ídam
dam
png |[ Ing ]
:
estruktura para harangin, imbakin, at kontrolin ang tubig.
da·má
png |pag·da·má
dá·ma
png
1:
Isp larong Filipino na kahawig ng ahedres at may layon na ubusin ang piyón ng kalaban
2:
[Esp]
ábay3
dama de noche (dá·ma de nó·tse)
png |Bot |[ Esp ]
:
halámang ornamental (Cestrum nocturnum ) na mahabà ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahalimuyak sa gabi, katutubo sa tropikong Amerika var dáma de-nótse
da·mág
pnr |[ ST ]
:
sanáy o marunong sa isang bagay.
dá·mag
png
1:
anumang hila o kaladkad sa tubig
2:
[Hil]
katawan ng kaluluwa
3:
[Ilk]
balità
4:
[ST]
pagpasan ng náhúling malakíng isda
5:
sa Benguet, ritwal ng pagkakatay ng mga hayop sa loob ng limáng araw bago maglibing.
da·ma·hán
png |[ dama+han ]
:
tabla o kartong may 64 parisukat na may dalawang salit-salit na kulay at ginagamit sa paglalaro ng dáma.
dá·ma·hu·wá·na
png |[ Esp damajuana ]
:
malakíng bote na may maikli at makitid na leeg, nakapaglalamán ng 1-10 galon.
da·mán
pnd |du·ma·mán, mag·da·mán |[ Seb ]
:
magsalita sa pagtulog.
dá·mang
png
:
yerbang isinasapin sa karne ng usa o baboy kapag hinihiwa o tinatadtad.
da·má·ra
png
1:
balag na may mga palamuti, may atip na dahon ng saging, bunga, o niyog, at may balantok sa pinakaharapan na nagagayakan ng mga papel na sari-saring kulay
2:
silungan na may apat na poste.
da·ma·rá·ma
png |[ Esp ]
1:
disenyong binubuo ng magkakadikit na parisukat
2:
pasabat-sabat na guhit, talì, metal, o kawayang tinilad na nakalilikha ng mga matá o puwang na magkakaisa ang hugis, ayos, at luwang, karaniwang ginagamit sa saranggola, bintana, dingding, at iba pa.
da·ma·sé·no
png |Sin |[ Esp damaceno ]
:
dibuho o anumang ginagawâ sa pamamagitan ng paghábi o pag-ukit.
da·más·ko
png |[ Esp damasco ]
:
telang yarì sa linen, sutla, bulak, o lana na hinábi nang may dibuho o disenyo.
dá·may
png
1:
túlong, saklólo, o pakikiisa sa hirap, dalamhati, o anumang hindi mabuting kalagayan
2:
pagsangkot o pagkakasangkot sa isang pangyayari
3:
pakikibahagi sa gawain — pnd da·má·yan,
du·má·may,
i·dá· may,
ma·dá·may,
ma·ki·rá·may.
da·ma·yán
png |[ dámay+an ]
1:
tulungán ; pagtutulungan
2:
layunin o mithiin ng mga kooperatiba.
dá·may-dá·may
pnr
1:
túlong-túlong ; nagtutulungan
2:
dáwit-dáwit ; isinangkot.
dam·bá
pnd |dam·ba·hán, dam·ba·hín, du·mam·bá |[ Kap Tag ]
1:
biglang pagtaas at pagbabâ ng unahang paa at katawan ng isang hayop
2:
biglaang paglundag at pagdagan sa isang tao.
dam·bâ
png |Ntk |[ ST ]
:
galaw ng isang tao na nauna nang naglayag, o nása hulihán.
dam·bà·an
png |Ntk |[ ST dambâ+an ]
:
timon ng bangka.
dam·bó
png |[ ST ]
:
paglukso na magkatabí o magkasáma ang dalawang paa — pnd dam·bu·hán,
dam·bu·hín,
du·mam·bó.
dam·bô
png |Bot |[ ST ]
:
isang prutas na may kulay.
dam·bóng
png |pán·da·ram·bóng
1:
marahas at malakihang pagnanakaw, halimbawa’y sa ari-arian ng isang komunidad o bayan : DEPREDASYÓN,
DEPREDATION,
GÚBAT8,
PLUNDER,
SACK2,
SAKÉO
2:
hindi legal na pagkuha ng malaking yaman at ari-arian : PLUNDER — pnd dam·bu·ngín,
du·mam·bóng,
man·dam·bóng.
dám·bong
png |[ ST ]
:
tagatawag ng mga tao.
dam·bú·lat
pnd |dam·bu·lá·tin, du·mam·bú·lat, ma·dam·bú·lat |[ ST ]
:
magtakbuhan nang hiwa-hiwalay.
dam·bú·san
png |Zoo
:
barakuda (Sphyraena obtusata ) na mahabà ang katawan, malakí ang ulo, at pahabâ ang nguso.
dam·dám
png
:
persepsiyon sa lahat ng nangyayari sa loob at labas ng katawan ng tao, pati ang mekanismo o kasangkapan nitó Cf DAMÁ
dam·dá·min
png
1:
2:
3:
anumang pakiramdam na sinasabing hindi bunga ng pag-iisip gaya ng pag-ibig, gálit, o lungkot ; niloloob o anumang nagmula sa puso : FEELING1
dame (deym)
png pnr |[ Ing ]
1:
sinumang babae na may ranggo o awtoridad
2:
titulo ng madre sa ilang order
3:
babaeng may edad na
4:
Bio
babáe1
dá·mi
png
:
kabuuang bílang ; angking katangian ng mga bagay na maaaring sukatin, gaya ng laki, saklaw, bigat, at bílang : AMOUNT2,
DAKÁL,
KAILANÁN2,
MULTIPLICITY,
MULTIPLÍSIDÁD — pnd da·mí·han,
du·má·mi,
mag·pa·rá·mi.
da·mí·li
png |[ Ilk ]
:
seramika, palayok, o kagamitang yarì sa luad.
da·mít
png
dá·mit
png |[ ST ]
:
pananahi o pagsusulsi.
da·mó
png
1:
2:
da·mól
png |[ ST ]
:
pagdurog o paghati, gaya sa paghati ng tinapay.
