ula


ú·la

png |Bot |[ Iba ]

u·lá·bat

png
1:
harang sa pinto, karaniwang lampas tuhod ang taas upang hindi makalabas ang batàng nagsisimula pa lámang maglakad
2:
pagtayô at paglakad ng mga batà sa pamamagitan ng pangungunyapit sa bawat mahawakan.

u·lá·bi

png |Bot |[ War ]
:
uri ng ube na ilahas at tumutubò sa baybayin.

u·la·bi·sà

png |Zoo |[ ST ]
:
makamandag na ahas.

ú·lag

png |Zoo |[ ST ]
:
panginginig at pagtaas ng balahibo ng tandang dahil sa takot.

u·la·gâ

png |[ ST ]
:
pag-akit o pagsusulsol sa iba tungo sa isang masamâ o mabuting gawain.

u·lag·báng

png |[ ST ]
:
pagsalubong ng batà sa ina nang gumagapang : ULÁPANG

u·lá·han

png |Agr |[ ST ]
:
lupang pinatubigan.

u·la·hí

pnr |[ Seb ]

U·la·hí·ngan

png |Lit |[ Man ]
:
epikong-bayan hinggil sa búhay at pamumunò ni Agyu : OWAGING

u·la·hí·pan

png |Zoo |[ ST ]

u·lák

png |[ ST ]

ú·lak

png |[ ST ]
:
panginginig ng katawan kapag sinasaniban ng demonyo ang katawan ng katalona.

u·lá·lo, u·la·ló

png |[ Bik Tag ]
1:
Zoo uod na sumisirà sa kamote : ABSÍK, ÁKSIK, AMBÁLING, TATÁRO, ÚLOD
2:
sirâng lamán ng kamote dulot nitó.

u·lám

png |[ Mrw ]

ú·lam

png
:
anumang putahe ng gulay, karne, at isda na karaniwang isinasabay sa pagkain ng kanin : IKÁN1, SÍDA2, SÚD-AN2, SULÂ, SURÂ, VIAND2

ú·lam

pnd |i·ú·lam, mag-ú·lam, ú·la·min
1:
[Hil] ipahayag
2:
[Iba] mawalan ng gálang sa matanda.

u·lán

png |Mtr |[ Hil Mag Seb Tag ]
1:
tubig na namuo mula sa singaw sa atmospera at bumubuhos nang butil-butil sa lupa : ORÁN, RAIN, TÍMOY, TÚDO, URÁN, UWÁN
2:
ang pagbuhos nitó : ORÁN, RAIN, TÍMOY, TÚDO, URÁN, UWÁN

u·lán-bá·ga

png |Zoo |[ ST ulan+baga ]

u·lán-bá·nak

png |[ ST ulan+banak ]
:
ulan na malalaki ang paták, kung kailan lumalabas ang mga isdang banak.

u·lan·dáng

png |Bot |[ Cuy ]

u·lan·dés

png |[ Esp holandes ]
:
buhok na kakulay ng ginto.

u·láng

png
1:
Zoo [Bik Hil Kap Seb Tag] karaniwang tawag sa malaking hipon (family Homaridae ), na nahuhúli sa tubig-tabang, itinatawag din sa lobster : BÚROK3, BUYÓD, ODÁNG, PÁRAW1, PAYÎ, PÍSIK1, TÍREM, URÁNG
2:
[Bik Hil War] sagábal2

u·lán-gi·nó·o

png |Mtr |[ ST ulan+ginoo ]
:
ulan na mahinà.

u·lá·ngo

png |Bot
:
isang uri ng pandan.

u·lan·mág

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.

u·lá·od

png
:
pagsungkal ng baboy sa lupa.

u·lá·od

pnr
:
hila-hila o kinaladkad.

u·lá·ol

png |[ ST ]
1:
Bot uri ng saging

u·lá·or

png |[ ST ]
:
pagsasanay sumuso ng sanggol : ULÁOT

u·lá·ot

png |[ ST ]

ú·lap

png |Mtr |[ Kap Tag ]
1:
ang nakikítang kulumpon ng mga partikulo ng tubig o yelo na nakalutang sa kalawakan, karaniwang nása itaas ng rabaw ng mundo : CLOUD, DÁMPOG, DÍMDIM, GÁBON4, GÁHUR, GÁLUM, HIMPAPAYÍD, IMPAPAWÍD, LORÉM, MAGHÂ, PANGÁNOD, PANGANÓRON, PAPAÍR1, ÚLEP Cf DAGÍM, ÚLOP2
2:
anumang nakatulad na mass nitó, lalo na ang usok o alikabok : CLOUD, DÁMPOG, DÍMDIM, GÁBON4, GÁHUR, GÁLUM, HIMPAPAYÍD, IMPAPAWÍD, LORÉM, MAGHÂ, PANGÁNOD, PANGANÓRON, PAPAÍR1, ÚLEP

u·lá·pang

png |[ ST ]

u·la·píd

pnr
:
nawalan ng pera dahil sa pagkatálo sa sugal.

u·la·píng

png |Bot |[ War ]

u·la·pót

png |[ ST ]
:
luma at sirâ-sirâ nang mga damit.

u·lá·pot

png |[ ST ]
:
maliit na súpot na gawâ sa tela o katad.

ú·lar

png |[ ST ]
:
pagtubò ng halaman.

ú·las

png |[ ST ]
:
pagpapatuyô ng nabasâng bigas — pnd mag-ú·las, u·lá·sin.

u·la·sí·man

png |Bot
:
varyant ng kulasíman.

u·la·sí·mang-á·so

png |Bot |[ ulasiman+na+aso ]
:
uri ng halámang tubig (Bacopa monieri ).

u·la·sí·mang-ba·tó

png |Bot |[ ulasiman+na+bato ]

ú·lat

png
1:
[Kap Tag] pahayag na nagbibigay ng detalye ng isang pangyayári, sitwasyon, at katulad, karaniwan bílang resulta ng pagmamasid o pagtatanong : IMPÓRME, REPORT1, STATEMENT1, TAHÔ2
2:
[Kap Tag] talâ mula sa debate, pulong, at katulad para sa publikasyon : REPORT1, TAHÔ2
3:
[Pan] ugát1-5

u·lá·tan

png |[ ST ]

ú·lat-ú·lat

png |[ ST ]
:
pagtatalì ng kárang para maging mahigpit.

ú·law

png
1:
Med pagbaligtad ng tiyan dahil sa pagkahilo
2:
[Mag Seb War] hiyâ.

u·láy

png |Agr |[ ST ]
:
paglalatag ng mga basâng punla ng palay at paglalagay ng takip upang tumubò at lumusog.

ú·lay

png |[ ST ]
1:
Zoo bulate na dumadami sa katawan
2:
Bot bunga ng talahib.

u·lá·yan

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

u·lá·yaw

png
1:
[ST] libáng1 o paglilibáng
2:
pagsasáma ng dalawang tao na kapuwa may masidhing damdamin sa isa’t isa : KARINYÓAN, PAG-AYUHÁNAY, PAG-AYÚNAY, PAGKAÓYON, PAGKAUSÁ, PANAGKAYKÁYSA Cf PAGTATÁLIK