |[ pa+hibas ]
:
paggamit ng higit na mahinay at mapampalubag ng loob na salita kapalit ng nakasasakít at tahas na pahayag : EUFEMÍSMO, EUPHEMISM

pa·hi·bát

pnr |[ pa+hibat ]
:
gumagamit ng hibat.

pá·hid

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
2:
paglalagay ng pinta sa pamamagitan ng brotsa, ng pulbos sa pamamagitan ng espongha, ng mantekilya sa pamamagitan ng kutsilyo, at iba pang katulad na gawain : DAUB, HIMÁHID, PAHIMÁHID — pnd mag·pá·hid, pa·hí·ran, pa·hí·rin, i·pá·hid, i·pam·pá·hid.

pa·hid·wâ

pnb |[ pa+hidwâ ]
:
sa paraang magkasalungat.

pa·hi·gâ

pnr |[ pa+higâ ]

pa·hi·hit·na·nà

png |Med |[ ST pahitit+nanà ]
:
yerba na sumisipsip ng nana.

pa·hí·im

png |[ ST ]

pa·hik·pík

png |[ ST ]
:
pagpitpít o pagpapasápad.

pa·hi·lís

png |Gra |[ tuldík pa+hilis ]
:
tuldik pahilis.

pa·hi·lís

pnr |[ pa+hilis ]
1:
nása pagitan ng patindig at pahigâ o may anggulong kulang sa 90°, gaya ng ayos ng hagdan : ACUTE1, HIWÁS1, HIRÍS, HIWÍS, OBLIK1, TALIBÁS
2:
kung sa paghiwa o pagputol, nakahilig sa isang panig, gaya ng hiwà ng kalamay
3:
kung sa pagkilos pasulong, nakalihis o hindi tuwirang patúngo sa kasalubong o kaharap, gaya sa pahilis na tingin ng nahihiya Cf DIYAGONAL

pa·hi·má·hid

png |[ pahim+pahid ]

pa·hi·ma·kás

png |[ Kap Tag pa+him+ wakas ]
:
huling paalam : PAMAMAALAM, PAMÚN

pa·hi·mís

png
1:
[ST] inúman o pagsasayá dahil sa unang húli sa pangingisda o pangangáso

pá·hi·ná

png |[ Esp pagina ]
1:
isang rabaw ng isa sa mga papel na tinipon, karaniwang upang makabuo ng isang aklat o magasin : DAHON2, P1, PAGE1, PANÍD2
2:
Com inimbak na datos lalo na yaong idinidispley sa iskrin : PAGE

pa·hi·ná·bad

png |[ ST ]
:
salitâng papuri o parangal.

pa·hi·nán·te

png |[ Esp pajinante ]

pa·hí·nas

png |[ ST ]
:
pagpapahid ng isang bagay sa isang bahagi.

pa·hi·nas·yón

png |[ Esp paginacion ]
:
bílang at paghahanay ng mga páhiná : PAGINATION

pa·hi·ngá

png |[ pa+hinga ]
1:
nakagiginhawang pagtigil sa anumang gawain : ALOWÁN, BÁYAW1, DESKÁNSO, HALÍ, PAINAWA, PAYNÁWA, REST1
2:
ginhawa palayô sa anumang bagay na nakagugulo o nakagagambala : ALOWÁN, BÁYAW1, DESKÁNSO, HALÍ, PAINAWA, PAYNÁWA, REST1
3:
panahon o yugto na walang ginagawâ : ALOWÁN, BÁYAW1, DESKÁNSO, HALÍ, PAINAWA, PAYNÁWA, REST1
4:
pansamantalang pagtigil o kawalan ng galaw : ALOWÁN, BÁYAW1, DESKÁNSO, HALÍ, PAINAWA, PAYNÁWA, PAUSA, PAUSE, REST1

pá·hi·ngá·han

png |[ pa+hinga+han ]
:
pook, bahay, o panahon para sa pagpapahinga.

pa·hi·ngá·lay

png |[ pa+hingalay ]

pa·híng·hing

png |Mus

pa·hi·ngî

pnr |[ pa+hingi ]
:
hinggil sa bagay na ibinigay o nakuha nang libre : PENGÈ

pa·hin·tú·lot

png |[ pa+hing+tulot ]
1:
pagsang-ayon na isakatuparan ang isang bagay : KONSENTIMYÉNTO, PAHANÚGOT, PALÚBOS, PERMÍSO, PERMISSION, PERMISYÓN, PERMÍT, SANCTION1, TÚGOT2
2:
pormal at nakasulat na awtorisasyon sa tao upang gawin ang isang bagay : CLEARANCE2, KONSENTIMYÉNTO, PAHANÚGOT, PALÚBOS, PERMÍSO, PERMISSION, PERMISYÓN, PERMÍT, SANCTION1, TÚGOT2 Cf LISÉNSIYÁ — pnd mag·pa·hin·tú·lot, pa·hin·tu·lú·tan, i·pa·hin·tú·lot.

pa·hi·nú·hod

png
:
sang-ayon1 o pagsang-ayon.

pa·hi·nú·hos

png
:
pagtutuwid ng nakabaluktot, gaya ng alambre at bakal.

pa·hi·núm·dom

png |[ Seb War ]

pa·hi·nú·ngod

png |[ Seb ]
1:
handog o alay para sa Diyos, o para sa anumang banal na adhikain : OBLASYÓN, OBLATION
2:
sa simbahang Katoliko Romano, ang pag-aalay ng tinapay at alak para sa Diyos sa Eukaristiya : OBLASYÓN, OBLATION
3:
anumang pag-aalay para sa kawanggawâ : OBLASYÓN, OBLATION

pa·hi·rám

png pnr |[ pa+hirám ]
:
tumutukoy sa bagay na ipinahiram o hiniram.

pá·hi·rá·man

png |[ pa+hirám+an ]
:
kilos o paraan ng pagpapahirám ng pera sa isa’t isa.

pa·hi·ráp

pnr |[ pa+hiráp ]
1:
nagiging mahirap gawin o tupdin
2:
nagiging higit na dukhâ.

pa·hí·rap

png |[ pa+hírap ]
1:
paraan ng pagdudulot ng matinding kirot sa isang tao

pa·hít

pnr |[ ST ]

pa·hi·wá·tig

png |[ pa+hiwatig ]

pa·hi·yáng

pnr |[ pa+hiyang ]
:
tumutukoy sa anumang ipinalalagay na nagdudulot ng suwerte.

pa·hi·yás

pnr |[ pa+hiyás ]
1:
tumutukoy sa hiyás na ibinigay o ipinagamit sa isang tao
2:
mamahálin at magagandang palamuti.

Pa·hi·yás

png |[ pa+hiyas ]
:
pistang bayan sa Quezon na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasabit ng makukulay na kiping sa dingding o bintana ng bahay bílang pasasalamat kay San Isidro de Labrador tuwing 15 Mayo.

pa·hí·yom

png |[ Seb ]