Da·mó·lag
png |Mit |[ Zam ]
:
anitong tagapangalaga ng pananim, gaya ng palay na maaaring sirain ng bagyo o anumang kalamidad.
da·móng-bá·lang
png |Bot |[ damó+na-balang ]
:
damong ilahas (Dactyloctenium aegyptium ) na 15-60 sm ang taas.
da·móng-bing·ká·lat
png |Bot |[ damó+na-bingkalat ]
:
damo (Biophytum sensitivum ) na tumataas nang 30 sm, mabulaklak, at dilaw ang talulot : HÓYA-HÓYA1,
LÚBILÚBI1,
MAHIHÍIN
da·móng-dá·gat
png |[ damó+ng-dagat ]
:
anumang damo o halámang tumutubò sa dagat o sa mga batóng nararating ng tubig-dagat : SEAWEED
da·móng-i·lá·lim
png |Bot |[ damó+na-ilalim ]
dá·mong-li·gáw
png |Bot |[ damó+na-ligáw ]
1:
karaniwang tawag sa halámang ilahas : LABYÚ
2:
damo na tumutubò matapos masunog o masakate ang taníman.
da·móng-ma·ba·hò
png |Bot |[ damó+na-ma+baho ]
:
yerba (Blumea lacera ) na mabalahibo at mabulaklak, dilaw ang talulot, at nakukunan ng langis.
da·móng-mar·yá
png |Bot |[ damó+ng-marya ]
da·móng-pal·yás
png |Bot |[ damó+na-palyas ]
:
damong ilahas (Ageratum conyzoides ) na tuwid, mabalahibo, at mabango : BÁHUG-BÁHUG,
KAMUVÚWAG,
KULÓNG-KÚGONG BABÁE,
SINGÍLAN
da·mo·rák
pnr |[ ST ]
:
walang kaayusan.
da·mór·tis
png
:
pendant na hugis tainga.
dá·mot
png |ka·ra·mú·tan
1:
[ST]
kahirápan1
2:
asal o ugaling ayaw magbigay ng anuman sa kapuwa o ayaw mabawasan ang anumang taglay : DAYKÓT1 — pnr ma·rá·mot . — pnd i·pag·da·mót,
mag·da·mót
dá·moy-pu·sà
pnr |[ ST ]
:
lubhang kurípot.
dam·pâ
png |[ Kap Tag ]
:
bahay ng mahirap, karaniwang maliit at gawâ sa marupok na materyales : LÁWIG4,
PALIRÓNG1 Cf BÁRONG-BÁRONG,
KÁLAMBÁKOD,
KUBÁKOB,
KÚBO1
dam·pa·lít
png |Bot
:
damo (Borrichia arborescens ) na gumagapang, karaniwang lumalago sa tubig, at ginagawâng atsara.
dam·páng
pnb
:
pasuray-suray ; pagiray-giray.
dám·per
png |[ Ing ]
1:
tao o bagay na nakapagpapalumo
2:
kagamitan o aparato na nagpapahinà sa ingay.
dam·pî
png |[ Kap Tag ]
1:
dantay na marahan at magaang Cf HAPLÓS
2:
pagtamang marahan, gaya ng simoy ng hangin sa balát : DAPYÓ2
3:
[ST]
gamot na pantapal na medyo mainit, o kayâ’y dahon — pnd du·mam·pî,
i·dam·pî,
mag·dam·pî.
dam·píg
png |Mtr |[ Tag ]
:
ulap na tumatakip sa araw o buwan, itinuturing na pangitain ng masamâng panahon para sa mga mangingisda.
dam·píl
png |[ Ilk ]
:
laro ng mga batàng laláki, magkadikit ang mga paa hábang pilit na itinutumba ang isa’t isa.
dam·pím·ba·nál
png |Bot |[ ST dampi+na-banal ]
:
damo na itinuturing na halámang gamot at itinatapal sa bahagi ng katawang may nalinsad na butó.
dam·pót
png |pag·dam·pót
:
pagkuha sa pamamagitan ng dulo ng mga daliri ng anumang nása sahig o ibabâ : PIK-AP2 — pnd dam·pu·tín,
du·mam·pót,
i·dam·pót.
dam·pót-bá·o
png
:
larong pambatà sa Katagalugan, nakapalibot sa bílog ang mga manlalaro upang pag-agawan ang baong pinaiikot ng lider.
dam·pú·lan
png |[ dampól+an ]
:
pook o talyer na págawàan ng dinampol.
dam·pú·lay
png
:
kilos o yugto ng pagsayad o pagdiit ng isang bagay sa isa pang bagay.
dam·pú·tan
png |[ ST dampót+an ]
:
dahon ng niyog na ginagamit na kainán.
dam·pú·tin
pnr |[ dampót+in ]
:
karaniwan o madalîng pulutin o simutin.
dam·sák
png
:
laging basâng lupa o pook gaya ng putikán o sánaw.
dám·sel fish
png |Zoo |[ Ing ]
:
maliit na isdang-alat (family Pomacentridae ) may 124 species sa Filipinas, sapád at manipis ang katawan, makaliskis at sari-sari ang kulay.